A Click to Celebrate Life and Recovery

A Click to Celebrate Life and Recovery A click to choosing life over drugs.

The Outpatient and Aftercare Division of the DOH-CSTRC aims to advocate drug use prevention to the public, and support recovering individuals struggling from substance dependency towards a meaningful recovery.

"Life Testimoy ni N.E"Nag umpisa akong gumamit ng droga mga taong 1996 natuto ako nito sa aya lamang ng kaibigan, binata...
03/12/2025

"Life Testimoy ni N.E"

Nag umpisa akong gumamit ng droga mga taong 1996 natuto ako nito sa aya lamang ng kaibigan, binata pa ako noon kaya madali akong nalulong sa droga diskarte ng ibat ibang paraan para lamang makagamit. Minsan nauutosan na magbenta ng mga gamit ng kaibigan ko minsan, naman sariling gamit ko na ang binibenta ko para lamang maibili ng droga at minsan naman nagiging pwestuhan na ang bahay namin para lang ako maka gamit ng libre. Lumipas pa ang mga araw buwan at taon naging ganon ang takbo ng buhay ko hanggang sa magkaroon ako ng kinakasama sa buhay nagkaroon kami ng tatlong anak, ayos naman ang pagsasama namin alam naman ng asawa ko na gumagamit ako ng droga nagtutulungan lang kami sa hanap buhay pero ganon parin gumagamit parin ako may mga pumipwesto pa din sa bahay. Taon 2018 ng mahuli ako ng mga pulis, nilagyan nila ng droga ang loob aming bahay at doon nakulong ako sa Iriga City Jail, malungkot ang naging buhay ko sa kulungan mabuti nalang hindi ako pinabayaan ng aking asawa palagi nya akong dinadalaw kaya nabawasan ang aking kalungkotan, ang asawa ko rin ang nag asikaso para madali akong makalaya lumabas ako sa kulungan July 2019, yun nga lang ang utos sa akin ng korte ay mag rehab ako. Panibagong problema na naman tumagal pa naman ako sa labas bago ako nag rehab inabot kasi ako ng pandemic kaya natagalan bago ako naka pag rehab pero sa pag labas ko noon sa kulungan ay isinumpa ko na di na ako gagamit ng droga naka pasok ako ng rehab July 2022 panibagong lungkot na naman ang aking naramdaman sa pangalawang pag kakataon mahihiwalay na naman ako sa aking pamilya pero salamat narin at marami pa akong na tutunan sa loob ng rehab itinuro saakin kung paano makaiwas sa mga kaibigang gumagamit ng droga, lumabas ako ng rehab taong 2023 pero kailangan ko pa ang mag report sa ACP masaya ako kasi kasama ko na ulit ang aking pamilya tumagal ako ng 23 months sa ACP, kung minsan kasi hindi ako naka pag rereport kasi kinakapos kami sa pera pero sa awa ng Dios ay nakatapos rin ako. Salamat sa mga naging sandalan ko sa loob at labas ng rehab, sa lahat ng staff ng Center. Maraming salamat po sa inyo.

"LIFE TESTIMONY NI R.C"Nagsimula akong natututo na gumamit ng droga dahil sa mga kababata ko na barkada doon sa aming ba...
25/11/2025

"LIFE TESTIMONY NI R.C"

Nagsimula akong natututo na gumamit ng droga dahil sa mga kababata ko na barkada doon sa aming barangay dahil sila ay gumagamit ng droga o ang shabu, ito ay aking tinikman dahil mayroon daw akong mararamdaman na kakaiba. Sa una ayaw ko dahil hindi ko alam ang epekto nito sa aking sarili subalit talagang pinilit nila na ito'y tikman ko may mararamdaman daw akong kakaiba dahil sa kakulitan nila ito ay sinubukan ko. Sa una kong gamit, tumayo ang balahibo sa aking katawan at ang pakiramdam ko ay walang problema sa buhay, parang ang lakas ng aking katawan at hindi ako napapagod sa lahat na ginagawa ko dahil sa pakiramdam na yon. Dahil sa pakiramdam na yun ay ito'y nagpalala sa aking na gusto ko lagi ako gumagamit ng droga at dito minsan nagtatago na ako ng pera para lang makabili ng drugs o kaya manloko sa pamilya para lang makabili ako ng drugs at minsan nag nanakaw ako ng pera sa mga kapatid. Naging talamak na ako sa drugs kaya minsan hindi ko na kilala ang aking sarili naging mainitin ang ulo, balasubas kapag hindi nakakagamit ng drugs.Dahil sa kagustuhan makagamit ng drugs sumama ako sa isang kaibigan ko sa isang lugar para bumili ng droga hindi ko alam na siya pala ay mainit na sa mga pulis at siya ang target na hulihin. At ng siya ay hinuli ako'y nakasama, nahuli, dito ako ay nakulong ng walong buwan sa kulungan ako ay nag hirap na malayo sa pamilya, dito ko rin naranasan ang sobrang lungkot. Lahat ng ito ay tiniis ko dahil gusto ko magbago at dito ko rin nalaman na ang barkada kasama sa paggamit ng drugs wala man lang dumalaw, wala sa oras ng kahirapan kasama mo lang sila sa saya o kung may pera ka. At dito ko rin naisip na walang ibang dadamay sa iyo kundi pamilya mo, asawa mo, mga anak mo o mga kapatid mo, sila lang dadamay sa iyo. At ng lumabas ako sa kulungan at ang sintinsya sa aking ay magrehab ako, ako ay natakot kung ano ang magiging buhay ko sa rehab pero inisip ko aking sarili ito ay haharapin ko dahil gusto ko ng mabago ang aking sarili. Nang pumasok na ako sa loob ng rehab dito ko natutunan ang disiplina sa sarili at ang umiwas sa mga trigger sa aking sarili at ang technic kapag ikaw giyang o nakakaisip mag drugs. Dito ko rin nalaman kapag ang lugar mo doon ang mga kaibigan mo na gumagamit ng drugs dapat mo ito iwasan at yon mga kaibigan mo ng gumagamit nito ay iwasan mo dahil dito ka ulit makakaisip mag drugs. Pakalabas ay nag Aftercare Program ako, tinuro sakin mga hindi pwede at umiwas lalo sa mga bagay o lugar na maari maging sanhi sa akin upang muling bumalik sa pag dodroga at dito rin ako naging maingat. Dito sa lugar naming dahil dito ay maraming tukso upang muling mag droga at sa pamilya ko naisipan ko nalang na pag silbihan sila. Naisip ko ang mga anak ko at malalaki na sila at nahihiya na ako na malaman nila na ang kanilang ama ay isang drug addict. Gagamitin ko ang lahat ng natutunan ko sa loob ng rehab at aftercare dito sa labas lalo na ang pag iwas sa internal trigger, sa external trigger upang umiwas na muling bumalik sa droga dahil alam ko ang tunay na laban dito sa labas dahil pag tapos na ako sa program ng A.C.P ko wala nang magpapaalala sa akin para umiwas sa droga at wala saakin mag drug test. Pero iniisip ko nalang ang lahat ng natutunan ko sa rehab at sa A.C.P dahil sobrang sakripisyo ko na sa aking sarili at sakripisyo rin sa aking pamilya at tulong sa akin upang muling magbago ang aking sarili at maramig salamat po sa lahat ng phase in charge mula sa phase 1 hanggang sa phase 4 sa pag-gabay sa akin upang hindi na muli bumalik at sa lahat ng staff maraming salamat po.
GOD BLESS YOU ALL!!!!

"Life Testimony ni A.R"                     "HINDI MAKUNTENTO"Ako nga pala si A.A.R., isang padre de pamilya may asawa a...
29/10/2025

"Life Testimony ni A.R"

"HINDI MAKUNTENTO"

Ako nga pala si A.A.R., isang padre de pamilya may asawa at tatlong anak. Wala akong ibang hangad kundi buong pamilya masaya kahit mahirap. Isa din akong responsabling ama na gagawin ang lahat para sa aking pamilya. Hayaan nyo akong ikwento ko ang buhay ko kung paano ako nagsimula sa maka mundong gawain at kung paano ko ito nalampasan. Taong 2011 sa edad kung 25 ng unang makatikim ako ng droga(shabu) dahil sa tinatawag na pakikisama. Hanggang sa lumipas ang mga taon na hindi ko na namamalayan na patuloy na pala akong gumagamit at nagpapagamit dahil sa mas mabilisang pagpasok ng pera.Maraming beses na akong nakikitaan ng mga kakaibang galaw ng aking asawa pero sa tuwing tatanungin nya ako at kakausapin ay todo tanggi pa ako sa mga paratang nya at ako pa itong galit. May trabaho naman ako ng mga panahong iyon pero hindi parin talaga ako makuntento dahil ang gusto ko naibibigay ko lahat ng mga pangangailangan nila na hindi ko man lang naisip na ang mga iyon ay galing na pala sa mga illegal na mga gawain. Sobrang nakaapekto ito sa akin maging sa pamilya ko dahil sa unti unti ng nawawasak ang magandang relasyon naming mag asawa dahil sa nagagawa ko ng mangupit, magsinungaling, maglihim na di ko naman talaga ginagawa. Taong 2022, ng ako ay nahuli at nakulong. Sobrang hirap ang dinanas ko dahil hindi ko kayang malayo sa naiwan kong pamilya. Dito ko napagtanto ang mga kasalanang nagawa ko na pati pamilya ko ay nadamay dahil walang araw,oras,minuto at segundo na hindi ko sila naiisip na syang tinatanong ko sa sarili ko na paano na sila? Paano na pag aaral ng mga anak ko? Maging ng asawa ko kung paano sya papasok at uuwi na walang magsusundo na dapat ako sana ang gumagawa dahil responsibilidad ko yan. September 28,2022 ng ako ay pinasok sa CSTRC Pamukid San Fernando. Sobrang stress ako nong mga panahong iyon dahil panibagong paglayo ko na naman sa pamilya kong naiwan. Marami Akong natutuhan sa loob ng buhay rehab dahil sa mga pang araw-araw na mga activities na ang mga negatibo kung kaisipan ay unti unti ng nagiging positibo dahil sa nauunawaan ko na ang lahat na mga nangyayari sa buhay ko. October 13,2023 ng ako ay nakalabas sa rehab na walang mapaglagyan ang saya na aking naramdaman. Dumaan ako sa tamang proseso at patuloy ko itong iaapply sa buhay ko. Hindi madaling makisalamuha sa labas pero proud ako sa sarili ko dahil hindi ako natitrigger at nagagawa kung iwasan ang mga taong dapat iwasan. Masaya ako dahil nakabalik ako sa trabaho ko kaya patuloy kung isasabuhay ang mga natutunan ko sobrang bless ako dahil may asawa ako na siyang patuloy na sumusuporta at gumagabay. Sa masalimuot na naging buhay ko,maihahalintulad ko ito sa isang lalagyan na natatakpan at selyado na hindi makalabas kahit pilit na lumalabas dahil yon ang buhay ko dahil sa mga kasalanang nagawa ko. Dumating ang tamang panahon na ang lalagyan na selyado ay nabuksan dahil sa mga taong naging daan para maranasan ko ang mga paghihirap bilang kabayaran sa mga kasalanang ginawa ko. Malaya na ako at walang lihim na tinatago na sobrang sarap pala ng mabuhay dahil natamo ko na ang tunay na pagbabago at makita ang liwanag ng daan para sa patuloy na pakikibaka sa buhay ng walang inaapakan at makuntento sa kung anong meron lamang.



“Buhay RDD”1980s High School days nang magsimulang tumikim ng alak, dahil na rin sa impluensiya ng mga kaibigan. Ang pat...
29/09/2025

“Buhay RDD”
1980s High School days nang magsimulang tumikim ng alak, dahil na rin sa impluensiya ng mga kaibigan. Ang patikim-tikim ay naging gawain na naming araw-araw, minsan may pinuntahan akong birthday party muli kaming nagsama-sama ng aking mga kaibigan. Dito ako unang nakatikim ng ma*****na at shabu. Sa una ay curiosity lamang ngunit kinalaunan ay hinahanap hanap na rin ng aking katawan, dahil mataas ang tolerance ng katawan ko sa shabu, natapos ko naman ng maayos ang aking high school.
Second year college ako ng magkatrabaho. As casual employee dahil sa kasama ng aking function ang paghatid ng subpoena, may mga nakilala ako na nagbebenta. Ang iba dito ay kakilala ko, dahil sa pasasalamat shabu at babae ang binibigay sa akin kaya mas lalo akong nalulong sa shabu.
Hanggang sa makilala ko ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang asawa ko ay isang OFW, isang buwan lang kami nagsasama sa isang taon, kaya pagkatapos ng bakasyon niya ay buhay binata nanaman ako. Balik sa kalokohan hanggang sa mabalitaan niya ang aking mga ginagawa. Nagpasya siya na isama ako sa KSA, sa awa ng Diyos lahat ng kanyang pagod ay nagbunga. Tumira ako sa Saudi Arabia ng sampong taon, dito ay naging maayos ang aking buhay. Nagkaroon kami ng dalawang anak, dahil sa mahina ang standard ng International school sa Saudi nag decide kaming dito sa Pinas magpatuloy ng pag-aaral ang mga bata. Bago mag pandemic noong 2020 ay umuwi kami ng mga bata sa Pinas habang ang asawa ko ay nagpaiwan sa Saudi para magtrabaho. Sa unang mga buwan ay maayos ang takbo ng aming pamumuhay, hanggang mabalitaan nanaman ng aking mga kaibigan na bumalik na ako. Sa umpisa padalaw dalaw lang hanggang sa di ko namalayan na balik nanaman ako sa dating gawain.
Nabalitaan na naman ng aking asawa na bumalik ako sa paggamit, kaya nagbakasyon siya noong 2023. Napag-usapan naming na ipasok ako sa CSTRC sa Pamukid San Fernando. Tumira ako dito ng labing isang buwan, dito ko napagtanto ang mga nasayang kong panahon dahil sa shabu. Paunti unti ko na rin naibalik ang tiwala ko sa sarili, napagtanto ko din ang kahalagahan ng aking pamilya, at higit sa lahat ng aking buhay. Sa ngayon ay natapos ko na ang aking labing walong buwan sa Aftercare Program, hopefully in Jesus name ay tuloy tuloy na ang aking pagbabago. Salamat sa aking mga mentor from Phase 1 to Phase 4.


“My D Journey”High School nagsimula ang lahat, first time ko makatikim ng alak at maexperience ang malasing, ito din ang...
29/09/2025

“My D Journey”
High School nagsimula ang lahat, first time ko makatikim ng alak at maexperience ang malasing, ito din ang panahon unang beses ako makahithit ng sigarilyo at sa kasamaang palad dito rin ako unang beses maka-amoy at makahithit ng tinatawag na ma*****na. Nagpatuloy ang mga bisyo ko hanggang sa makatapos ako ng high school at punasok ng College. May mga bago akong nakilala at naging kaibigan, ditto nagsimula ang madalas kong pag-inom ng alak, sigarilyo, at paggamit ng ma*****na. Ito ang umpisa na palihim ako gumagamit ng droga hanggang sa bumibili na ako sa kaklase ko. Dumating ang second semester nang mapakilala ako sa shabu ng aking kaibigan, sa una parang wala lang hanggang sa madalas na ako nakakagamit. Napapabayaan ko na ang aking pag-aaral dahil minsan hindi na ako pumapasok, madalas akong nasa tambayan at sa boarding house ng barkada ko na gumagamit din. Sa mga panahon na iyon minsan hindi na ako umuuwi ng bahay at nagsisinungaling na sa aking mga magulang at hindi ko binabayad ang binibigay sa aking pang tuition. Nakapagtapos naman ako ng College at nagkaroon naman ako ng trabaho sa Government at Private Company pero patuloy pa rin ako gumamit na hindi alam ng mga katrabaho ko, hanggang sa kasama na sa pang araw-araw na buhay ko ang droga nang hindi ko namamalayan.
Hook na ako sa droga at paulit-ulit na ang ginagawa kong kalokohan sa aking asawa at pamilya. Isang araw habang ako ay nasa trabaho bigla nalang pumasok sa isip ko na siguro panahon na para ako ay magrehab, panahon na para sundan ko ang gusto ng magulang ko na ipasok ako sa rehab. Nagresign ako sa trabaho dahil napag pasyahan ko na ito na ang tamang oras. November 24, 2020 nang yakapin ko ang pagbabago. Alam ko ako ay magsasakripisyo dahil ako ay mawawalay sa aking pamilya. Unang yapak ko sa CSTRC ako ay sobrang kabado dahil sa bagong pakikibaka at kapwa tao. Sa una hindi ko maisip kung bakit ako nandito sa CSTRC siguro epekto pa ng kemikal na ginamit ko. Sinunod ko lang ang matagal na pangarap ng aking magulang, ito ay ang ipasok ako sa lugar ng pagbabago. Mahirap man ang buhay sa loob ng rehab, unti-unti nito binago ang buhay ko at dito ko napagtanto ang aking mga depekto. Alam ng Diyos na hindi naman ako perpekto, tao lang nagkakamali at natutukso. Sa halos labing tatlong buwan ko sa loob ng CSTRC, natutunan ko ang makontento na kung ano lang ang meron ako at irespeto ang bawat isa na may sakit na adiksyon na tulad ko.
Ngunit ang tunay na laban ay nasa labas ng tatlong sulok ng CSTRC. Kailangan ng disiplina kung saan ito ang kahinaan ko, aminado ako na wala ako nun. Isa sa pinakamasakit na nangyare sa akin ay ang pagpanaw ng aking ama na hindi ko man lamang siya na yakap at nakita habang siya ay nasa burol. Gusto ko sana magpaalam at pasalamatan siya sa pagmamahal at pagaruga. December nang lumabas ako sa CSTRC Residential marami ang pagsubok tulad ng paggaling sa rehab iba na ang iniisip ng ibang tao, ngunit hindi ko naman hawak ang isip nila kaya “I don’t care”. Nawalan ako ng disiplina sa sarili kaya nag relapse ako at dalawang beses nag positive habang nasa ACP. Mahirap takas an ang buhay na kinasanayan, patuloy ko itong nilalabanan.


"Life Testimony ni JG"                                 "Bangka"Ako si JG, isang adik. Bata pa lang ako nang pinili ko an...
30/07/2025

"Life Testimony ni JG"

"Bangka"

Ako si JG, isang adik. Bata pa lang ako nang pinili ko ang buhay na madilim nang sinimulan kong tikmam ang bisyo alak at sigarilyo kasama ang aking mga kaibigan. Sa una alak at sigarilyo hangang sa pinasok ko na ang paggamit ng ma*****na at naging talamak ako at ginawa ko itong libangan habang ako ay nagaaral. Hindi ko namamalayan talamak na pala ako at nagiging masamang tao na ako.
Isang araw, hindi ko namalayan pati shabu gumagamit na ako kahit sa trabaho. Kasama ko na ang bisyo ko at ang pagiging adik ko hangang sa nakulong ako. Hindi ko inaasahang mahuhuli ako dahil alam ko sa sarili ko na gumagamit lang ako pero naka-tadhana talaga na mangyayari ito sa buhay ko na dadanasan kong makulong at mapunta sa rehab.
Noong ipinasok ako sa rehab, hindi ko hinanda ang sarili ko sa pagpasok sa center. Puro kasinungalingan pa ang nasa isip ko at hindi ko sineryoso ang lahat ng patakaran sa rehab dahil isa lang ang alam ko, lalabas at lalabas rin ako sa Center. Habang tumatagal ako sa center, unti-unti akong nahihirapan na hindi ko kasama ang aking pamilya at nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Aaminin ko, mahirap ang buhay sa Center at ang lagi kong dasal ay huwag ako bigyan ng problema sa pamilya ko habang wala ako. Nagsisi man ako pero sa center ko na tagpuan ang sinasabing takot –dahil ayaw ko nang mangyari ulit na maging malayo sa pamilya at nagpapasalamat ako sa CSTRC na dito ako nabago at binago ang buhay ko hangang sa paglabas ko sa center, pinangako ko na magbabagong buhay na ako para sa sarili ko at sa pamilya ko. Salamat sa Diyos at sa magulang ko sa suporta para sa pagbabagong buhay ko at sa center.
Bilang RDD, naging masaya ako sa buhay RDD na makasama ko na pamilya ko. Malaya na ako pero madaming sumubok ng aking pagkatao at madaming naghusga sa pagbabagong buhay ko.
Gayunpaman, isa lang ang gusto ko na mangyari – ang makabawi sa pamilya ko at ipakita na maayos na buhay ko at tuparin ang pangako ko na itutuloy ko ang pagiging mabuting tao na lumayo na sa bisyo at droga.
Ngayon proud ako sa nangyari sa buhay ko at blessing para sa akin na maayos kaming magkakasama ng magulang ko at kapatid –na ako ay malayo na sa dating buhay adik.

"Life Testimony ni A.A"Sa unang pagdating ko sa rehabilitation centre, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko… kaba at...
25/06/2025

"Life Testimony ni A.A"

Sa unang pagdating ko sa rehabilitation centre, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko… kaba at takot ay bumabagabag sa aking isip. Unang pinagawa saken ay pinaligo muna ako at pakatapos ay inenterview ako. Pagatapos ng naganap na interview ay sinabihan ako na magpaalam na ako sa aking magulang at kapatid. Sa pagtalikod ko paalis ay napa-iyak ako dala ng kalungkutan. Pagdating sa quarantine area ay nagpa-swab test muna ako at doon ko narealize na mahirap dito sa loob ng rehab na ito. Pagkatapos naman ay dinala ako sa isang kwarto at sabi ng doctor ay basahin ang mga patakaran sa rehab. Lumipas ng 15 araw ay nilabas kami sa quarantine area at dito sinundo kami ni Bro. L**** kasama ang doctor at pina-upo kami sa green chair upang magbasa tungkol sa rules ng family at mga panalangin. sa araw-araw. Lumipas na naman ang araw ay ininterview ulit ako. Pagkatapos ng interview ay winelcome kami ng Family at ang naging Big Brother ay si Bro. L****.
Phase 1: Dito ay gumagawa kami ng mga sulatin at nag-aral. Nagsusulat din para sa Phase 2 upang makatawid sa susunod na Phase.
Phase 2: Dito ay inenterview kami at pinagusapan ang Family Dialogue.
Phase 3: Gumawa kami ng project na binigay tungkol sa mga droga, alcohol and smoking. Dito sa phase na ito ay sobrang nahirapan ako. Pagkatapos ay nagbasa kami tungkol sa buhay rehab at sa mga sumunod na araw ay sinundo na ako at dito binigyan ako ng mga pipirmahan na mga sulat sa paglabas ko sa rehab.Sinundo na ako ng kapatid at magulang ko. Sobrang napakasaya ang aking nadarama nang makita ko na sila na susundo sa akin.

Sa paglabas ko ay tumatakbo sa aking pag-iisip lahat ng pinag-daanan ko ay pinag-iisipan ang mga desisyon na aking pipiliin upang magbagong buhay. Habang nasa biyahe ay sobrang saya ko dahil makakasama ko na ulit ang aking mga anak at asawa.Sa pagdating ko ulit sa bahay ay ginhawa at kapayapaan ang aking nadama para sa bagong umaga. Lumipas ang mga ilang linggo ay nagsimula na ang aking pagrereport sa Aftercare Program upang malinis na ang aking record sa rehab. Dito ay panibagong gawain na naman ang aking aasikasuhin at apat na phase ang tatapusin. Dito ay na reflect ko sa sarili ang mga kailangan baguhin at dapat na gawin sa araw-araw upang maging negative sa araw na pagreport. Sa mga sumunod na linggo ay nabalitaan ko na ako ay malapit na magtapos base sa aking results, at dito ay nagsimula kami na magpractice ukol sa pamaskong mga kanta para sa gagawin naming Fundrasing Caroling. Sa kaganapan ng pagbibigay donation sa mga batang nangangailangan ng tulong sa mga nakaraan na araw ay naging masaya ako para sa aking pagtatapos ng report upang malinis ang aking pangalan at patuloy na magbabagong buhay at dito na lang nagtatapos ang akin kwento ukol sa akin buhay rehab.



"Life Testimony ni A.D"                             "Tools”Katorse anyos ako ng matuto akong manigarilyo. Dala siguro ng...
28/05/2025

"Life Testimony ni A.D"

"Tools”

Katorse anyos ako ng matuto akong manigarilyo. Dala siguro ng kuryosidad kaya ko sinubukan na manigarilyo kaakibat nito ang paginom ng alak at ang paggamit ng ma*****na. Sa kagustuhan ko na maibalik lahat ng ginastos ko sa aking mga bisyo natutunan ko ang magtulak ng ma*****na pagtungtong ko sa highschool. Ang capital ko noon ay isang daang piso katumbas ng dalawang tibag ng ma*****na ay umaabot ito ng hangang anim na libong piso. Katumbas ng isang kilong ma*****na, lumago ang negosyo kong ito sa aking highschool life hangang sa nag-graduate ako ng highschool. Pagtungton ko sa kolehiyo ay natutunan ko na rin ang paggamit ng shabu. Sa pagkalulong ko sa bisyong ito ay naubos lahat ng naipundar ko pati ang lahat ng delihensiya ko sa pagbenta ng ma*****na. Mga pangarap ko sa buhay ay bumagsak, dahil nilamon ito ng masamang sistema. Huli na nang malaman ko na sirang-sira na pala ang buhay ko dahil sa pagkalulong ko sa ipinagbabawal na gamot na ito. Halos mawalan na ako ng pagasa sa buhay.

Hinimok ako ng aking pamilya na pumasok sa CSTRC sa Rehab. Sa una todo tanggi ako sa kanila pero sa huli pumayag din ako sa kanila. October 26 ng ipinasok ako sa Center ng walang pag-aalinlangan. Sa una nahirapan ako dahil wala talaga akong ideya kung anong mangyayari sa akin. Mahirap ang buhay sa rehab dahil maraming adjustment na kailangang gawin. Ang isang araw sa loob ay katumbas ng isang buwan. Para sa aking nagrerecover sa maikling pamamalagi ko sa loob ng Center ay marami akong natutunang magagandang bagay na kailan man ay hindi ko natutunan sa labas katulad ng pagkilala kay Higher Power o pagkilala sa Diyos, pagrespeto sa lahat ng mga staff sa loob ng Center, sa mga ka-brother , sa mga kapwa ko recoveries, pagmamahal sa kalikasan, pagrespeto, at higit sa lahat pagdisiplina sa sarili at pagkakaroon ng takot sa Diyos. Yan ang mga mahahalagang bagay na pinagkaloob sa amin sa loob ng Center para sa aming paglabas sa komunidad, at pagharap pa sa darating na mga hamon sa buhay naming ay mayroon na kaming ideya o talino, lakas, at katatagan upang maiwasan at tuluyang huwag nang balikan pa ang landas ng kadiliman.

October 26, 2023 ng binuksan ang aking tarangkahan ay nagkaroon ako ng pag-asa liwanag upang harapin ang hamon sa ACP o Aftercare Program. Hinarap ko ang komunindad na may dalang karunungan at pag-asa na natutunan ko sa loob ng rehabilitation Center. Sa awa ng Diyos ay napanatili ko ang pagiging clean and sober, mula paglabas at sa kasalukuyan.

Muli po, salamat po uli sa lahat ng bumubuo ng Center. Salamat po sa pagbigay ninyo sa akin ng mga “Tools” na magagamit ko sa araw-araw upang hindi na mag relapse. Sana marami pa po kayong matulungan. Sana magkaroon pa po ng extension ang rehabilitation na ito. Habang buhay ko pong dadalhin ang mga natutunan ko sa loob. Gagawin ko po itong sandata para magtagumpay po ako sa akin buhay, at hikayatin ang iba na ituro ang mga natutunan ko sa loob para gabayan at ituro ang tamang landas ng buhay. Sa muli po, maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng Center na ito. Mabuhay po kayo!



"Life Testimony ni M.R.A"January 6, 2022 ng ako’y i-admit sa CSTRC alam kong lungkot ang aking kalaban sapagkat ilang bu...
30/04/2025

"Life Testimony ni M.R.A"

January 6, 2022 ng ako’y i-admit sa CSTRC alam kong lungkot ang aking kalaban sapagkat ilang buwan akong mawawalay sa akin mga mahal sa buhay sa awa ng Diyos nakayanan ko naman ang lahat ng mga obligasyon ko bilang isang residente sa 11 months kong pamamalagi sa Center ay marami akong natutunan. Isa na dito ang maibalik ang tiwala ko sa sarili at muling lumapit kay Higher Power. Doon ko rin naamin na isa na pala ako sa mga naliligaw na ng landas. Sa mga lesson na napagdaanan ko sa loob muli kong naibabalik ang mga magagandang pag-uugali at takot sa Diyos.
Dec. 15, 2002 ng ako’y lumabas sa rehabilitasyon. Excitement at takot ang aking nadama ng mga oras na iyon. Excitement dahil muli ko nang makasama ang pamilya ko. Takot dahil baka maulit na nanman ang pagiging lulong ko sa bisyo. Sa pagharap ko sa tunay na mundo dala ko ang aking mga natutunan sa Center. Kong paano maiwasan ang trigger. Napakalaking tulong din sa akin ng Aftercare Program. Palaging pinapaalala sa akin ng ACP ang mga dapat gawin para hindi na muli bumalik sa dati. Malaking tulong ang pagscedhuling ko sa araw araw naiwasan ko ang makaramdam ng pagkainip dahil lagi akong abala sa mga gawaing bahay at pagbantay sa dalawa kong anak. Habang lumilipas ang ilang buwan patuloy akong kumakapit at nagtitiwala sa sarili ko. May mga panahon at oras na ako’y nadapa pero hindi ako sumuko sa halip ginawa ko itong lakas para hindi na ulit madapa. Dahil sa ACP nagkaroon ako ng lakas ng loob upang makaharap sa kapwa ko ng may confidence. Nakapaghingi ako ng tawad sa mga taong nasaktan ko noon at natuto akong magpatawad sa mga nagkasala sa akin. Marami din akong napanatili isa na dito ang aking magagandang pag-uugali. Napapanatili ko ang akin pagiging kalmado sa lahat ng oras. Sa tulong ng ACP masasabi ko ngayon na ako’y muli nang isang ganap na tao, na may respeto sa kapwa, amy pagmamahal sa magulang at pamilya, at higit sa lahat may takot na ulit sa Diyos. Salamat Aftercare program sa gabay na ibinigay niyo sa akin upang mapanatili ko ang mga magagandang aral na natutunan ko sa loob ng center.



"LIFE TESTIMONY NI GV"Ako ay isang dating adik at gustong tuluyan na tigilan ang paggamit ng droga. Nagsimula akong guma...
28/03/2025

"LIFE TESTIMONY NI GV"

Ako ay isang dating adik at gustong tuluyan na tigilan ang paggamit ng droga. Nagsimula akong gumamit ng droga noong ako dalawampung (20) taong gulang pa lamang. Gumamit ako ng ma*****na at syrup. Nagsimula akong gumamit ng shabu noong nagsimula akong mag drive ng Jeepney noong ako ay dalawamput limang taong gulang (25). Dahil sa mga barkada na kapwa ko driver hindi ko napigilang gumamit at hindi ko namalayan na sugapa na pala ako sa shabu.
Mahirap ang naging buhay ko bilang adik dahil sa nawala'y ako sa aking pamilya ng dalawang taon dahil sa kung saan saan ako nakikitira. Minsan walang ligo at walang kain. Sa dalawang taon ko, sa iba't-ibang bahay doon ko napagtanto na kailangan ko ang pamilya ko kaya humiling ako kay "Papu" (Higher Power) nang tao na pwedeng magdala o samahan ako pauwi saamin dahil gusto ko ng umuwi hanggang sa nakilala ko si R*** adik din siya. Siya ang tumulong sa akin para makauwi ng bahay namin. Nang makauwi ako iba na ang naging trato sa akin ng aking mga kapamilya. Takot na sila sa akin at dahil doon ay nagpasya akong muling umalis kasama si R***. Tumira kami sa bahay nila sa Bacacay, Albay at ilang buwan din kaming doon ay namalagi. Doon ay natuto akong mag-Copra dahil ang tatay niya ay tenant ng malawak na lupain.
Pagkatapos ng ilang buwan ay nag napagdesisyunan ko na pumunta ng Maynila dahil nabuntis si R*** ng dati niyang kasintahan. Ginusto kong tulungan siya sa nalalapit na panganganak dahil hirap sila sa buhay. Naging driver uli ako ngunit sa Maynila na. Inabot ng tatlong (3) taon akong nagtrabaho doon bilang family driver. Doon din ako nag lapse, unang pag lapse ko iyon. Sa pagkalipas ng 3 taon ay tumawag ang aking kapatid na lalaki na umuwi na ako kasi walang magmamaneho sa isang jeep namin. Kaya naman ay umuwi ako ng Bicol at nagmaneho ulit ako ng Jeep.
Kung sa Maynila ay nagka lapse ako dito naman sa Bicol ay tuluyan na akong nag relapse dahil sa mga dating kaibigan na kapwa ko driver. Mas naging malala pa dahil nag benta na rin ako ng droga noong kasagsagan ng pandemya. Nagtinda dahil walang kita sa pasada. Kaya napilitan akong magbenta para masuportahan ang aking pamilya at dahil may kinakasama na rin ako at mayroon na siyang mga anak. At kasabay nito ay upang masuportahan ko ang aking paggamit ng illegal na droga.
Dahil doon ay nahuli ako ng mga pulis. Nakulong ako ng pitong (7) buwan at nag apply sa probation at sa kabutihang palad ay na grant naman ni judge. Ngunit dahil sa matinding pag gamit ng droga ako ay kinailangang ipasok sa Rehabilitation center sa Malinao na inabot ng labinlimang (15) buwan.
Sa aking Aftercare Program, ako ay na admit sa DOH-CSTRC sa San Fernando. Malaking pasasalamat kay Higher Power at sa programa kasi makakapagtapos na ako sa Aftercare. Goodluck saakin saaking pagbabago. To God be the glory.
Special thanks sa lahat ng staff ng MTRC at CSTRC na tumulong saaking pagbabago.
Salamat po saindo.

LIFE TESTIMONY NI J.H.L"RE-IGNITE"                 DEC 15, 2022, ang maagang regalo sa akin sa paparating na pasko, dahi...
27/02/2025

LIFE TESTIMONY NI J.H.L

"RE-IGNITE"

DEC 15, 2022, ang maagang regalo sa akin sa paparating na pasko, dahil ang araw na ito ay ang araw ng pag labas ko sa lugar ng pagbabago. Lungkot at saya ang nadarama ko. Malungkot kasi iiwan ko na ang mga kapatid ko sa recovery, ang aking case management team (CMT), ang mga teachers ko simula sa ERS hanggang ako ay nag senior at ang mga house parents dahil sila ang naging pamilya ko sa loob ng labing isang buwan at apat na araw. Masaya dahil maraming gintong aral, masasayang alaala na nakilala at nakasama ko sila. Isang yugto ito sa buhay ko na kahit kailan man ay hindi ko makakalimutan at higit sa lahat, tapos na, napagtagumpayan ko ang buhay sa residential…pero mag sisimula palang ang tunay na laban. Buti na lang mayroon pang “follow up aftercare program”. Ito ang magiging gabay ko. Tutulungan nila ako na maka-adjust at i-integrate muli sa community at dito na rin ako tinawag bilang isang RDD. Sa “phase one” kailangan ko na mag report isang beses sa isang linggo at kailangan ko na mag drugtest para mapatunayan na ako ay malinis. Masaya ako tuwing may “group session” at pag nakakausap ko ang matatalinong staff. Naikukwento ko sa kanila ang hirap na pinag dadadaanan ko bilang isang RDD at dahil sa tulong at pag gabay nila sa akin, natututunan ko ang mga dapat kong ingatan, bantayan at pag yamanin pa sa aking recovery. Pagkatapos, diretso ako sa simbahan para mag pasalamat. masaya na mabuhay na walang halong droga, Napakasayang mabuhay pag si Lord ang palagi na kasama. Isang gabi habang nakatayo ako sa labas ng bahay namin dumaan ang kaibigan ko na pastor, yinakap ako nito at sinabing “B., im very proud of you. Nabalitaan ko na nag “rehab ka”. Wala akong naisagot sa kanya kundi ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Isinali niya ako sa kanilang bible study tuwing miyerkules ng gabi habang sa umaga ay nasa “N.A” meeting naman ako. Dalawang support group na sobrang laki ang naitulong sa aking recovery at ang scheduling ng daily activities para ako ay palaging busy. Lumipas pa ang mga araw, inanyayahan niya ako na dumalo sa kanilang simbahan para mag bigay ng aking testimony kung paano binago ni Lord ang buhay ko sa tulong na rin ng “CSTRC”. Bagamat sila ay kristiyano ako naman ay romanong katoliko hindi ito naging hadlang para sumagot ako na “oo” sa harapan ng maraming tao, nanginginig man na hawak ko ang mikropono, ikinuwento ko ang naging buhay ko bilang isang ”drug addict” at lahat ng hirap na aking pinagdaanan saglit ako na tumingin sa mga nakikinig sa akin. I was surprised, dahil sila ay nag iiyakan. May kwenta ang kwento mo” sabi ng pastor sa akin. Ilang beses pa ito na naulit sa ibat-ibang church dito sa Camarines Sur, Nakakalungkot at mahirap man ang mga pinagdaanan ko, masaya ako pag ikinukwento ko ito dahil alam ko, by sharing my story, I can make a difference sa buhay ng ibang tao. Pagbibigay ng bibliya sa komunidad, pag papakilala sa salita ng Diyos, pag bibigay ng gift boxes mula sa ibang bansa para sa mga bata, napakaganda and it seems like everything is working for me, but not for long…April ,2023 habang ako ay nasa “Phase 2” paalala sa amin ni sir na kailangan namin na mag doble ingat dahil dito sa phase two, kadalasan ang mga RDD ay naglalaglagan. Tama siya. Kasi pagkatapos namin ng session, muli ako na natukso na gumamit. After “158 days” na pagiging “sober and clean” ako ay nag lapse for the first time and it will not be the last. Lahat ng naipon ko at naipundar ay nawala. Lahat ng pinag-aralan at natutunan ko sa rehab, ni isa man, ay wala akong nagawa. Hindi na rin ako nag attend sa bible study, sa church o sa mga “N.A” meeting. Ano pa ang purpose ng mga panalangin ko if I’m about to commit sin again. It took me several months para mag report, magpakitang muli sa center. October 13 ang araw na iyon. Pag drugtest sa akin, ako ay nag positive. Expected ko na yon. Kasama si sir at si mama, nag usap kami kung ano ang aking plano dahil nasa inpluwensya ng droga lahat ng sinabi ko ay hindi totoo. Kaya noong araw na dapat ko nang i-serve ang aking “L.E” nag positive ulit ako. Kaya ang dapat na isang araw lamang ay naging tatlo. Pag uwi ko, dumiretso ako sa simbahan para manalangin nagdududa man kong papakingan niya pa ako, alam ko sa loob ko na hindi ako makakawala sa pagmamahal niya ay hindi ako makakatago. Naliwanagan ulit ang isip ko dahil sa tatlong araw kong pag “L.E”. Wala naman kasi talagang perfect na recovery. Nagsilbi itong “eye opener” sa akin. Na sa recovery, hindi kailangan na magmadali at wag din maging kampante. January sa kasalukuyang taon ng ako ay mailipat na sa “PHASE 3”. Dito ako ay nag co-faci, lumahok sa group dynamic at spiritual activity na pinaka nagustuhan ko sa lahat. Pero hindi ito naging madali. Dahil pagpasok ng April ay muli ako na nag lapse. Ilang months ulit bago ako nag pakita sa center. “Self disclosure,” gumagamit po ako sabi ko kay Sir Lester. Kaya nabigyan ulit ako ng five days of “L.E”. 23 months na akong nasa “A.C.P”. Ilang beses akong nadapa sa aking recovery pero hindi ito dahilan para mag mukmok na lamang. Kailangan kong bumangon. Kailangan kong lumaban. Sa pagtatapos ng lahat ng ito, natutunan ko na hindi ipinipilit ang pagbabago, dahil balewala ang lahat ng tulong kung hindi ko tutulungan ang sarili ko…kaya nag papasalamat ako sa lahat ng nakasama ko sa paglalakbay na itoS sa mga bumubuo ng “aftercare program,” kayo ang ilaw na nagbigay sa akin ng liwanag sa tuwing ako ay nahihirapan. Kayo din ang rason kung bakit nandito ako sa espesyal na araw na ito at patuloy na lumalaban. At sa aftercare staff, maraming salamat sa inyo, dahil kayo ang aking “recovery hero”. Live one day at a time. God bless us all!!! Maraming salamat po.




Address

San Fernando

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when A Click to Celebrate Life and Recovery posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to A Click to Celebrate Life and Recovery:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram