01/03/2026
March 1, 2026/Sunday
Fire Prevention Month
Bilang bahagi ng pag diriwang ng Fire Prevention Month, Matagumpay na nagsagawa ng motorcade ang Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Layunin ng aktibidad na higit pang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng pag-iwas sa sunog at pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat tahanan at komunidad.
Patuloy ang panawagan ng BFP at MDRRMO sa lahat ng mamayan na makiisa sa mga programang pangkaligtasan at maging maagap sa pag iwas sa sunog. ang kaligtasan ay pananagutan ng bawat isa, at sa sama samang pagkilos, makakamit ang isang ligtas at maayos na pamayanan.
"Sa pag iwas sa sunog hindi ka nag-iisa."
"ligtas ang may alam"