30/09/2025
🩸 JOIN US FOR A BLOODLETTING ACTIVITY! 🩸
💉 Give Blood, Save Lives! 💉
We’re inviting everyone to participate in our Bloodletting Activity and help save lives through the gift of blood. Calling all our Blood donor heroes to join us and share a gift of life on October 30, 2025 Thursday 8am-12nn at Brgy. Gaya-Gaya, Pakwanan covered court, CSJDM Bulacan.
See you there! ❤️
Blood Donation 101: Mga Dapat Malaman Kapag Magdodonate ng Dugo
🩸Nasa 350 hanggang 500 ml na dugo ang kinukuha sa isang session ng blood donation.
🩸Mapapalitan ang nawalang dugo sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.
🩸Ang blood donation ay isinasagawa sa loob ng 25 minuto.
🩸Ang isang taong healthy ay maaaring magdonate ng dugo every three months.
🩸Ang bawat unit ng dugong nakolekto ay ineexamine bago isalin sa pasyente para malaman kung ito ba ay positibo sa HIV, Malaria, Syphillis, Hepatitis B at C.
📌Maaaring magdonate ng dugo kung:
✅Nasa mabuting kalusugan
✅Nasa edad 16 hanggang 65 taong gulang.
✅May timbang na hindi bababa ng 110 pounds.
✅Ang blood pressure ay nasa pagitan ng Systolic: 90-160 mmHg, Diastolic: 60-100 mmHg.
✅Pasado sa physical and health history assessments.
📌Bago magdonate ng dugo, tandaan ang mga sumusunod:
1. Matulog at magpahinga ng maayos.
2. Huwag uminom ng alak 24 oras bago ang blood donation.
3. Walang gamot na ininom sa loobg ng 24 oras.
4. Kumain ng maayos bago magdonate.
5. Iwasan ang matataba at mamantikang pagkain.
6. Uminom ng madaming tubig bago at pagkatapos ng donation.
📌Pagkatapos naman magdonate ng dugo, mahalagang gawin ang mga sumusunod:
1. Magpahinga ng sampung minuto.
2. Uminom ng tubig.
3. Lagyan ng pressure ang bahagi kung saan tinurukan para maiwasan ang pagdurugo.
4. Iwasan muna ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Kung magkaroon ng pasa, lagyan ng cold compress ang apektadong parte.
5. Iwasan ang mabibigat na gawain at pagmamaneho ng malalaking sasakyan gaya ng bus at truck.
6. Kung nahihilo, humiga at itaas ng bahagya ang paa.
📌Mga Benepisyo ng Pagdodonate ng Dugo
1. Na-istimulate ang bone marrow na gumawa ng mga bagong cells na makakatulong sa function ng mga organs na gumagawa ng dugo.
2. Ang regular na pagdodonate ng dugo lalo na para sa kalalakihan ay nakakatulong sa pagpapababa ng iron sa dugo at pagpapababa ng tsansa ng heart attack ng 80%.
3. Ang pagdodonate ng dugo ay nakakatulong sa pagburn ng 650 calories sa katawan.
4. Ang mga blood donor ay binibigyan ng blood donor card na maaari nilang gamiting tuwing kailangan nila ng dugo. Sila ay priority kung sakaling kailanganin nila ng blood transfusion.
5. Ang sinumang gustong magdonate ng dugo ay maaaring magtungo sa mga Philippine Red Cross facilities.
Source
https://www.ritemed.com.ph/.../blood-donation-101-mga...