Brgy. Citrus Health Center

Brgy. Citrus Health Center Bayani Hanggang Wakas

11/10/2025

Kalusugan ni baby ay i-prioritize, para sa malusog na kinabukasan.

Ipa-NEWBORN SCREENING si baby!

✅ Nade-detect nang maaga ang higit na 29 na sakit
✅ Libre para sa PhilHealth members
✅ Available nationwide

11/10/2025
11/10/2025

‼️ISA SA BAWAT 50 NA PILIPINO ANG MAY PROBLEMA SA PANINGIN‼️

⚠️ Bantayan ang mga senyales tulad ng pamumula, panlalabo, “floaters,” photopsia, matinding pagkasilaw, at paulit-ulit na pananakit ng mata.

🏥 Mayroong PhilHealth packages para sa kalusugan ng mata:
✅ Para sa mga bata 0–15 taong gulang at may visual disabilities: vision assessment, refraction, libreng salamin (hanggang ₱2,500/taon), assistive devices, at ocular prosthesis
✅ Adult & Pediatric Cataract Surgery
✅ Procedure Case Rates para sa iba pang eye surgeries (tulad ng glaucoma at retinal surgery)

👉 Magpatingin ng mata kahit isang beses kada taon. Maagang aksyon ang susi sa mas maliwanag na kinabukasan.

Source: Philippines Eye Disease Study 2018 of Philippine Eye Research Institute




11/10/2025

🎒IHANDA ANG GO BAG PARA SA MABILIS NA PAGLIKAS SAKALING MAGKAROON NG TSUNAMI🎒

Matapos ang magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya kaninang 9am, nagtaas ng tsunami warning ang PHIVOLCS sa mga probinsya ng: Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.

❗️Paalala ng DOH, ihanda na agad ang Emergency GO BAG sakaling kailangang lumikas dahil sa posibleng tsunami sa iyong lugar.❗️

✅ Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga importanteng gamit na laman ng inyong Emergency GO Bag.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa:
🚨 Emergency Hotline 911
📞 DOH Hotline 1555, press 3




19/08/2025
04/08/2025
01/08/2025

❗Suportado ng DOH ang Breastfeeding bilang bahagi ng mahalagang First 1000 Days ng mga sanggol ❗

Bakit mahalaga ang exclusive breastfeeding?
✔️ Kumpleto sa nutrisyon
✔️ May panlaban sa sakit
✔️ Libre, laging handa, at mas ligtas para kay baby

✅ Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan
✅ Ipagpatuloy ang pagpapasuso at magsimula ng masustansyang pagkain sa mga bata mula 6 na buwan pataas
✅ Tiyaking nakakakain si Nanay ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan sa kaniyang emotional needs





01/08/2025
15/07/2025

Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamumuhay. 💊👍

Mula March 2024 hanggang March 2025, 88% ng mga PLHIV na naka-enroll sa antiretroviral therapy (ART) at sumailalim sa viral load test ay natukoy na virally suppressed. Patunay ito na ang tuloy-tuloy na ART para sa mga PLHIV ay nakatutulong para mas mabilis nilang maabot ang Undetectable = Untransmittable status.

Available ang ART services sa mga DOH HIV care facilities: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥





12/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




Address

San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Citrus Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Brgy. Citrus Health Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram