08/04/2026
Ang Dalawang Uri ng Rabies na Dapat Mong Malaman.
Kapag iniisip ng tao ang rabies, kadalasan ang naiisip ay isang a*o o pusang agresibo, at bumubula ng laway ang bibig. Pero hindi laging ganito ang itsura ng rabies. May dalawang klinikal na anyo ang rabies, at pareho silang nakamamatay.
Ang pag-unawa sa pagkakaiba nila ay maaaring makapagligtas ng buhay.
π΄ Furious Rabies (ang βkaraniwangβ anyo ng rabies) - Ito ang uri na pamilyar sa karamihan.
Maaaring magpakita ang hayop ng:
- Biglaang pagka agresibo
- Hindi mapakali
- Labis na paglalaway
- Sensitibo sa ilaw at ingay
- Pagkagat o pag kalmot nang walang dahilan sa tao, hayop, o bagay
Sobrang balisa at agresibo ang mga hayop na may furious rabies, kaya ito ang tawag dito.
Kalaunan, nauuwi ito sa pagkaparalisa at kamatayan.
π΄ Paralytic o βDumbβ Rabies (madalas hindi napapansin) - Dahil hindi agresibo ang mga hayop na may dumb rabies, madalas napagkakamalan itong simpleng karamdaman o injury.
Maaaring magpakita ang hayop ng:
- Panghihina, pagkatumba, o hindi matatag na paglakad
- Nakalaylay na panga o hirap lumunok
- Labis na paglalaway
- Tahimik, kalmado, o labis na pag-withdraw na ugali
- Unti-unting pagkaparalisa hanggang sa coma at pagkamatay.
Tandaan:
Hindi kailangan maging agresibo ang hayop para makahawa ng rabies. Sapat na ang exposure sa laway.
Maraming ka*o ng pagkahawa ng tao ang nangyayari dahil hindi alam ng mga tao na puwedeng tahimik ang rabies. Ang pagkilala sa dalawang anyo nito ay nakatutulong upang mas mabilis makapag-ingat ang komunidad.
Protektahan ang Iyong Alaga at Pamilya
- Pabakunahan ang a*o at pusa taon-taon
- Iwasang hawakan ang mga hayop na may kakaibang kilos o neurologic na sintomas
- Magpagamot agad kung na-expose
Inirerekomenda ang pre-exposure shots para sa:
β’ Mga rescuer at shelter workers
β’ Volunteers sa stray feeding rounds
β’ Mga taong madalas humawak ng stray animals
β’ Mga batang madalas nakikipaglaro sa hayop
β’ Mga nakatira sa rabies-endemic na lugar
Ang rabies ay 100% nakamamatay, pero 100% na maiiwasan.