21/10/2025
ππππππππππ ππ πππππππ
October 21, 2025
Ang pahayag pong ito ay kaugnay sa isang facebook post na kumakalat sa social media upang bigyang linaw ang mga bagay na ipinaparatang sa institusyong ito.
Kaugnay nito, alinsunod sa polisiya ng ospital sa oras ng pag-a-admit sa pasyente, masugid pong ipinapaliwanag ng ER Doctors at staff ang kalagayan ng pasyente bago pa lamang i-admit ang pasyente, masusi din pong ginagawa ang mga kinakailangang diagnostic test, sa lahat ng pasyenteng nangangailangan ng atensyong medikal. Sa katunayan agad pong naisagawa ang blood test ng bata at nakita na sobrang taas ng impeksyon sa dugo.
Salungat sa paratang na pagbibigay o pagtuturok ng mga gamot, masususi pong pinag-aaralan ng Doctor ang lahat ng gamot na ibinibigay sa pasyente base sa mga eksaminasyong isinagawa at sintomas na mayroon sa pasyente alinsunod sa polisiya ng ospital.
Base sa mga testamento at Chart documents ng mga staff at mga doctors, ang pasyente ay natutukang mabuti, na-monitor, naibigay ang tama at kumpletong atensyong medikal at bed side care. Naipaliwanag at naabisuhan po ng mabuti ang nanay at lola ng pasyente hinggil sa kondisyon nito, salungat sa kanilang paratang. Nagsagawa rin ng reassessment ang Pediatrician na nakatalaga sa araw nang itoβy nasa ward.
Kaakibat nito, ang pamunuan ng San Jose District Hospital ay nagpursigi na magsagawa ng paunang pag-uusap sa pagitan ng mga kaanak ng pasyente at mga staff on duty, kasama ang mga doctor na nakahawak sa naturang pasyente. Base po sa buod ng pag-uusap, napag-alaman namin na ilang linggo na ring may sakit at nilalagnat, wala ding konsultasyong ginawa nang panahon ding yon bago pa nila dinala sa SJDH. Mariin po naming pinabubulaanan ang mga paratang na kapabayaan na binabato sa aming mga staff at sa San Jose District Hospital. Lahat po ng nararapat na management na pwede naming maibigay ay naibigay po namin ayon sa kakayanan ng aming institution na level 1-100 bed capacity.
Ang pamunuan ng San Jose District Hospital ay taos-pusong nagseserbisyo ng mas higit pa para makatulong sa pagpapagaling ng aming mga pasyente sa abot ng aming makakaya sa kabila ng lagpas na sa kapasidad ang bilang ng mga pasyente sa kasalukuyan.
Sa lahat po ng may katanungan, bukas po ang pamunuan ng San Jose District Hospital para po kayo ay matulungan at matugunan ang inyong mga concerns. Makipag-uganayan lamang po sa aming Public Assistance Desk para sa mabilisang aksyon.
Maraming Salamat po.