Agasan Pharmacy

Agasan Pharmacy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Agasan Pharmacy, Pharmacy / Drugstore, Zone II, Brgy Pinili, San Jose.

As a token of our appreciation, Agasan Pharmacy is delighted to extend an exclusive 10% discount on all generic medicine...
03/10/2024

As a token of our appreciation, Agasan Pharmacy is delighted to extend an exclusive 10% discount on all generic medicines to all teachers from Oct 5-31, 2024. Just present your valid work ID upon payment. Stay healthy, teachers!

20/12/2023

Emergency Go Bag by Agasan Pharmacy! Thank you also

In an emergency, you often don’t have time to think, let alone pack. By packing an Emergency Go bag in advance, you can save yourself a lot of time and stress.

Mag-pack ng waterproof Emergency Go bag na madaling mabuhat ng kahit sino sa pamilya. Tiyakin na laging kumpleto ang laman nito, at ilagay ito sa isang lugar kung saan madali itong kunin sa oras ng emergency.

Para po sa mga gustong mag order ng Emergency Go bag para sa barangay, bahay, offices or paaralan, maaring magmessage lamang po sa aming social media accounts.

References:
Australian Red Cross. (n.d.). Preparing for emergencies. https://www.redcross.org.au/prepare/
UNICEF. (n.d).Emergency Go-Bag checklist. https://www.unicef.org/philippines/emergency-go-bag-checklist


No idea for Christmas gifts? Why not give them a life-saving first aid kit!Pwede po naming icustomized ang mga ilalagay ...
11/11/2023

No idea for Christmas gifts? Why not give them a life-saving first aid kit!

Pwede po naming icustomized ang mga ilalagay sa first aid kit bag and additional over the counter medicines based sa inyong health needs :)

Ang first aid kit po ay makakatulong sa paghandle ng medical emergencies as quickly as possible. Kaya advisable na meron tayong first aid kit sa bahay, sa loob ng sasakyan, paaralan o sa inyong workplace.

Ang aming first aid kit ay may kalakip na simpleng guide sa mga gamot o medical supplies kung paano po gamitin.

Check out our sample first aid kits! Pwede pong ipangregalo sa darating na pasko!

Please send us message or visit Agasan Pharmacy for any inquiries.

PHILGEPS REGISTERED!Another milestone achieved for Agasan Pharmacy!Kami ay rehistrado na sa PHILGEPS ang ibig sabihin po...
24/05/2023

PHILGEPS REGISTERED!

Another milestone achieved for Agasan Pharmacy!

Kami ay rehistrado na sa PHILGEPS ang ibig sabihin po maliban sa private institution ay maari na kaming magsupply ng mura at dekalidad na gamot at medical supplies/equipment sa public institution or offices!



Mga gamot at medical equipment na mabibili sa Agasan Pharmacy!  Kung may mga gamot kayo na wala pa sa aming product list...
27/04/2023

Mga gamot at medical equipment na mabibili sa Agasan Pharmacy! Kung may mga gamot kayo na wala pa sa aming product list, maari nyo po kaming imessage para po maaddress namin ang inyong need para di na kayo need pang magtravel para lang sa inyong gamot.

Inote din natin ang mga gamot na KAILANGAN NG RESETA GALING SA DOCTOR lalo na ang mga antibiotics. Para din po sa inyong kapakanan iyon.

Salamat po!


27/04/2023
Look at our products mga kabarangay!I-update po namin ito para macover lahat ng gamot at gamit na binibenta sa Agasan Ph...
13/04/2023

Look at our products mga kabarangay!

I-update po namin ito para macover lahat ng gamot at gamit na binibenta sa Agasan Pharmacy

NOTE: Ang ibang gamot ay kailangan ng reseta para mabentahan para sa proteksyon nyo din po iyon at maiwasan ang mga adverse effect at resistance sa pag seself-medicate o maling pag gamit ng gamot.

Pwede din po kayong magcomment kung ano ang mga gamot na nais nyong maging accessible sa inyo :)

ANG AGASAN PHARMACY AY HINDI NAGBEBENTA NG ANTIBIOTICS KAPAG WALANG RESETA!Ang antibiotics ay mga gamot na tumutulong la...
07/04/2023

ANG AGASAN PHARMACY AY HINDI NAGBEBENTA NG ANTIBIOTICS KAPAG WALANG RESETA!

Ang antibiotics ay mga gamot na tumutulong labanan ang ating mga impeksyon. Ang maling paggamit nito ay maaaring magdulot ng masamang epekto. Wala nang tatalab na gamot kapag tayo ay nagkasakit at magiging “drug resistant” na ang mikrobyo. Kapag nangyari yan, madaling lalala ang sakit at maaari mo pang ikamatay. Paano ito maiiwasan?

1. Huwag basta-basta uminom ng antibiotic. Magpakonsulta muna sa doktor kung hindi mabuti ang pakiramdam.
2. Inumin ang antibiotic ayon sa payo ng doctor at pharmacist. Kumpletuhin ang inirisetang gamutan. Huwag itigil ang gamutan kahit makaramdam ng pagbuti sa mga unang araw ng pag-inom ng antibiotics.
3. Bumili lamang ng antibiotics sa mga lisensyadong botika ng FDA upang makasiguro na dekalidad ang iinuming gamot.
4. Huwag manghiraman o gumamit ng reseta na hindi laan sa iyo.

Maging bahagi ng solusyon. Gamitin nang wasto ang antibiotics.

Generic o Branded?Bukod sa looks and packaging, wala talagang pagkakaiba ang generic at branded na gamot.Kahit pareho an...
03/04/2023

Generic o Branded?

Bukod sa looks and packaging, wala talagang pagkakaiba ang generic at branded na gamot.

Kahit pareho ang bisa ng dalawa, madami pa ding pumipili ng branded dahil sa nakasanayan na nila ito, at napapanood sa commercials o nakikita sa social media at nauna sa merkado ang mga branded na gamot o innovator drug.

Meron tayong Innovator drug o sila ang kauna-unahang nagproduce ng gamot na ito, mga branded generics na usually na tinda da botika at mas mura, generics o ang true generic na walang kahit anong brand name na nakalakip dito, at unibranded generic na ang nakalagay ay kung anong kumpanya ito na manufacture. Lahat ng klase ng gamot na ito ay pare parehas na mabibisa.

Mas kilalanin pa natin ang gamot na generics, at tangkilikin! Pwede nyong basahin ang infographics para macorrect ang maling paniniwala sa generics na gamot.

Source: FDA


Blessing and Grand Opening Day!Thank you po sa mga family member na tumulong sa pagprepare para sa opening day. Salamat ...
30/03/2023

Blessing and Grand Opening Day!

Thank you po sa mga family member na tumulong sa pagprepare para sa opening day. Salamat po sa mga suggestions para maimprove pa ang aming serbisyo. Sa mga susunod na araw po ay madadagdagan pa ang ating available medicines, para di na po kayo mamasahe pa.

Salamat po sa suporta sa Day 1 ng aming full operation :)

Finally! Grand opening na po ng Agasan Pharmacy sa March 30, 2023, Thursday.After ng blessing, may libreng check-up po k...
28/03/2023

Finally! Grand opening na po ng Agasan Pharmacy sa March 30, 2023, Thursday.

After ng blessing, may libreng check-up po kay Dr Mikee Fiel Soriano at 10% discounted medicines din po.

Fun fact: Ang pangalan ng aming pharmacy ay galing sa Ilokano word na ibig sabihin ay "to heal".

To heal the community, by making medicines accessible to rural community. Nais po namin na tulungan at gabayang ang aming mga pasyente sa pagbibigay ng health education at ng FDA approved, mura at dekalidad na mga gamot.

Hopefully, sa mga susunod na taon hindi lang sa Brgy Pinili at mga katabing barangay kami makapagbigay ng serbisyo, kundi sa iba't ibang rural community sa Pilipinas sa tulong po ng inyong suporta.

Agyaman kami!


Address

Zone II, Brgy Pinili
San Jose
3121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agasan Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Agasan Pharmacy:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram