23/10/2025
May bukol o cyst ka ba sa balat? Mayroong libreng screening at operasyon para sa’yo! 💙
Ang University of the Philippines – Philippine General Hospital Department of Dermatology, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz, Nueva Ecija, Dwell Dermatology Center, Ma Conglomo Med Corp, at San Miguel Corporation, ay magsasagawa ng Dermatologic Surgery Mission ngayong Nobyembre 2025!
Screening:
🗓️ October 30, 2025 | 9:00 AM - 12:00 NN
📍 Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz
Operasyon:
🗓️ November 15, 2025 | 8:00AM - 3:00 PM
📍 Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz
Kung ikaw ay may bukol o cyst at nangangailangan ng operasyon, magpalista na sa OSLAM o sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong ito 0998-856-6145.
❗️Magdala ng Valid ID at Certificate of indigency mula sa inyong barangay sa araw ng screening.
Ang mga pasyenteng makakapagpagpalista sa Oktubre 30, 2025 (Huwebes) ang tanging mabibigyan ng libreng operasyon.