San Jose Rural Health Unit - Romblon

San Jose Rural Health Unit - Romblon The Official Page of San Jose (Romblon) RHU. Follow us and get updated with the latest health programs and activities.

18/12/2025

The Local Government Unit of San Jose, Romblon, Philippines, takes pride in being part of a program that nurtures the next generation of health workers across the globe. Thank you, CFHI Child Family Health International (CFHI) for the opportunity. Mabuhay!

Sa pagtatapos ng BAKUNA ESKWELA 2025 na ginanap sa ating bayan simula noong October 7, malugod naming binabati ang lahat...
06/11/2025

Sa pagtatapos ng BAKUNA ESKWELA 2025 na ginanap sa ating bayan simula noong October 7, malugod naming binabati ang lahat ng mga bata, magulang, g**o at punong-g**o na naging bahagi ng programang ito. Sa kabuuan, 495 na mag-aaral ang nakatanggap ng mga bakuna bilang proteksiyon sa mga sakit tulad ng tigdas, rubella, polio, tetanus, diphtheria, at cervical cancer. Ito ay katumbas ng 78.3% na vaccine coverage para sa taong ito.

Pagbati rin sa mga paaralan na nagkamit ng pinakamataas na vaccination coverage ngayong 2025 Bakuna Eskwela:
TOP 1: Busay Elementary School (100%)
TOP 1: Buenavista Elementary School (100%)
TOP 3: Inihawan Elementary School (96%)

Samantala, may pinakamababang bilang ng nabakunahang estudyante sa San Jose Agricultural High School (65 ang walang bakuna, 69.2% coverage), Combot Elementary School (9 ang walang bakuna, 75.7% coverage), at San Jose Central School (20 ang walang bakuna, 79.4% coverage).

Para sa mas kumpletong detalye, pumunta sa http://bit.ly/4pfFdHZ

Umaasa po kami na sa mga susunod na taon ay mas tumaas pa ang bilang ng mga batang mababakunahan upang masig**o natin na protektado ang ating bayan sa mga posibleng disease outbreaks ng mga sakit na maaaring maiwasan ng pagbabakuna. Prevention is ALWAYS better than cure!

A-GUSTO mo bang makatulong ngayong August?Maging bahagi ng Blood Donation Activity sa ating bayan sa darating na August ...
01/08/2025

A-GUSTO mo bang makatulong ngayong August?

Maging bahagi ng Blood Donation Activity sa ating bayan sa darating na August 8, 2025 na gaganapin sa ating Rural Health Unit (RHU). Ito ay sa pakikipagtulungan ng ating Lokal na Pamahalaan ng San Jose sa Philippine Red Cross - Romblon Chapter.

Aasahan namin ang inyong pagsali! See you there!


Ngayong Arbor Day, nakikiisa ang mga kawani ng San Jose Rural Health Unit sa sabay-sabay na Tree Planting Activity sa bu...
18/07/2025

Ngayong Arbor Day, nakikiisa ang mga kawani ng San Jose Rural Health Unit sa sabay-sabay na Tree Planting Activity sa buong probinsya ng Romblon!

Ang pagtatanim ng mga puno 🌳🌴 ay hindi lang pagpapaganda ng kalikasan kundi pagprotekta rin sa ating kalusugan. Ang malinis na hangin at malusog na kapaligiran ay susi sa isang malusog na pamayanan. Sama-sama nating pagandahin at pangalagaan ang ating kalikasan para sa mas mabuting kalusugan ng lahat!

Edukasyon at tamang impormasyon ang susi upang makagawa ng matalinong desisyon para sa iyong kalusugan!Ano ang Progestin...
17/07/2025

Edukasyon at tamang impormasyon ang susi upang makagawa ng matalinong desisyon para sa iyong kalusugan!

Ano ang Progestin Subdermal Implant?

Ang Progestin Subdermal Implant ay isa sa mga modernong pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya na nagbibigay ng matagal at epektibong proteksyon sa kababaihan. Sa isang maliit na insert lamang na inilalagay sa ilalim ng balat sa braso, ito ay naglalabas ng progestin, isang hormone na pumipigil sa pagbubuntis.

Paano ito Nakakatulong sa Kababaihan?

βœ… Mataas na Epektibo: Isa ito sa pinakaepektibong paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis, na may higit sa 99% efficacy rate. Hindi mo na kailangang alalahanin ang pag-inom ng pildoras araw-araw o paggamit ng ibang paraan bago ang bawat pakikipagtalik.

βœ… Matagalang Proteksyon: Ang implant ay maaaring manatili at maging epektibo sa loob ng tatlong taon. Ito ay nagbibigay ng kaginhawaan at kapayapaan ng isip sa mahabang panahon.

βœ… Balik sa Fertility Agad: Kapag nais nang magbuntis, madali itong matatanggal ng isang healthcare professional at agad na babalik ang fertility ng babae.

βœ… Discreet at Convenient: Hindi ito nakikita at hindi nakakasagabal sa pang-araw-araw na gawain.

Debunking Myths: Ang Progestin Subdermal Implant ay Ligtas!

May mga maling paniniwala na kumakalat tungkol sa progestin subdermal implant, lalo na ang takot na ito ay delikado at maaaring magdulot ng matinding pagdurugo o maging kamatayan. Ito ay hindi totoo at walang siyentipikong basehan.

βœ… Hindi Nagdudulot ng Malubhang Pagdurugo na Ikamamatay: Bagaman maaaring makaranas ng pagbabago sa menstrual bleeding pattern ang ilang kababaihan (tulad ng irregular bleeding, spotting, o kawalan ng regla), hindi ito nagdudulot ng matinding pagdurugo na mapanganib sa buhay. Ito ay normal na epekto ng hormone at karaniwang nagiging stable sa paglipas ng panahon. Kung mayroong abnormal o labis na pagdurugo, mahalagang kumonsulta agad sa doktor.

βœ… Ligtas at Epektibo: Ang progestin subdermal implant ay dumaan sa masusing pananaliksik at pagsubok at inaprubahan ng mga health organizations sa buong mundo. Ginagamit ito ng milyun-milyong kababaihan at napatunayang ligtas at epektibong paraan ng family planning.

βœ… Konsultasyon sa Propesyonal: Mahalagang makipag-usap sa isang lisensyadong doktor o healthcare provider bago magpa-implant upang malaman kung ito ay angkop para sa iyo at masagot ang lahat ng iyong katanungan at pagdududa. Sila ang makapagbibigay ng tamang impormasyon at gabay batay sa iyong kalusugan.

Huwag magpatakot sa mga maling impormasyon. Ang progestin subdermal implant ay isang ligtas, epektibo, at modernong paraan para sa kababaihan na nais magkaroon ng kontrol sa kanilang pagpaplano ng pamilya.

Edukasyon at tamang impormasyon ang susi upang makagawa ng matalinong desisyon para sa iyong kalusugan!

Paalala para sa Kalusugan ng mga Bata!Ang Hand, Foot & Mouth Disease (HFMD) ay isang nakahahawang sakit na madalas sa mg...
10/07/2025

Paalala para sa Kalusugan ng mga Bata!

Ang Hand, Foot & Mouth Disease (HFMD) ay isang nakahahawang sakit na madalas sa mga bata. Ito ay sanhi ng enterovirus at nagdudulot ng mapupulang butlig sa kamay, paa, bibig, at minsan pati sa lalamunan.

Ngayong may mga naitalang kaso nito, maging maingat at maagap!
-Panatilihing malinis ang paligid
-Turuan ang mga bata ng tamang paghuhugas ng kamay
-Iwasang ilapit sa may sakit

Basahin at ibahagi ang impormasyong ito para sa kaligtasan mo at ng iyong pamilya.

Kapag may sintomas ng HFMD, agad sa pinakamalapit na Primary Care Provider!

Tagumpay na natapos ang 3-araw na virtual orientation at pagsasanay na hatid ng DOH MIMAROPA Center for Health Developme...
27/06/2025

Tagumpay na natapos ang 3-araw na virtual orientation at pagsasanay na hatid ng DOH MIMAROPA Center for Health Development mula June 25-27, 2025! Ang mga dedikadong kawani mula sa San Jose Rural Health Unit ay handa na para sa paggamit ng iClinicSys Version 4.1. Ito ang susi sa modernisasyon ng aming sistema ng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan.

Bilang isang advanced na Electronic Medical Record (EMR), ang iClinicSys ay magpapagaan sa aming trabaho at magpapataas ng kalidad ng aming serbisyo. Magiging mas organisado ang lahat ng impormasyon ng pasyente, mula sa diagnosis hanggang sa iniresetang gamot, na magreresulta sa mas mabilis at mas mahusay na mga desisyon. Higit sa lahat, ang iClinicSys ay pundasyon sa epektibong pagpapatupad ng PhilHealth eKonsulta benefit package, na naglalayong gawing mas accessible ang konsultasyong medikal para sa lahat ng Pilipino. Malaki ang magiging kontribusyon nito sa pagpapabuti ng kalusugan at kagalingan ng ating komunidad.

San Jose Rural Health Unit's MHO Dr. Rhey Ian Buluag and PHN Ms. Stephanie Ann Federico, enhanced their expertise at the...
27/06/2025

San Jose Rural Health Unit's MHO Dr. Rhey Ian Buluag and PHN Ms. Stephanie Ann Federico, enhanced their expertise at the Risk Communication and Community Engagement on Infodemic Management (RCCE-IM) training! From June 23-27, 2025, at Horizon Hotel in Romblon, Romblon, they learned vital strategies to empower our community with accurate health information, counter misinformation, and foster behaviors that protect public health. Ms. Federico is also our Health Education and Promotion Officer (HEPO) in San Jose, Romblon.

This intensive training went beyond just sharing facts; it's about building stronger connections and trust with our residents. Dr. Buluag and Ms. Federico gained practical skills to actively listen to community concerns, address rumors before they spread, and tailor health messages so they truly resonated with our diverse population. This proactive approach ensured our community remained well-informed and resilient, especially when facing health challenges. Their dedication will significantly strengthen our public health initiatives, leading to better health outcomes and a more empowered San Jose.

Abiso ng DOH MIMAROPA: Manatiling Mapagbantay Laban sa MPOXPatuloy na pinaaalalahanan ng Department of Health (DOH) MIMA...
05/06/2025

Abiso ng DOH MIMAROPA: Manatiling Mapagbantay Laban sa MPOX

Patuloy na pinaaalalahanan ng Department of Health (DOH) MIMAROPA ang lahat na maging alerto at may kaalaman tungkol sa Monkeypox (MPOX). Bagama't wala pang naitatalang kaso sa MIMAROPA, patuloy na binabantayan ng kagawaran ang sitwasyon at hinihimok ang publiko na manatiling maingat.

Para makaiwas sa MPOX, sundin ang mga sumusunod na M5 hakbang sa kaligtasan:

1. Matagal na close contact ay iwasan
2. Madalas na maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon
3. Mag-sanitize ng mga bagay na madalas hawakan o gamitin
4. Maging maingat at kilalanin ang partner bago makipagtalik
5. Magpakonsulta agad kung may sintomas ng MPOX o naglakbay sa lugar na may ganitong kaso

Kasama sa mga sintomas ng MPOX ang lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng lalamunan, pananakit ng likod, panghihina, pamamaga ng kulani, at mga pantal. Kadalasang lumalabas ang mga pantal sa mukha, palad, talampakan, loob ng bibig, at sa mga rehiyon ng ari/puwit.

Manatiling kalmado at huwag magpadala sa maling impormasyon. Para sa tamang impormasyon, sumangguni lamang sa mga opisyal na social media page at website ng DOH.

Ang mga katanungan mo tungkol sa s*x, sa HIV, sa iyong kalusugan, ay mahalaga.Ang pagiging maingat ay hindi bastos.Ang p...
04/06/2025

Ang mga katanungan mo tungkol sa s*x, sa HIV, sa iyong kalusugan, ay mahalaga.
Ang pagiging maingat ay hindi bastos.
Ang pag-alaga sa sarili, at sa isip, ay hindi dapat ikahiya.

Let’s protect each other by being honest, open, and informed. πŸ™Œ

Sama sama tayo sa laban Kontra-HIV!

Orihinal na post mula sa NCMH - Public Health Unit

Mahalagang paalala po sa ating mga kababayan, kung kayo po ay may PhilHealth at nakapili na ng inyong Primary Care Provi...
22/05/2025

Mahalagang paalala po sa ating mga kababayan, kung kayo po ay may PhilHealth at nakapili na ng inyong Primary Care Provider, siguraduhing matatanggap ninyo ang BUONG BENIPISYO ng PhilHealth Konsulta Package.

Hindi lang po simpleng checkup, konting gamot, laboratory, at xray ang dapat ninyong matanggap. Ang Primary Care Facility kung saan kayo registered ay dapat nagbibigay sa inyo ng REGULAR NA SUPPLY ng mga gamot na maintenance, libreng checkup sa doktor anumang araw na kailanganin ninyo, kasama rin ang maraming uri ng laboratory at ECG na naaayon sa evaluation ng inyong doktor. Mayroon rin dapat Risk Assessment gamit ang PhilPEN protocol.

Ang mga serbisyong ito ay dapat LIBRE niyong matatanggap mula sa clinic/ospital kung saan kayo naka-rehistro sa loob ng ISANG TAON. Kung hindi kayo kuntento sa performance ng inyong kasalukuyang Konsulta Provider, maaari kayong magpalipat simula October-December ng bawat taon.

Kaya pumili ng mabuti kung saang Primary Care Provider kayo magre-register. Huwag basta-basta pumirma at ibigay ang inyong PhilHealth Membership details para mapakinabangan ng lubos ang inyong benipisyo.

Ang PhilHealth Konsulta Benefit Package ay pangmatagalang solusyon para sa inyong kalusugan, hindi one-time checkup lang na parang medical mission.



Sa panahon ngayon, ang HIV ay kayang-kaya nang maiwasan at ma-kontrol. βœ… Gumamit ng proteksyon gaya ng condom, lubricant...
18/05/2025

Sa panahon ngayon, ang HIV ay kayang-kaya nang maiwasan at ma-kontrol.

βœ… Gumamit ng proteksyon gaya ng condom, lubricant, at PrEP.
βœ… Gawing normal at regular ang pagpapa-HIV test.
βœ… Sumunod sa tamang gamutan o antiretroviral therapy.

HIV is not a death sentence! Sa ating laban kontra HIV at AIDS, may pag-asa – dahil Bawat Buhay Mahalaga. πŸ’–

Isang paalala ngayong International AIDS Candlelight Memorial Day. πŸ•―οΈ



Sa panahon ngayon, ang HIV ay kayang-kaya nang maiwasan at ma-kontrol.

βœ… Gumamit ng proteksyon gaya ng condom, lubricant, at PrEP.
βœ… Gawing normal at regular ang pagpapa-HIV test.
βœ… Sumunod sa tamang gamutan o antiretroviral therapy.

HIV is not a death sentence! Sa ating laban kontra HIV at AIDS, may pag-asa – dahil Bawat Buhay Mahalaga. πŸ’–

Isang paalala ngayong International AIDS Candlelight Memorial Day. πŸ•―οΈ




Address

Carabao Island Provincial Road
San Jose
5510

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639127737758

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Jose Rural Health Unit - Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to San Jose Rural Health Unit - Romblon:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category