13/01/2026
๐๐ฉ๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ | ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ 13, 2026
๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฏ๐ถ๐๐ผ ๐๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ง๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ธ๐๐ป๐ฎ
Ipinababatid ng Department of Health โ Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD) sa publiko ang patuloy na pagkalat ng mga hindi beripikadong mensahe sa online platforms kaugnay ng mga aktibidad sa pagbabakuna, na maaaring magdulot ng kalituhan, takot, at hindi kinakailangang pangamba.
Pinapayuhan ang publiko na ang mga lehitimong aktibidad sa pagbabakuna at iba pang programang pangkalusugan ay opisyal na inaanunsyo lamang sa mga awtorisadong DOH communication channels, kabilang ang opisyal na pages at website ng DOH, at ipinapaabot din ng mga lokal na opisyal ng kalusugan sa pamamagitan ng mga City/Municipal Health Offices o Rural Health Units, at Barangay Health Stations.
๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ:
โข Huwag umasa sa mga ipinapasa-pasang mensahe, screenshots, o anonymous posts bilang opisyal na sanggunian ng impormasyong pangkalusugan.
โข Kung may pagdududa, hinihikayat ang publiko na magtungo o magtanong sa pinakamalapit na health facility, tulad ng Rural Health Unit (RHU), barangay health station, o pampublikong ospital, para sa beripikasyon.
โข I-report agad sa mga lokal na opisyal ng kalusugan o sa Municipal/City Health Office ang anumang kahina-hinala, hindi beripikado, o mapanlinlang na aktibidad upang maisagawa ang nararapat na aksyon.
โข Siguraduhing beripikado ang impormasyon sa pamamagitan ng mga opisyal na DOH platforms at mapagkakatiwalaang health authorities bago ito ibahagi.
Tinitiyak ng DOH na ang lahat ng aktibidad sa pagbabakuna ay ligtas, malinaw, at maayos na ipinapaalam sa publiko. Mahalaga ang kooperasyon at responsableng pagbabahagi ng impormasyon upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad at maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.
Para sa karagdagang paglilinaw o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Communications Management Unit ng DOH Cagayan Valley sa 0927-568-1534 o mag-email sa cvchdcmu@gmail.com.