15/09/2025
More Youth Welfare Policy! โค๏ธ
Isang magandang balita na naipasa na ng ating Sangguniang Bayan ang resolusyong isinulong ng Local Youth Development Council para sa Free and Confidential HIV Testing and Screening. ๐
Isang panalo ito hindi lang para sa kabataan, kundi para sa buong bayan ng San Mateo. Sa tulong ng ating LYDC, SK Federation, at Municipal Health Office, mas magiging madali at ligtas para sa kabataan na magpasuri nang libre at kumpidensyal. Layunin nating gawing normal ang pagpapasuri, alisin ang takot at stigma, at siguraduhing may agarang suporta at serbisyong pangkalusugan ang lahat, anumang maging resulta. ๐
Lubos ang pasasalamat namin sa mga kabataang lider na nagsulong at tumulong para maisakatuparan ito. Ang inyong malasakit at pagkilos ang nagsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy namin ang pagbibigay ng tapat na serbisyo sa ating komunidad.
Sama-sama, gagawin nating ligtas, bukas, at mas makabuluhan ang pangangalaga sa kalusugan ng kabataan. โจ
More Youth Welfare Policy! โค๏ธ
Masaya naming ibinabalita na ang resolusyong (polisiya) isinulong ng ating Local Youth Development Council, sa pangunguna ng Komite ng Social Inclusion and Equity, hinggil sa Free and Confidential HIV Testing and Screening ay naipasa na sa Sangguniang Bayan. ๐
Layunin ng Sangguniang Bayanโadopted Local Youth Development Council Resolution na palakasin ang HIV testing sa bayan ng San Mateo, partikular para sa sektor ng kabataan. Ito ay sa pamamagitan ng matinding panawagan sa mga Sangguniang Kabataan at sa ating Local Youth Development Office na maglaan ng espasyo para sa San Mateo Rizal Social Hygiene Clinic upang makapagbigay sila ng libre at kumpidensyal na counseling at testing.
Sa ganitong paraan, malalabanan natin ang stigma kaugnay ng HIV. Pangarap natin na maging normal at bukas ang pagpapasuri upang ang ating Municipal Health Office ay agad na makapagbigay ng tulong sa mga makikila bilang positibo sa HIV. Sapagkat naniniwala tayo na may pag-asa at halaga ang buhay, anumang maging resulta ng HIV testing.
Lubos ang ating pasasalamat sa mga naging miyembro ng LYDC na sina Ate Mickaela Abeleda at Ate Sheng Anzures, na nagsulong ng resolusyon sa antas ng LYDC. Pasasalamat din sa ating mahal na SK Pederasyon President, Kgg. Konsi Kyla Escobar, sa pagsusulong nito sa Sangguniang Bayan. Salamat din po sa ating Sangguniang Bayan na patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng mga maakabuluhang polisiya para sa kabataan.
Tignan ang kopya ng resolusyon ng SB:
https://drive.google.com/file/d/1Zz5zDIKIbGvYYKlSSc3mJFBfj5on0eYz/view?usp=drive_link
Tignan din ang kopya ng resolusyon ng LYDC:
https://drive.google.com/file/d/1kW8pjiGPGWDCUZRsexTOGuupYcWhrhQ_/view?usp=drive_link
Patuloy tayong susuporta sa mga lider-kabataan sa pagsusulong ng mga polisiyang mula at para sa kabataan! โจ