26/11/2025
Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pagtangkilik at pagtitiwala sa San Miguel District Hospital. Sa kabila ng mga pagsubok, puna, at paghusga ng ilan, patuloy po kaming tumatayo at nagsisilbi nang may buong puso para sa bawat pasyente at pamilyang umaasa sa amin.
Ang inyong suporta ang nagsisilbing lakas at inspirasyon upang lalo pa naming paghusayan ang aming gawaing pangkalusugan. Pinapangako po namin na hindi namin bibitiwan ang aming misyon na magbigay ng serbisyong may respeto, malasakit, at integridad.
Noong Nobyembre 20, 2025, ginawaran ang San Miguel District Hospital ng PhilHealth Oplan Engage and Reconcile (OPLAN ER) Excellence Award bilang pagkilala sa mahusay nitong serbisyo at pagtugon sa pangangailangan ng mga pasyente.
Ang ospital ay nagsimula bilang isang maliit na pasilidad na itinayo upang matugunan ang pangunahing pangangailangang medikal ng komunidad ng San Miguel at mga karatig bayan.
Sa paglipas ng mga taon, ito ay pinalawak at pinahusay upang makapagbigay ng mas malawak at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.
Nakamit din nito ang mahahalagang sertipikasyon mula sa Department of Health bilang patunay ng mataas na pamantayan ng kaligtasan at kalidad ng pangangalaga.
May iba’t iba itong serbisyo tulad ng Emergency Room, Medical Ward, Surgical/Orthopedic Ward (surgeires), OB-Gyne, Pediatric Ward at OPD.
Ipinagmamalaki rin ng ospital ang ibat-ibang programang pangkalusugan. Patuloy din nitong pinalalawak ang mga programang komunidad upang mas marami pang mamamayan ang maabot ng serbisyong medikal.
Bilang katuparan ng misyon nito, ang San Miguel District Hospital ay nakatuon sa pagbibigay ng makatao, abot-kaya, at de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat.
“No copyright infringement is intended; all materials are used for educational and informational purposes only.”