03/11/2025
πππππ ππππππ ππππ π | πππππππ πππππ ππππ
Mapagpalang araw! Sa pamumuno at patnubay ng ating ππΆπ―π°π―π¨ ππ’πΊπ’π― Igg. John A. Alvarez, ππͺπ€π¦ ππ’πΊπ°π³ Jhong Reyes, katuwang po ang Municipal Health Office sa pangunguna po ni Dr. Hamir Chin-Hechanova at RHU I, sa pangunguna po ni Dra. Ma. Corazon V. Eguia at Dra. Abigail Saballe, nais po naming ipabatid sa publiko na sa darating na HUWEBES, NOBYEMBER 06, 2025 tayo po ay magkakaroon ng libreng CHEST X-RAY sa Biak na Bato Covered Court. Ito po ay magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga.
Ang chest X-ray ay isang mahalagang pagsusuri na maaaring makatulong sa pagtukoy ng mga problema sa baga at iba pang bahagi ng dibdib. Layunin po ng programang ito na bigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng baga at puso.
Ang regular na pagsusuri tulad ng chest X-ray ay makatutulong sa pagtukoy ng mga kondisyon tulad ng tuberculosis, kanser sa baga, at iba pang mga sakit na maaaring makaapekto sa respiratory system.
Tandaan, ang iyong kalusugan ay mahalaga. Huwag mag-atubiling magsagawa ng mga pagsusuri at kumonsulta sa mga propesyonal sa kalusugan upang mapanatili ang iyong kalusugan at kagalingan.
#ππΊπ°π΄ππ’ππΆπ―π¨π΄