San Miguel Iloilo RHU

San Miguel Iloilo RHU Public Service for Medical and Health 💊💉🩹🩺

25/08/2025
25/08/2025

𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮’𝘆 𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻!

Ang malinaw na paningin ay mahalaga sa halos lahat ng aspeto ng ating buhay. Maraming kondisyon sa mata ang maaaring humantong sa permanenteng pagkawala ng paningin kung hindi maaagapan. Ang regular na pagsusuri ay susi sa maagang pagtuklas at paggamot.

Ngayong Sight Saving Month, bigyang-pansin ang mga palatandaan ng problema sa mata tulad ng pamumula, panlalabo, pagluluha, pagkakaroon ng "floaters," o pananakit.

Upang mapanatili ang kalusugan ng inyong mga mata, ugaliing magpatingin sa isang espesyalista kahit isang beses sa isang taon. Huwag hayaang maging huli ang lahat.

Tandaan, ang pag-aalaga sa mata, susi sa maliwanag na bukas.

07/08/2025
31/07/2025

𝗣𝗿𝗘𝗣 𝗨𝗽: 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗨𝗽 𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗛𝗜𝗩!

Ang PrEP o Pre-Exposure Prophylaxis ay isang ligtas at epektibong gamot na maaaring inumin ng mga taong may panganib na magka-HIV upang maiwasan ang pagkakaroon nito mula sa pakikipagtalik o paggamit ng injection drugs.

Ang PrEP ay ipinapayo para sa mga indibidwal na HIV-negative at aktibo sa pakikipagtalik, lalo na kung may partner na isang Person Living with HIV (PLHIV) o na-diagnose na may ibang s*xually transmitted infection. Nagbibigay ito ng karagdagang makapangyarihang proteksyon.

Pangalagaan ang iyong kalusugan. Magpakonsulta sa pinakamalapit na DOH HIV care facility para malaman kung paano mag-enroll sa PrEP program at iba pang karagdagang impormasyon.

31/07/2025

𝗠𝗮𝘆 𝗔𝗹𝗮𝗺, 𝗠𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗸𝗶𝗮𝗹𝗮𝗺, 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗮𝗹𝗮𝗺: 𝗪𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗮𝗳𝗳𝗶𝗰𝗸𝗶𝗻𝗴!

𝘼𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙞𝙗𝙞𝙣𝙚𝙗𝙚𝙣𝙩𝙖.

Ang human trafficking ay isang mabigat na krimen at paglabag sa karapatang pantao na nagsasamantala sa kalalakihan, kababaihan, at kabataan para sa iba't ibang layunin tulad ng forced labor at s*x. Ito ay maaaring mangyari saanman.

Ang kaalaman ang ating kapangyarihan upang labanan ang kawalang-katarungang ito. Ang pagkilala sa mga palatandaan at pag-alam kung paano tumugon ay maaaring makapagligtas ng buhay.

Kung may alam ka, huwag mag-atubiling kumilos. I-report ang anumang hinala ng human trafficking sa 1343 ActionLine. Ang iyong tawag ay may malaking maitutulong.

24/06/2025

Good day!

San Miguel Iloilo - RHU would like to invite for those who are willling to avail tomorrow morning 6/25/2025

Free Cervical Screening from ages 30-49, non-menstruating woman, no s*xual contact w/in 24hrs and not undergone operation like ( TahbSo ) or any removal from reproductive system. To be conducted @ WVMCH or Provincial Hospital.

Ps: Free transportation & snacks
PM/DM if interested


Ano bala ang Mpox ukon Monkeypox?Paano ini matapna?Paano maiwasan?Ano ang mga sintomas kag senyales?
21/06/2025

Ano bala ang Mpox ukon Monkeypox?
Paano ini matapna?
Paano maiwasan?
Ano ang mga sintomas kag senyales?

09/06/2025

𝗨𝘀𝗼𝗸 𝗠𝗼, 𝗟𝗮𝘀𝗼𝗻 𝗡𝗶𝗹𝗮!

Ang paninigarilyo ay hindi lamang nakakapinsala sa naninigarilyo, kundi pati na rin sa mga nakapaligid dito.

Para sa puso at kalusugan ng mga mahal mo, tumigil na sa paninigarilyo.

Tawagan ang DOH Quitline 1558 para sa agarang tulong.

09/06/2025
06/06/2025

Walang mukha o kasarian ang HIV at AIDS.

Importanteng malaman ang HIV status para maaga ang pagkuha ng serbisyong makatutulong sa pagmanage nito.

Hatid ng DOH ang libreng:
🛡️ Combination prevention method (condoms, lubricant, at PrEP)
🔎 HIV screening at confirmatory testing
💊 Antiretroviral therapy
🧠 Mental health at psychosocial support

Alamin ang mga serbisyo para sayo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs.




Address

Brgy . 1
San Miguel
5025

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639943703774

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Miguel Iloilo RHU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to San Miguel Iloilo RHU:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram