27/02/2026
INFOGRAPHIC Presentation of our FAMILY PLANNING CLINIC at
SAN MIGUEL DISTRICT HOSPITAL BULACAN
Ang family planning ay mahalagang paraan upang matulungan ang mga mag-asawa na maayos na mapagplanuhan ang bilang at pagitan ng kanilang mga anak. Sa aming klinika, katuwang ang aming coordinator na si Nurse Mimarie sa pagbibigay ng tamang impormasyon at gabay tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng family planning. Nag-aalok kami ng libreng serbisyo para sa konsultasyon at mga kaugnay na pamamaraan. Ang mga serbisyong ito ay makukuha sa San Miguel District Hospital, isang pampublikong ospital na handang tumulong sa komunidad. Layunin naming mapanatili ang kalusugan ng bawat pamilya sa pamamagitan ng ligtas, responsable, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.