LGU San Narciso MENRO

LGU San Narciso MENRO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LGU San Narciso MENRO, Balay Silangan, Brgy. Libertad, San Narciso.

A page where you be able to see the latest updates and happenings in the Municipality when it comes to the Environment and Natural Resources activities.

22/10/2025

LET’S PROTECT OUR WATER RESOURCES!
Ang tubig ay buhay, kaya’t tungkulin nating pangalagaan ito para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Dito sa bayan ng San Narciso ay patuloy ang adhikain na mapanatiling malinis, ligtas, at sapat ang ating mga pinagkukunan ng tubig.

✅ Protektahan ang mga ilog at sapa
✅ Gamitin nang wasto ang tubig araw-araw
✅ Isulong ang sustainable water management
✅ Itaas ang kaalaman ng bawat isa sa komunidad tungkol sa mga isisnusulong ng ating bayan

Sama-sama nating alagaan ang ating kalikasan at kinabukasan! 💚

Tuloy-tuloy ang kalinisan sa San Narciso!Noong Oktubre 13–19, 2025 (Lunes hanggang Sabado), isinagawa ang garbage collec...
21/10/2025

Tuloy-tuloy ang kalinisan sa San Narciso!
Noong Oktubre 13–19, 2025 (Lunes hanggang Sabado), isinagawa ang garbage collection sa mga barangay ng Simminublan, Dallipawen, Namatacan, Grullo, San Juan, Candelaria, La Paz, Natividad, San Rafael, Alusiis, San Pascual, Omaya, at Beddeng, pati na rin sa plaza, municipal compound, at police station ng San Narciso, Zambales.
🤝 Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos, at ligtas ang ating kapaligiran!

21/10/2025

Alam mo ba? 🤔
Tulad ng ibang uri ng pawikan, ang mga babaeng Olive Ridley lamang ang umaahon sa pampang upang mangitlog, samantalang ang mga lalaki ay buong buhay na nananatili sa dagat! 🐢💚

Isa itong paalala kung gaano kahalaga ang ating mga baybaying-dagat sa pangangalaga ng mga pawikan.
🌎 Sama-sama nating protektahan ang kanilang tahanan!

20/10/2025

Mainit na pagbati ngayong kaarawan ni Congresswoman Doris "Nanay Bing" E. Maniquiz, 2nd District Representative ng Zambales, mula sa mamamayan at lokal na pamahalaan ng San Narciso sa pangunguna ni Mayor La Rainne Abad-Sarmiento.

TRIVIA FOR TODAY!Alam mo ba? 🤔Ang pagbisita ng mga Olive Ridley sea turtles sa ating baybayin ay senyales ng malusog at ...
17/10/2025

TRIVIA FOR TODAY!
Alam mo ba? 🤔
Ang pagbisita ng mga Olive Ridley sea turtles sa ating baybayin ay senyales ng malusog at buhay na marine ecosystem! 💙✨

Patunay ito na ang ating pangangalaga sa kapaligiran ay may positibong epekto hindi lamang sa tao, kundi pati sa mga nilalang dagat. 🌿🌍

🤝 Sama-sama nating protektahan ang ating karagatan, Maliit man na hakbang, malaking tulong para sa kalikasan!







16/10/2025

Ang eco-themed design na to ay nagpapakita ng simpleng hakbang para maging eco classy. Sa creative piece na to, ipinapakita natin na ang kalikasan ay responsibilidad nating lahat, Through this powerful campaign poster, we remind everyone: Don’t Be Trashy Go Eco Classy!

Ito ay paalala rin sa ating lahat na maging responsable sa ating mga basura. Sa halip na itapon kung saan-saan, piliin nating maglinis, mag-recycle, at maging huwaran sa tamang pangangalaga ng kalikasan. Ang pagiging “eco classy” ay hindi lang pagiging malinis, kundi pagiging makabago at disiplinado sa pagprotekta sa ating kapaligiran.

Maging bahagi ng pagbabago! Simulan natin sa simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar, pagre-recycle, at pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating komunidad

🤝 Sama-sama nating gawing malinis, luntian, at kaaya-aya ang San Narciso, Zambales 💚

PAWIKAN NESTING SEASON: MALAPIT NA! 🌊🐢Isang espesyal na yugto na naman ang ating aabangan dito sa San Narciso, Zambales!...
09/10/2025

PAWIKAN NESTING SEASON: MALAPIT NA! 🌊🐢

Isang espesyal na yugto na naman ang ating aabangan dito sa San Narciso, Zambales! excited kaming i-anunsyo na nagsimula na ang Pawikan Nesting Season at ating aabangan sa mga susunod na buwan ang pagpisa ng mga itlog nito.

Ang mga munting nilalang na ito ay simbolo ng kalusugan ng ating karagatan. Patuloy tayong makikiisa at magbabantay upang masigurong ligtas silang makabalik sa dagat.

Tandaan: Ang Pagtulong sa Pawikan ay Pagtulong sa Kalikasan!

MENRO-San Narciso, katuwang mo sa pangangalaga!

“Eco-Tip Wednesday”🔖Tip“Magpatubo ng sariling halaman sa bahay—nakakatulong ito sa malinis na hangin, at nakakabawas pa ...
08/10/2025

“Eco-Tip Wednesday”
🔖Tip
“Magpatubo ng sariling halaman sa bahay—nakakatulong ito sa malinis na hangin, at nakakabawas pa ng init!”

🌱Gustong gumaan ang pakiramdam at makatulong sa kalikasan? Magtanim ng halaman sa bahay o opisina! Air-purifying at stress-relieving pa!

“Zero Waste Start”“Ang simpleng pagdadala ng sariling tumbler o lalagyan ay isang malaking hakbang para mabawasan ang pl...
07/10/2025

“Zero Waste Start”
“Ang simpleng pagdadala ng sariling tumbler o lalagyan ay isang malaking hakbang para mabawasan ang plastik sa ating paligid.”

✅Simulan ang linggo sa makakalikasang paraan! Gamitin ang sarili mong tumbler o lalagyan sa bawat lakad. Maliit na bagay, malaking tulong sa kalikasan! 💚🌏

Address

Balay Silangan, Brgy. Libertad
San Narciso
2205

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU San Narciso MENRO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram