23/08/2017
Ang pagsasagawa po ng pap smear ay bahagi ng pag-iingat sa kalusugan. Kailangang magpa-Pap Test ang lahat ng mga babae oras na sila’y nag-umpisang makipagtalik (in*******se). Ang pinakatamang panahon para dito ay kapag walang buwanang daloy. Maagang nahahanap ng regular na Pap Test ang mga nakakasamang pagbabago sa inyong cervix (puerta ng matris) bago pa man ito humantong sa mas malalang sakit.