04/03/2026
Matapos ang sunod-sunod na meetings at engagements natin buong maghapon, nagkaroon po tayo ng biglaang pagbisita sa Paspasin Falls sa Barangay Calangatan upang personal na makita at masuri ang kalagayan ng isa sa mga ipinagmamalaking likas na yaman ng ating bayan.
Kasama po natin ang ating Municipal Tourism Office sa pangunguna ni G. Joel D. Plaza, Tourism Operations Officer I, at sina Barangay Kagawad Leopoldo Solomon Jr. at G. Claudio Masangkay, na nag-assist sa ating pagpunta sa lugar.
Tunay pong nakakamangha ang ganda ng ating kalikasan. Ang Paspasin Falls ay patunay na napakayaman ng San Teodoro, hindi lamang sa kultura at mamamayan, kundi pati sa likas na yaman.
Patuloy po nating pangalagaan at pagyamanin ang ating mga yamang-kalikasan para sa susunod pang henerasyon.