RHU- SAN Vicente Palawan

RHU- SAN Vicente Palawan MHO San Vicente, Palawan 5309
RHU HotLine:
+63998-988-0501
+63917-112-6998
Email: health@sanvicentepalawan.gov.ph

November 24-28, 2025HEALTH SERVICES/ACCOMPLISHMENTS:✅ Simultaneous Bakuna Eskwela✅ Adolescent Health Symposium     When:...
30/11/2025

November 24-28, 2025

HEALTH SERVICES/ACCOMPLISHMENTS:

✅ Simultaneous Bakuna Eskwela
✅ Adolescent Health Symposium
When: November 24, 2025
Where: San Vicente NHS
✅ MESU Monitoring and Evaluation
When: November 25, 2025
✅ Dental Activity
When: November 25-26, 2025
Where: Brgy. Alimanguan & San isidro
✅ Nutrition in Emergencies Training
✅Post Typhoon Psychosocial Debriefing Program
Venue: Caruray NHS


Nasa ika-limang linggo na nang tuloy-tuloy na isinasagawang Bakuna Eskwela sa lahat ng mga Grade 1 at Grade 7 na mga mag...
29/11/2025

Nasa ika-limang linggo na nang tuloy-tuloy na isinasagawang Bakuna Eskwela sa lahat ng mga Grade 1 at Grade 7 na mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa Bayan ng San Vicente.

Ngayong linggo nagkaroon ng pagbabakuna sa mga sumusunod na paaralan:
✅ San Vicente Central School
✅ Panindigan ES
✅ Macatumbalen ES
✅ New Caruray ES

Kaugnay nito, ang mga magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga anak na hindi pa nababakunahan ay maaaring makipag-ugnayan sa g**o ng kanilang mga anak at kanilang DepEd Nurse para sa consent at iskedyol ng pagbabakuna.

Ang bakuna ay ligtas, libre at epektibo.
Pabakunahan na ang inyong mga anak!!


PABATID ‼️
26/11/2025

PABATID ‼️

Maging listo at handa sa banta ni bagyong Verbena. Antabayanan ang mga ilalabas anunsiyo at abiso mula sa mga kinauukula...
25/11/2025

Maging listo at handa sa banta ni bagyong Verbena. Antabayanan ang mga ilalabas anunsiyo at abiso mula sa mga kinauukulan para sa lagay ng panahon at Rainfall Warning System. Lumikas kung kinakailangan. Huwag ipagsawalang bahala ang kaligtasan ng iyong sarili at ng iyong pamilya.



Ugaliing laging handa sa anumang banta ng kalamidad o Bagyo. Ihanda ang GO BAG para sa mas mabilis na paglikas kung kina...
25/11/2025

Ugaliing laging handa sa anumang banta ng kalamidad o Bagyo. Ihanda ang GO BAG para sa mas mabilis na paglikas kung kinakailangan. Higit sa lahat, siguraduhing ligtas ang sarili at pamilya anumang oras.

Narito ang Checklist ng mga nilalaman ng Go Bag. 👇👇

Breast Self Examination  👍                         Breast Cancer Awareness 👇
25/11/2025

Breast Self Examination 👍 Breast Cancer Awareness 👇

  to V**E👍                                                                           SMOKING 👍
25/11/2025

to V**E👍 SMOKING 👍

MASS BLOOD DONATIONin RHU CompoundNovember 27, 2025
25/11/2025

MASS BLOOD DONATION
in RHU Compound
November 27, 2025

Isinagawa ang ika-apat na bugso (4th batch) ng School Caravan (Adolescent Health Symposium) ngayong taon sa Alimanguan N...
24/11/2025

Isinagawa ang ika-apat na bugso (4th batch) ng School Caravan (Adolescent Health Symposium) ngayong taon sa Alimanguan National High School kanina, Nobyembre 24, 2025 na may temang "Tama at wastong Impormasyong Pagkalusugan, Susi sa Mas Responsable at Produktibong Kabataan".

Ang Health activity na ito ay taunang isinasagawa ng RHU- SAN Vicente Palawan na naglalayong makapagbigay ng tama at dagdag na kaalaman. Gayundin, itaas ang kamalayan ng mga kabataang mag-aaral partikular na pagdating sa usaping pangkalusugan na may kinalaman sa kanilang edad.

Ito ay nilahukan ng 142 Junior High School students ng nasabing paaralan. Pitumpo (70) ay mga lalaki at pitumput-dalawa (72) naman ay mga babae.

Binigyang diin sa nasabing aktibidad ang mga sumusunod:

1. Adolescent Reproductive Health
2. Adolescent Friendly Health Facility Services promotion
3. Substance Abuse among adolescents (Smoking, Alcohol and Drugs)
4. STI and HIV-AIDS Awareness & Prevention
5. Mental Health Awareness

Nagsagawa rin ng DIALOGUE sa pagitan ng San Vicente Rhu School Caravan Team at buong Faculty ng Alimanguan National High School. Ito ay sa inisyatibo ng RHU School Caravan Team kasunod nang pagpaunlak ni Ma'am Anie Pineda, School Principal. Tinalakay sa naturang Dialogue ang kasalukuyang estado ng ating bayan pagdating sa Teenage Pregnancy, STIs, HPV vaccination at promosyon ng School-based Immunization base sa mga datos na nakalap at naitala. Nagkaroon ng palitan ng mga kuru-kuro at bandang huli'y nakabuo ng mga inisyal na hakbang at estratehiya upang unti-unting mapababa ang kaso kung hindi man ito agarang masolusyunan.

Nagsilbing mga Speakers sina Nurse Joyce Llanzana-Abique, Nurse Nadine Ysabel Molo-Bacomo at Midwife Ma. Luz Agabe-Bigoy ng RHU na siyang may hawak din ng mga nasabing programa.

Sa kabuuhan ay naging maayos ang talakayan na aktibong nilahukan ng mga Junior High School Students ng nasabing paaralan. Nabigyan linaw ang kanilang mga katanungan at nakapagbahagi tayo ng mga bago at dagdag na kaalaman.

Bilang ebalwasyon sa naging impact ng isinagawang Health activity, namahagi ng mga Evaluation Forms ang organizing team sa mga kalahok. Nagkaroon din ng mga suhestiyon sa kung anong topic o usapin ang nais nilang talakayin kung sakaling maglulunsad muli nito sa susunod na taon.

Samantala, positibo ang naging Feedback ng mga mag-aaral at g**o ng nasabing paaralan. Kasunod nito, namahagi ng mga customized tote bags ang team para sa lahat ng kalahok at karagdagang customized pouch para sa mga aktibong nakilahok sa talakayan.

Sa pamunuan ng Alimanguan National High School sa pamumuno ni Ma'am Anie Pineda at sa tulong ni DepEd Nurse Kate Cris Kate Cris Talatagod - Gabo , ang RHU San Vicente School Caravan Team ay lubos pong nagpapasalamat.

Naniniwala ang RHU San Vicente na ang mga ganitong aktibidad ay magsisilbing instrumento upang mas maiparating sa publiko ang mga makabuluhan at napapanahong impormasyon, mabigyang linaw ang iba't ibang isyung pangkalusugan na kinasasangkutan ng mga kabataan ngayon at maiwasto ang mga maling paniniwalang kaugnay sa mga ito.







November 17-21, 2025HEALTH SERVICES/ACCOMPLISHMENTS:✅ Simultaneous Bakuna Eskwela Orientation and Vaccination Activities...
23/11/2025

November 17-21, 2025

HEALTH SERVICES/ACCOMPLISHMENTS:

✅ Simultaneous Bakuna Eskwela Orientation and Vaccination Activities
✅ Attended Maternal Nutrition, Infant and Young Child Feeding Training of Trainers
When: November 18-21, 2025
Where: Puerto Princesa City
✅Health education on:
☑️ Measles and Rubella
☑️ Tetanus and Diphtheria
☑️ Rabies Awareness


Nasa ika-apat na linggo na nang isinasagawang Bakuna Eskwela ang RHU- SAN Vicente Palawan  sa lahat ng Grade 1 at Grade ...
21/11/2025

Nasa ika-apat na linggo na nang isinasagawang Bakuna Eskwela ang RHU- SAN Vicente Palawan sa lahat ng Grade 1 at Grade 7 mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa Bayan ng San Vicente.

Ngayong linggo isinagawa ang pagbabakuna sa mga sumusunod na paaralan:
✅ San Vicente CS
✅ Cauban ES
✅ Binga ES
✅ New Agutaya IS
✅ Port Barton ES
✅ Port Barton NHS
✅ TDC ES
✅ Bunuangin ES
✅ Pagdanan ES
✅ Alimanguan ES
✅ Nieves Bacosa ES
✅ New Canipo ES
✅ San Vicente National HS
✅ New Canipo National HS

Ang mga magulang na nais magpabakuna sa kanilang mga anak sa susunod na linggo ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa G**o ng inyong mga anak o sa inyong Deped Nurse para sa iskedyol ng pagbabakuna.

Ang San Vicente Rhu ay patuloy na hinihikayat ang lahat ng magulang na may anak na Grade 1 at Grade 7 na pabakunahan ang inyong mga anak para sa kanilang kaligtasan at proteksyon laban sa mga Vaccine Preventable Diseases na ito.






DENTAL ACTIVITY
21/11/2025

DENTAL ACTIVITY

Address

San Vicente

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU- SAN Vicente Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RHU- SAN Vicente Palawan:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram