Aokiji Pharmacy

Aokiji Pharmacy Generic-Branded Medicines and General Merchandise

Updated Store Hours!Monday- Saturday(8am-7:30pm)Sunday (10am-7pm)
07/08/2023

Updated Store Hours!
Monday- Saturday
(8am-7:30pm)
Sunday (10am-7pm)

22/05/2023
01/05/2023

Mag-ingat sa Mababang Potassium
Payo ni Doc Willie Ong

Isa sa pinakamahalagang mineral sa katawan ay ang potassium. Masama ito kapag labis at masama din ito kapag kulang. Kailangan natin ang postassium para sa normal na pagtibok ng puso at paggamit ng mga masel sa katawan.
Marami na akong nakitang pasyente na nadisgrasya dahil lamang sa mababang potassium. Ang tawag ng doktor dito ay hypokalemia.
Ano ang dahilan ng mabababang potassium?
Ang pangkaraniwang pinanggagalingan ng mababang potassium ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka. Dahil dito, lumalabas ang potassium sa katawan sa pamamagitan ng ating pawis at dumi. Minsan naman ay may diprensiya ang bato (o kidneys) kaya lumalabas din ang potassium sa ihi.
Kung kayo ay mahilig uminom ng mga pampadumi, pampapaihi o pampapayat, puwedeng bumaba ang iyong potassium. Kung mahilig kayo sa colon cleansing, puwede din bumaba ang potassium. Ang sobrang pag-e-ehersisyo at pagpapawis ay puwedeng makababa din ng potassium.
Ano ang sintomas?
Ang sintomas ng mababang potassium ay ang panghihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso. Nag-uumpisa ang panghihina sa may paa at umaakyat ito ng dahan-dahan hanggang sa ma-paralisa na ang buong katawan. Napakadelikado nitong sakit at puwedeng ikamatay agad.
Paano ginagamot ang mababang potassium?
Kapag malala na ang lagay ng pasyente ay kailangan nang dalhin sa ospital para mabigyan ng potassium sa dugo. Ngunit kung nag-uumpisa pa lamang ang panghihina ay puwede muna kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, patatas, kamatis, orange at broccoli.
Ang mga pagkaing ito rin ang magandang paraan para makaiwas sa pagbaba ng potassium. Ang Gatorade ay may potassium din. May tableta din na binibigay ang mga doktor, ang potassium tablets (brand name K-Lyte) na mabilis magpataas ng potassium.
Para makaiwas sa sakit na ito, ugaliing kumain ng 2 saging sa bawat araw. Tandaan: Two bananas a day can keep the doctor away.
Kumonsulta sa doktor kung kayo ay nanghihina. Ipapasuri ng doktor ang iyong Potassium level (isang blood test) para malaman kung mababa nga ang iyong potassium. Kung kayo ay may sakit sa bato o may kidney failure, magtanong muna sa doktor bago kumain ng pagkaing mataas sa potassium. Good luck po.

Welcome 2023 ๐Ÿงจ๐Ÿงจ๐Ÿฐ๐Ÿฐ๐Ÿฐ
01/01/2023

Welcome 2023 ๐Ÿงจ๐Ÿงจ๐Ÿฐ๐Ÿฐ๐Ÿฐ

07/10/2022

12 Bad Habits Na Dapat Iwasan Ng Pinoy (Part 1)
By Doc Willie Ong

May mga kaugalian ang iba nating kababayan na hindi nila alam ay nakasasama na pala sa kanilang kalusugan. Alamin natin ang mga ito:
1. Laging nagpupuyat โ€“ Kailangan mag-ingat ang mga taong kulang sa tulog at laging gumi-gimmick. Ayon sa pagsusuri, ang mga laging puyat at kulang sa tulog ay mas tumataas ang insidente ng sakit sa puso at kanser. Kung ikaโ€™y nagtatrabaho bilang night shift, kailangan ay doble ang iyong pag-aalaga sa sarili. Siguraduhing masustansya ang iyong kinakain at sapat ang iyong pahinga.
2. Mahilig mag-yosi at uminom ng alak โ€“ Napakaraming sakit ang puwedeng makuha sa paninigarilyo, tulad ng sakit sa baga, kanser, ubo, hika at wrinkles sa mukha. Ang sobrang alak naman ay nakababawas ng ating talino dahil namamatay ang brain cells. Kung gustong humaba ang buhay, iwasan ang mga bisyo.
3. Konti uminom ng tubig โ€“ Maraming Pinoy ang mahina uminom ng tubig. Minsan 3 baso lang sila kung uminom sa isang araw. Kailangan natin ng 6 hanggang 10 baso sa isang araw. Matutulungan ng tubig ang mga sakit tulad ng UTI, sakit sa bato, panghihina, constipation at pangungulubot ng balat.
4. Hindi nag-aalmusal โ€“ Alam ba ninyo na halos 1 sa bawat 3 Pilipino ang hindi nag-aalmusal? Sa almusal, kumukuha ng lakas ang ating katawan para magtrabaho, mag-isip at magkaroon ng energy. Ang almusal ang pinakamahalagang pagkain natin sa buong araw. Ang mga batang nag-almusal ay nagiging mas matalino at mas mataas ang grado sa paaralan. Sa mga office workers, mas gaganda din ang inyong performance sa trabaho.
5. Mahina sa gulay at prutas โ€“ Ang rekomendasyon ko ay kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas sa bawat araw. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang lahat ng kailangan mong vitamins at minerals. Sa mga bata at sa mga payat na tao, puwede na ang isa at kalahating tasa ng gulay at prutas bawat araw.
6. Puro taba ang kinakain โ€“ Iwasan ang mga matatabang pagkain tulad ng lechon, crispy pata, chicharon, laman loob, at taba ng baboy at baka. Tingnan ninyo. Kung ang mantika nito ay nagiging sebo kapag nalamigan, gaanoon din ang mangyayari sa taba sa loob ng iyong katawan. Kung ayaw mong atakihin sa puso, bawasan ang pagkain nito.
Abangan ang karugtong sa susunod.

06/10/2022

Mercury Drug is the leading trusted and caring drugstore in the Philippines.

06/10/2022

Ang pagtulong sa iba ay nagsisimula sa sarili. Dahil kapag regular ang self-care, PHAREXcited kang tumulong o gumawa para sa kapwa.

Tulong kontra ngalay, tusok, at manhid, uminom ng Pharex Vitamin B1+B6+B12 kasabay ng proper diet and exercise.

06/10/2022

Buy Nutoplex in Lazada NOW!

06/10/2022

Take this tip from Moira to help you relax!

Apply a few drops of White Flower on your palm and inhale it to get soothing relief.

๐Ÿ’™

Address

Santa Maria
3022

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm
Friday 8am - 7pm
Saturday 8am - 7pm
Sunday 10am - 7pm

Telephone

+639227648108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aokiji Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Aokiji Pharmacy:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram