Rural Health Unit of Santa Maria, Laguna

Rural Health Unit of Santa Maria, Laguna Rural Health Unit of Sta. Maria, Laguna
Brgy. Pob. III, Sta, Maria, Laguna
Contact No.: (049) 501-3856

22/09/2025

⚠️ MAG-INGAT SA BANTA NG PAGKALUNOD DAHIL SA BAHA ⚠️

Inaasahan ang pagbaha sa ilang lugar sa Luzon, bunsod ng malawakang pag-ulan dala ng Super Typhoon Nando, ayon sa huling weather advisory ng PAGASA.

Pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat sa pagkalunod, lalo na sa mga nakatira sa mga lugar na madaling bahain o malapit sa mga ilog.

Kasalukuyang nakataas ang sumusunod na rainfall warning sa CALABARZON:

ORANGE WARNING LEVEL:
Rizal - Rodriguez, San Mateo, Antipolo, Teresa, Baras, Morong, Binangonan, Cardona, Taytay, Cainta, Angono
Cavite - Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Tanza, Rosario, General Trias, Naic, Trece Martires, Dasmarinas, Cavite City

YELLOW WARNING LEVEL:
Quezon
Laguna
Batangas
Cavite - Alfonso, Amadeo, General Emilio Aguinaldo, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez, Silang, Tagaytay, Ternate, Carmona, Gen. Mariano Alvarez
Rizal - Tanay, Jala-Jala, Pililla

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang pagkalunod.





Iwasan po ang pag labas ng bahay kung wala po tayong mahalagang gagawin sa labas. Mag ingat at maging handa po ang lahat...
22/09/2025

Iwasan po ang pag labas ng bahay kung wala po tayong mahalagang gagawin sa labas. Mag ingat at maging handa po ang lahat at manatiling naka antabay sa mga anunsyo ng ating Lokal na Pamahalaan.,

Maging alerto at ligtas dahil bawat buhay mahalaga.

BAKUNA ESKWELA 2025SBI FAQs
15/09/2025

BAKUNA ESKWELA 2025
SBI FAQs

15/09/2025

Hinikayat po ang mga magulang na pabakunahan po ang inyong mga anak sa gaganaping "BAKUNA ESKWELA" ang mga babakunahan po ay Grade 1, Grade 4 (female student only) at Grade 7. Mangyari lamang po na makipag ugnayan sa G**o ng inyong mga anak para sa consent form at sa inyong mga Komadrona kung may mga katungan sa mga ibabakuna sa inyong anak.

SCHOOL BASED IMMUNIZATION MR/TD/ HPV 2025
Date Name Of School Group Assigned

Sept 22, 2025 -Santa Maria Elem. School
(AM) Aimee/Baby/Tita Mel
Santa Maria Integrated HS
(PM) Aimee/Baby/Tita Mel

Sept. 23, 2025 - Calangay Elem. School (AM) , Calangay HS (PM)
Girlie/Chari

Sept. 24, 2025 - Bagumbayan ES (AM), Gaudencio Octavio HS (PM)
Edgar/Mafe/Tita Ester

Sept. 25, 2025 - J. Santaigo ES (AM), J. Santiago HS (PM)
Edgar/Christian/ Ken

Sept. 26, 2025 - Matalinting ES and Paoo ES Main (AM),
Paoo ES Annex (PM)
Edgar/Christian/ Ken

Sept. 29, 2025 - Paang Bundok ES, Cambuja- Bubucal ES
Kaye/ Erika

Seot. 30, 2025 - Adia ES, Macasipac ES
Kim/Jona

October 2, 2025 - Coralan ES - Girlie/ Cha
- Tungkod ES, Pulong Mindanao ES - Kaye/ Erika

October 3, 2025 - Cueva ES, New Little Baguio ES
Edgar/ Christian

October 6, 2025 - Bagong Pook ES - Aimee/ Baby

October 7, 2025 PNB ES, Laurel ES
Edgar/ Christian

October 9, 2025 - Talangka ES - Kim/Jona

October 10, 2025 - Cabuoan ES - Aimee/ Baby

05/09/2025

Here’s What to Do!If an insect accidentally enters your ear:

❌ Don’t pour vinegar or try to remove it while it’s still alive.

✅ Instead, gently put a few drops of mineral oil or baby oil—this helps suffocate the insect and stops movement.

➡️ If it doesn’t come out on its own, see a medical professional immediately for safe removal.

⚠️ Avoid poking objects inside your ear—it can cause more damage than help.

🩸 Maging Bayani, Mag-donate ng Dugo! 🩸Inaanyayahan po namin kayo sa aming Blood Letting Donation Drive 💉📅 Petsa: Agosto ...
27/08/2025

🩸 Maging Bayani, Mag-donate ng Dugo! 🩸

Inaanyayahan po namin kayo sa aming Blood Letting Donation Drive 💉

📅 Petsa: Agosto 28, 2025
🕗 Oras: 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Lugar: Sta. Maria, Laguna Town Plaza

Ang bawat patak ng dugo ay may halaga. Isang donasyon mo, tatlong buhay ang maililigtas. ❤️

Tara na at magkaisa para makatulong at makapaglitas ng buhay. Kitakits! 🙌


✅ Mga Puwedeng Mag-donate:

✅ Mga Puwedeng Mag-donate:

Edad 16–60 taong gulang (kung 16–17, kailangan ng parental consent).

Timbang ay hindi bababa sa 50 kilos.

Walang iniinom na maintenance na gamot para sa malalang sakit.

Walang ubo, sipon, lagnat, o impeksyon sa loob ng 1–2 linggo bago mag-donate.

Walang tattoo o body piercing sa loob ng nakaraang 12 buwan.

Walang risky sexual behavior.

Nakapahinga at may sapat na tulog bago mag-donate.

Kumain ng magaan (huwag fasting) bago mag-donate ng dugo.

🚫 Hindi Puwedeng Mag-donate:

May sakit sa puso, baga, atay, o kidney.

May kasalukuyang impeksyon (tulad ng hepatitis, HIV, TB, at iba pa).

Umiinom ng antibiotics sa loob ng nakaraang linggo.

Nag-inom ng alak sa loob ng 24 oras bago mag-donate.

Buntis, bagong panganak, o nagpapasuso.

🩸 Paalala Bago at Pagkatapos Mag-donate:

Uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos ng donation.

Magpahinga ng ilang minuto matapos makuha ang dugo.

Iwasan muna ang mabibigat na trabaho at pagbubuhat sa parehong araw.

25/08/2025
𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐎 𝐓𝐎 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑-𝐁𝐎𝐑𝐍𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐄𝐀𝐒𝐄𝐒!Maulan na naman kaya mahalagang depensahan ang sarili laban sa mga sakit na nakukuha mula...
25/08/2025

𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐎 𝐓𝐎 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑-𝐁𝐎𝐑𝐍𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐄𝐀𝐒𝐄𝐒!

Maulan na naman kaya mahalagang depensahan ang sarili laban sa mga sakit na nakukuha mula sa kontaminadong tubig at pagkain.

Kabilang na rito ang Cholera, Typhoid fever, Hepatitis A, Rotavirus, Paralytic Shellfish Poisoning at Dysentry.

Alamin ang mga sintomas at kung paano ito maiiwasan upang manatiling malusog at protektaDOH ngayong rainy season.

Ang Tanggapang Pangkalusugan po ng ating bayan ay nanatiling bukas sa nakalipas na araw at patuloy na nag bigay serbisyo...
25/07/2025

Ang Tanggapang Pangkalusugan po ng ating bayan ay nanatiling bukas sa nakalipas na araw at patuloy na nag bigay serbisyo sa ating mga kababayan sa kabila ng ilang araw na tuloy tuloy na pag ulan kasama ang ating Specialty Dr na si Dra Suministrado, Neurologist ay hindi nag atubili na mag bigay ng serbisyo sa ating mga kababayan kahit masama ang panahon., maging ang atin pong DOH-HRH Nurses at Midwives ay patuloy na nag bigay serbisyo sa kanilang assigned barangay na sila po nating katuwang sa pag bibigay serbisyo. Binisita din po ang ating mga reported evacuees upang malaman ang kanilang kalagayang pangkalusugan.

Nakapag tala po ang aming tanggapan ng mga sumusunod:

- General Consultations - 143 patients
- Neurology Consultation - 17 patients
- Dental - 20 patients
- Anti-rabies vaccination - 35 patients





𝐈𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐄𝐏𝐓𝐎𝐒𝐏𝐈𝐑𝐎𝐒𝐈𝐒! 🦠Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan, kaliwa’t kanan na naman ang mga pagbaha na maaaring magdulo...
22/07/2025

𝐈𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐄𝐏𝐓𝐎𝐒𝐏𝐈𝐑𝐎𝐒𝐈𝐒! 🦠

Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan, kaliwa’t kanan na naman ang mga pagbaha na maaaring magdulot ng Leptospirosis. Ito ay nakukuha mula sa ihi ng mga infected na hayop na maaaring matagpuan sa kontaminadong tubig at lupa.

Kaya sundin ang sumusunod na mga paalala upang protektahan ang sarili at iyong pamilya laban sa panganib na dala ng sakit na ito.

Pangalagaan ang kalusugan sa panahon ng bagyo dahil Bawat Buhay Mahalaga.



Address

Brgy. Pob. III, Sta, Maria, Laguna
Santa Maria
4022

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit of Santa Maria, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram