13/02/2022
😫 Ang FROZEN SHOULDER o Adhesive Capsulitis ay isang condition na kung saan ay nalilimitahang ang pag galaw ng mga braso. Nangyayari ito kapag ang tissue sa joint ng braso ay kumapal at tumigas. Nawawalan ng espasyo ang mga joints na ito para maigalaw ng maayos ang mga braso.
😮 Hindi pa natutuklasan ng mga Doctor ang kadahilanan kung paano nagkakaroon ng FROZEN SHOULDER ang mga tao. Subalit napag alaman na kadalasan na nagkakaroon nito ay mga:
📌 Nanggaling sa injury at na operahan kaya hindi naigagalaw ng madalas ang mga braso
📌 Stroke patients
📌 Taong may DIABETES
Huwag isawalang bahala ang FROZEN SHOULDER kung ito ay:
😳 May p**iramdam na parang naiipitan na ng ugat
😳 Sobra ng nalilimitahan ang galaw ng braso na simpleng pag suot ng damit ay nagdudulot na ng sobrang sakit
😳 Apektado na ang tulog at sa sobrang sakit ay nang gigising na sa pagkatulog
Kapag ito ay napabayaan at hinayaan na lumala, humahantong ito sa surgery o ooperahan na ang mga tumigas na tissue o tuturukan ng injection para lumuwag ang mga joints at muscles.
Ang Massage ay makakatulong safe at non invasive na treatment para sa FROZEN SHOULDER . Kadalasan ay sa unang treatment session pa lamang ay makakaramdam na ng ginhawa ang mga client Mag visit sa aming MASSAGE SPA, mag message para mag set ng appointment.