01/12/2025
Matagumpay na naisagawa ang ating PhilHealth YAKAP CARAVAN noong Nobyembre 28, 2025 sa St. James Hospital Inc. – Industrial Clinic and Diagnostic Center, Barangay San Isidro, Lungsod ng Cabuyao.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating PhilHealth YAKAP Caravan
Maraming salamat sa lahat ng miyembro ng komunidad na nag-register, nagpa-konsulta, at nag-avail ng mga serbisyo sa ilalim ng PhilHealth YAKAP Program. Ikinagagalak naming makapaglingkod sa mga residente ng Barangay San Isidro at karatig na lugar sa pamamagitan ng libreng konsultasyon, assistance, at registration support.
Sama-sama nating ginagawang mas malapit ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilya.
Ang inyong kalusugan ang aming prayoridad. 💛
Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala at sa naging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito!