Santa Rosa City Health Office I

Santa Rosa City Health Office I The City Health Office I caters 9 barangay of the City of Santa Rosa, Laguna namely barangay Aplaya,

Bilang pagdiriwang ng World Diabetes Day, nagsagawa ng cholesterol and diabetes testing ang ating tanggapan para sa mga ...
14/11/2025

Bilang pagdiriwang ng World Diabetes Day, nagsagawa ng cholesterol and diabetes testing ang ating tanggapan para sa mga kawani mula sa City Engineering Office at City Information and Technology Office noong ika-6 ng Nobyembre 2025. Nauna nang naisagawa ang cholesterol testing sa City Assessor's Office at Human Resources Management Office.

Ang aktibidad na ito ay parte ng ating Healthy Workplace program ng DOH na isusulong sa mga susunod na buwan. Isa rin itong pangangalaga sa ating mga kawani na taos pusong nagbibigay serbisyo sa taong-bayan.

Ang mga makikitaan ng mataas na resulta ay isasailalim sa mas malalim na pagsusuri at pag gagamutan.

Ugaliin nating magpakonsulta sa ating mga pribado o pampublikong doktor o sa ating Barangay Health Center para sa malusog na pangangatawan at kaisipan.



Naganap ngayong ika-13 ng Nobyembre 2025 ang Lidocane Handover and Sisterhood Signing of Rotary Club Santa Rosa Centro a...
13/11/2025

Naganap ngayong ika-13 ng Nobyembre 2025 ang Lidocane Handover and Sisterhood Signing of Rotary Club Santa Rosa Centro at Rotary Club Carmona sa ating tanggapan. Malugod na tinanggap ng ating tanggapan ang mga Lidocane sa pangunguna ng ating Medical Officer IV na si Dr. Catherine Haynes, kasama sina Dr. Darleen Delos Reyes, Dr. Janette Crizaldo, at Dr. Ronald Esquillo. Naroon rin upang tanggapin ang kanilang donasyon ang ating mga Supply Officers na sina Ma. Lourdes Francisco, Harvee Pondare, at Rodrigo Manacsa.

Saksi rin ang kawani ng ating tanggapan sa Sisterhood Signing ng dalawang Rotary Club upang mapagtibay ang kanilang samahan at magkasamang tutulong sa mga komunidad na nangangailangan.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtulong sa ating tanggapan para na rin sa pagtulong natin sa ating pamayanan. Mabuhay po kayo.



⚠️ MAG-INGAT SA BANTA NG PAGKALUNOD DAHIL SA BAHA ⚠️Pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat sa pagkalunod, lalo ...
09/11/2025

⚠️ MAG-INGAT SA BANTA NG PAGKALUNOD DAHIL SA BAHA ⚠️

Pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat sa pagkalunod, lalo na sa mga nakatira sa mga lugar na madaling bahain o malapit sa mga ilog.

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang pagkalunod.





𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎 ⚠️Sa pagdating ng Bagyong Uwan, mahalagang maging alerto at handa upang mapanatili ang...
08/11/2025

𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎 ⚠️

Sa pagdating ng Bagyong Uwan, mahalagang maging alerto at handa upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng bawat-isa.

Basahin at ipamahagi ang mga dapat gawin BAGO, HABANG, at PAGKATAPOS ng bagyo.

Maging alerto at ligtas dahil Bawat Buhay Mahalaga.

Ika-29 ng Oktubre ay ginanap ang Patak Laban sa Polio 2025 sa Barangay Tagapo Covered Court. Ito ay bahagi ng patuloy na...
31/10/2025

Ika-29 ng Oktubre ay ginanap ang Patak Laban sa Polio 2025 sa Barangay Tagapo Covered Court. Ito ay bahagi ng patuloy na paglaban natin upang masugpo at wakasan ang sakit na polio sa Pilipinas.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Rotary Club of Metro Santa Rosa bilang bahagi ng kanilang dedikasyon sa public health at sa pakikipagtulungan ng ating tanggapan at ng ating lungsod.

Patuloy nating labanan ang mga vaccine preventable diseases gaya ng polio. Kaya huwag kalimutang magpabakuna sa tamang oras at edad. Ang mga bakuna gaya ng oral polio vaccine ay epektibo, sigurado, at walang bayad.

Maraming salamat sa buong pamahalaan ng Barangay Tagapo sa pamumuno ni Barangay Chairman Kgg. Edison Caravana at lalung lalo na sa buong pamahalaan ng Lungsod ng Santa Rosa sa pamumuno ng ating City Mayor Hon. Arlene B. Arcillas.

*Ang pagkuha ng litrato sa mga bata at pag-post sa aming page ay may pahintulot mula sa kanilang mga magulang o guardian.



Tuwing buwan ng Oktubre ay ginugunita natin ang Breast Cancer Awareness Month kung saan tayo ay nagbibigay kaalaman tung...
30/10/2025

Tuwing buwan ng Oktubre ay ginugunita natin ang Breast Cancer Awareness Month kung saan tayo ay nagbibigay kaalaman tungkol sa mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkakaroon nito.

Ngayong taon, sa pakikipagtulungan ng Calamba Medical Center, tayo ay pinaunlakan ng ilan sa kanilang mga doktor na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa breast cancer, cervical cancer, at mga serbisyong dekalidad ng kanilang cancer center. Kabilang din sa ibinahaging kaalaman ang tamang teknik sa paghuhugas ng kamay bilang pag gunita ng Global Hand Washing Day.

Nagbigay rin ng suporta at raffle prizes ang kabuuan ng ating Sangguniang Panlungsod, ang ating City Vice Mayor Hon. Arnold B. Arcillas, at higit sa lahat ang ating City Mayor Hon. Arlene B. Arcillas.

Maraming salamat sa lahat ng tumulong, sumuporta, at nagpunta sa aktibidad na ito. Makakaasa po kayo sa maayos at dekalidad na serbisyo mula sa aming tanggapan.




October is Breast Cancer Awareness MonthBe a BREASTfriend!Babae mahalaga ka! Gawing routine ang pagpapa-breast cancer sc...
30/10/2025

October is Breast Cancer Awareness Month

Be a BREASTfriend!
Babae mahalaga ka! Gawing routine ang pagpapa-breast cancer screening.

Kumonsulta agad sa eksperto kung may mapansing mga sintomas na ito:

1. May bukol, pangungulubot o pangangapal ng balat sa suso.
2. Pagsugat, paglubog, o pag-iba ng kulay ng utong.
3. Pagbago ng hugis ng suso o susong hindi pantay ang laki at hugis.
4. May discharge mula sa suso na kadalasang may dugo.

Ugaliing magpakonsulta sa iyong Barangay Health Center para sa malusog na pangangatawan at kaisipan.




PABATID SA PUBLIKOAlinsunod sa direktiba ni Mayor Arlene B. Arcillas, ang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ...
29/10/2025

PABATID SA PUBLIKO

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Arlene B. Arcillas, ang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa Oktubre 30, 2025 (Huwebes) ay hanggang 12:00 ng tanghali lamang.

Ito ay upang bigyang-daan ang mga kawani na makapaghanda sa paggunita ng All Saints' Day.

Ang mga frontline offices, tulad ng healthcare, public safety, at emergency services, ay patuloy na magbibigay ng serbisyo.





🦁

First Week of October is Newborn Screening Awareness Week'Nay, 'Tay, ipa-Newborn Screening n'yo ako ha!Mga dapat tandaan...
26/10/2025

First Week of October is Newborn Screening Awareness Week

'Nay, 'Tay, ipa-Newborn Screening n'yo ako ha!

Mga dapat tandaan tungkol sa Newborn Screening

👣 ANO?
Ang NBS ay isang simpleng test ng dugo upang malaman kung may congenital disorder si baby.

🕒 KAILAN?
Isinasagawa ito agad makalipas ang 24 oras ng pagkapanganak.

🛡 BAKIT?
Matutukoy nito at magagamot ang mahigit 29 na sakit para maiwasan ang kapansanan at maagang pagkamatay.

🏥 SAAN?
Ginagawa ito sa ospital, lying-in, health center, at PhilHealth accredited facilities.

🚼 PAANO?
Kasama ang Newborn Screening (NBS) sa mga serbisyong ibinibigay pagkatapos manganak.

Kalusugan ni baby ay i-prioritize, para sa malusog na kinabukasan!

Ugaliing magpakonsulta sa inyong Barangay Health Center para sa malusog na pangangatawan at kaisipan.



Lolo at Lola 'wag kalimutan alagaan ang ating kalusugan.‼️Tandaan ‼️️💉Magpabakuna laban sa Influenza taon-taon at laban ...
25/10/2025

Lolo at Lola 'wag kalimutan alagaan ang ating kalusugan.

‼️Tandaan ‼️️

💉Magpabakuna laban sa Influenza taon-taon at laban sa pulmonya (Pneumococcal) kahit isang beses para sa 60 years old pataas.

👨🏻‍⚕️Magpa-annual check-up at screening - para sa mata, pandinig, ngipin, dugo (blood pressure, sugar, cholesterol).

🏋Mag ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minutes araw-araw.

🥗Kumain nang masustansyang pagkain - gulay, prutas, isda, whole grains, at mga pagkaing mayaman sa protina.

💊Inumin ang inyong maintenance medicines ayon sa reseta ng doctor.

October 1-7 is Filipino Elderly Week

Ugaliing magpakonsulta sa inyong Barangay Health Center para sa malusog na pangangatawan at kaisipan.



Palawakin at gamitin ang Edukasyong Pangkalusugan!Alamin!I-follow ang DOH at City Health Office I page para sa ...
19/10/2025

Palawakin at gamitin ang Edukasyong Pangkalusugan!

Alamin!
I-follow ang DOH at City Health Office I page para sa kaalamang pangkalusugan.

Gawin!
Sundin ang T.E.D. - Tamang Pagkain, Ehersisyo, at Disiplina para sa masigla at malusog na katawan.

Magpatingin!
Regular na komunsulta sa inyong healthcare workers para maka-iwas sa sakit.

The 2nd Week of October is Health Education Week.



Paano aalagaan ang iyong mga buto at kasu-kasuan?1. Kumain ng pagkaing mayaman sa Calcium, Vitamin D, at Protina - tulad...
18/10/2025

Paano aalagaan ang iyong mga buto at kasu-kasuan?

1. Kumain ng pagkaing mayaman sa Calcium, Vitamin D, at Protina - tulad ng gatas, keso, isda, itlog, at karne.

2. Mag exercise araw-araw - weight-bearing (lakad, jogging, sayaw) at resistance training (squats, planks) para palakasin ang buto at kalamnan.

3. Gawin ang maayos na posture - iwasan umupo nang matagal at panatilihing tuwid ang likod.

4. Itigil ang bisyo - 'wag manigarilyo at limitahan ang pag-inom ng alak.

5. Panatilihin ang tamang timbang - para iwas sa sobrang bigat sa tuhod, balakang, at likod.

3rd Week of October is Bone and Joint Awareness Week

Ugaliing magpakonsulta sa inyong Barangay Health Center para sa malusog na pangangatawan at kaisipan.



Address

Santa Rosa
4026

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Rosa City Health Office I posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Santa Rosa City Health Office I:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram