14/03/2023
MARSO 15, 2023-------MORNING DEBOSYONAL
TEMA:---------PAGIGING KONTENTO.
SUSING TALATA-------FILIPOS 4:11.
Hindi sa nagsasalita ako dala ng pangangailangan, sapagkat aking natutunan
ang masiyahan sa anumang kalagayang aking kinaroroonan. Filipos 4:11.
May mga tapat na saksi ang Diyos na hindi nagtatangkang gawin yung sinabi ni Cristong imposible-at iyon ay, ang sikaping maglingkod sa Diyos at sa kayamanan. Sila'y nagliliyab at nagniningning na ilawan sa gitna ng kadilimang
moral ng sanlibutan, at sa gitna ng matinding kadiliman na tumatabon sa mga tao na parang lambong ng kamatayan. Dapat makontro isa-isa ng Banal na Espiritu ang mga kaanib ng iglesya ni Cristo, para sila'y hindi magkaroon ng pabagu-bago at papatay-patay na karanasan. Kailangan silang mag-ugat at matanim sa katotohanan.
Kapag naunawaan nang tama ang kagalakan ng nagliligtas na kapangyarihan ng katuwiran ni Cristo sa pamamagitan ng karunungang mula sa karanasan, magkakaroon ng buhay na malasakit sa iglesya, babangon yung mga magtuturo ng mga daan ng Diyos sa mga manlalabag, at ang mga makasalanan ay mahihikayat sa katotohanan kung paanong ito'y nakay Jesus. Yung mga nag-aangking relihiyoso ang dapat na mahikayat; sapagkat epektibong ginagamit
ni Satanas ang kanyang mga pandaraya sa kanilang kaluluwa.
Ang kaluluwang personal na naiugnay kay Cristo ay nagiging banal na templo sa Panginoon; sapagkat si Jesus ay nagiging karunungan, katuwiran, kabanalan, at katubusan sa mananampalataya. Siyang lubusang sumuko sa Diyos ay may kamalayan sa nagliligtas na presensiya ni Cristo. Taglay niya ang espiritwal na pagpapasensya, at may kapahingahan ng kaluluwang nagmumula sa pagkatuto sa Kanya na maamo at may mapagpakumbabang puso (Mateo 11:29). Dahil nagtitiwala kay Jesus na magiging kahusayan at katuwiran niya, napupuno ang kaluluwa niya ng nakalulugod na pagkakontento.
Ano ang kagalakan ng Kristiyano? Ito'y bunga ng pagkadama sa presensiya ni Cristo. Ano ang pag-ibig ng Kristiyano? Ito'y pagpapakita sa pagmamahal ni Cristo. Ito'y epekto ng pagkilos ng Banal na Espiritu. Sa pagtingin sa krus ng Kalbaryo, nakikita natin si Jesus na namamatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, ang buhay at Kawalang-kamatayan ay madala tungo sa liwanag para sa kaluluwang nagsisisi (2 Timoteo 1:10). Si Jesus ang lahat-lahat, at kung wala Siya ay wala tayong magagawa. Kung wala si Cristo, imposible ang espiritwal na buhay.-REVIEW AND
HERALD, December 4, 1894.
🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
Good Morning Everybody!!!
Happy Wednesday po sa inyong lahat mga minamahal kong mga Kaibigan/Kapatid kay Jesu-Cristo na Panginoon natin.
Nawa'y maging makabuluhan ang ating paglilingkod sa buong maghapong ito..
Sang-ayon po sa ating Morning Debosyonal:
Ano ang kagalakan ng Kristiyano? Ito'y bunga ng pagkadama sa presensiya ni Cristo. Ano ang pag-ibig ng Kristiyano? Ito'y pagpapakita sa pagmamahal ni Cristo. Ito'y epekto ng pagkilos ng Banal na Espiritu. Sa pagtingin sa krus ng Kalbaryo, nakikita natin si Jesus na namamatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, ang buhay at Kawalang-kamatayan ay madala tungo sa liwanag para sa kaluluwang nagsisisi (2 Timoteo 1:10). Si Jesus ang lahat-lahat, at kung wala Siya ay wala tayong magagawa. Kung wala si Cristo, imposible ang espiritwal na buhay.-REVIEW AND
HERALD, December 4, 1894.
God Bless Us All.🙏🙏🙏