05/03/2026
๐ธ๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ || ๐๐ข๐๐ข๐ฅ๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐ฅ ๐๐ช๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฆ๐ฆ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐๐๐๐ฌ ๐ช๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ - ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐ง๐ ๐๐ก๐ง ๐ข๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐จ๐ฅ๐๐๐ฅ๐ฌ
Ang Southern Isabela Medical Center ay katuwang sa paggunita ng Colorectal Cancer Awareness ngayong buwan ng Marso. Layunin nitong turuan ang publiko tungkol sa isa sa mga karaniwang uri ng kanser na pumapatay ng maraming Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon, natututo ang mga tao na kilalanin ang mga sintomas nito, maintindihan ang mga risk factors tulad ng di-malusog na pamumuhay, at higit sa lahat, mahikayat na magpa-screen o magpa-checkup nang maaga.
Ang kanser na ito ay lubhang magagamot lalo na kung maagang natutuklasan, kaya ang buwan na ito ay isang mahalagang paalala na ang pag-iwas at maagang aksyon ay susi upang mailigtas ang buhay.
Sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Dr. John Wesley Torio mula sa SIMC - Department of General Surgery, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD.