21/11/2023
Benefits of Serpentina
1). Ang halaman serpentina ay may mayaman sa aktibong kemikal alkaloid reserpine.
2). Lumabas sa pag-aaral na mayaman ang halamang serpentina sa: phytosterols, oleic acid, unsaturated alcohols, 5 alkaloids na klasipikado sa dalawang (2) grupo: tatlo (3) sa ajmaline group, white crystalline, weak bases, ajmaline, ajmaliine, at ajmalicine; At dalawa (2) sa serpentine group, yellow crystalline na matapang ilang ulit, serpentine, serpentinine, metal, at canceolytic.
3). Ang ugat ng halamang serpentina ay mayaman din sa dalawang (2) klaseng alkaloids (1% sa pinatuyong ugat nito).
TANONG: ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO KUYA?
1). Dahon. Ang dahon ng serpentina ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit bilang halamang gamot. Maaari itong ilaga at inumin na parang tsaa, o kaya’y ipantapal sa bahagi ng katawan. Ito rin ay pinatutuyo at ihinahalo sa tubig upang mainom na parang tsaa, ginagawa din bulbos ang dahon nito at inilalagay sa isang kapsula o sisidlan gamot. Sa mga katutubo nilulunok ito ng 3-5 piraso ng dahon na kasabay lamang ay tubig. Nagatataglay ng walang kasing pait na lasa.
2). Ugat. Ang ugat ng serpentina ay mainam ilaga, patuyuin man o hindi.
TANONG: ANO ANG MGA SAKIT O KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG SERPENTINA KUYA?
Sa mga sakit at kondisyon ito ang mga sumusunod:
1). DIABETES o BLOOD SUGAR. Mainam ang pinatuyong dahon nito bilang kapsula inumin ng mga taong matataas ang asukal sa dugo ito’y nakapagbibigay balanse sa asukal sa dugo.
2). KAGAT NG A*O o AHAS. Mainam ang katas ng halamang serpentina na ipahid o ilagay sa sugat na tinamo sa pag-kagat ng mga hayop gaya ng A*o at Ahas nilalabanan nito ang infection o rabbies.
3). KORIKONG, GALIS at FUNGUS. Mainam ang pinaglagaan o katas ng halamang serpentina sa taong may-korikong o galis sa katawan dahil nag tataglay ito ng mga panlaban sa bacteria o fungus.
4). BODY PAIN, ANTI-INFLAMMATORY (PAMAMAGA). Mainam ang ugat na pinulbos na nasa kapsula inumin ng mga taong may pananakit ng katawan at pamamaga.
5). MALARIA. Mainam ang ugat at dahon na pinulbos na nasa kapsula inumin ng mga taong may malaria.
6). SAKIT SA ATAY O APDO. Ang pag-inum ng pinulbos ng halaman at ugat ng serpentina ay mainam sa mga taong may karamdaman sa atay at apdo tumutulong ito sa paglaban sa mga nakakalasong kemikal sa ating katawan.
7). LAGNAT. Mainam na inumin ang pinulbos na dahon o nilaga (mapait) sa taong may lagnat.
😎. ANTIOXIDANT. Ang pag-inum ng pinulbos na halamang serpentina ay mainam panlaban sa mga ugat ng karamdaman sa ating katawan.
9). PREBESYON SA ATAKE SA PUSO @ STROKE. Ang pag-inum ng pinulbos na halamang serpentina ay mainam bilang panlaban sa mga dugong bumabara sa ating mga ugat at muscle ng ating puso.
10). PROBLEMA SA DUGO. Ang pag-inum ng pinulbos na halamang serpentina ay mainam bilang panlaban sa pagkalason ng dugo o maging panlinis ito ng dugo.
11). UBONG WALANG PLEMA. Mainam ang pinulbos na dahon ng serpentina na inumin sa ubong mahirap makalabas ang plema.
12). IMMUNE BOOSTER. Pinatitibay ng pinulbos na halamang serpentina ang ating immune system sa mga sakit na maaaring kumapit sa ating katawan.
13). PROBLEMA SA REGLA. Mainam inumin ang pinulbos o nilagang dahon at ugat ng serpentina sa mga babaeng may problema sa buwanang dalaw.
14). BULATE. Ang paglunok ng sariwang dahon ng serpentina ay mainam sa taong may impeksyon sa tiyan likha ng bulate.
15). CANCER. Mainam inumin ang pinulbos na halamang serpentina kasama ugat, laban sa mga kanser cell sa ating katawan.