05/12/2025
TINGNAN: SFCMC, Nagbigay Kaalaman sa Breast Cancer Screening at Surgery sa BHWs
Nagsagawa ang St. Frances Cabrini Medical Center ng forum para sa mga BHWs mula sa Sto. Tomas, Tanauan, at Malvar, Oktubre 23, 2025. Ito ay bilang bahagi ng Breast Cancer Awareness Month.
Tinalakay sa forum ang breast cancer, saklaw na cancer screening ng YAKAP Program, at breast cancer surgery.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga BHW upang mas maipaabot sa komunidad ang tamang impormasyon at maagang pagtuklas ng kanser.