04/02/2026
Gaano Kadalas Kailangan ang BOOSTER Anti-Rabies Vaccine sa Tao?
๐ Ang booster shot ay ibinibigay LAMANG kapag kinakailangan, karaniwan ay kapag may exposure tulad ng kagat o kalmot ng hayop.
โ Hindi ito iniinom o tinuturok buwan-buwan o kada tatlong buwan kung walang exposure.
Mga Mahahalagang Katotohanan ๐ง
โ
Qualified para sa booster dose ang pasyenteng:
โข Nakumpleto ang hindi bababa sa 3 doses ng anti-rabies vaccine
โข Kahit 5โ10 taon na ang nakalipas, basta:
โข Galing sa mapagkakatiwalaang institusyon
โข Tamang bakuna at tamang iskedyul
โข May record
โข Walang immunocompromised condition sa kasalukuyan
โ
Hindi na kailangan ng RIG (Rabies Immunoglobulin) kung booster na lamang ang kailangan โ
kahit gaano pa kalala ang sugat, kahit sa ulo o malalim na sugat, basta kumpleto ang anti-rabies vaccine dati.
โ
Ang booster anti-rabies vaccine ay laging 2 sessions.
โ Hindi maaaring isang turok lang
โ Hindi rin maaaring pagsabayin ang dalawang dose sa isang araw
Gaano Kadalas Mag-Booster?
๐ Depende ito sa uri ng exposure.
Bawat kagat o kalmot ay dumadaan sa risk assessment.
LOW RISK ๐
โข Bakunado ang pasyente
โข Hindi pa lagpas ng 3 buwan ang huling bakuna
โข Nakagat/kinalmot ng:
โข Alagang hayop
โข Hayop na bakunado
โข Hayop na maaaring i-observe
โข Sugat ay hindi sa ulo o leeg
๐ Observation lamang ng hayop sa loob ng 14 days ang kailangan.
HIGH RISK ๐
โข Bakunado ang pasyente ngunit:
โข Nakagat ng hindi bakunadong hayop
โข Hayop ay may sakit o namatay
โข Sugat ay leeg pataas
๐ Booster vaccination ang kinakailangan.
๐ Sto. Tomas, Pampanga
๐ฉ PM us for Inquiries
๐ Contact Number: 0997 108 2242
๐ฅ Clinic Address: McArthur Highway, San Matias, Sto. Tomas, Pampanga
https://share.google/F0ef7mC6P1vO1xCnV