08/12/2021
Ang thyriteroid gland ng tao ay gumagawa ng thyroid hormones na kailangan ng katawan. Ang tao ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang klase ng goiter o bosyo depende kung mayroong mga sintomas na dala ng sobra (o kulang) sa paggawa ng thyroid hormones ; at kung ang paglaki nito ay may bukol (o wala). Kung sobrang thyroid hormones ang ginagawa, ang tawag dito ay “hyperthyroidism”, at kung kulang naman ay “hypothyroidism”. Sa pagkakaroon ng goiter , patuloy pa ring nagtatrabaho ang thyroid gland ng tao – maaaring sapat pa rin ang dami ng nailalabas nitong hormones nguni’t kapos o labis sa nagagawang thyroxine at triiodotyronine. Gaano na po kaya katagal ang inyo Goiter