02/03/2026
TB: Hindi Dapat Katakutan, Dapat Malaman at Malunasan! ππ«
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Tuberculosis Day sa March 24, 2026, inaanyayahan namin ang lahat na dumalo sa ating TB Awareness Lay Forum ngayong March 3, 2026 (9:00 AM) sa Auditorium ng ACE Medical Center Sariaya!
Alam mo ba na ang TB ay nagagamot at naiiwasan kapag ito ay naagapan? Huwag matakot! Mas mahalaga ang tamang kaalaman! π‘ Sa forum na ito, tatalakayin ni Dr. Rhea Louela G. Jusi-Castelo, Head ng ating Respiratory Center, ang mahahalagang impormasyon tungkol sa symptoms, prevention, tamang gamutan, at kung paano maiiwasan ang pagkalat ng TB.
Libre ang registration at bukas ito sa publiko!
Inaanyayahan ang lahat para mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa kalusugan ng baga. Knowledge saves lives!
Sama-sama nating sugpuin ang TB sa pamamagitan ng tamang impormasyon at pagkakaisa. Kita-kits!