02/02/2026
Dahil sa pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Negros Island Region, pinapayuhan ang lahat na maging alerto sa banta ng Leptospirosis.
Kung sakaling nalubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang malinis na tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.
Agap at tamang aksyon ang susi sa pag-iwas sa komplikasyon.