Christ is the Truth

Christ is the Truth The true essence of Love is only found in God above

( Pahayag 15 : 1 ) ,At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, ...
15/10/2025

( Pahayag 15 : 1 ) ,At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios.

( Pahayag 16 : 1 ) ,At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.

( Marcos 13 : 19 ) ,Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

( Pahayag 8 : 5 ) ,At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.

( Pahayag 11 : 19 ) ,At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.

( Pahayag 16 : 18 ) ,At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.

( Marcos 13 : 8 ) ,Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.

( Pahayag 3 : 10 ) ,Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos
Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan. Aking mga anak-na-lalaki! Hindi ninyo dapat pagdusahan ang sakit o ang paghihirap na dulot ng mga sakuna. Inaasam Kong dumating na kayo sa tamang gulang at, sa lalong madaling panahon, akuin ang pasanin na nakaatang sa Aking mga balikat. Bakit hindi ninyo nauunawaan ang Aking kalooban? Ang gawain sa hinaharap ay magiging pabigat nang pabigat. Napakatigas ba ng inyong mga puso para hayaan ninyo Akong abalang-abala, na kailangang mag-isang nagpapagal nang labis? Mas lilinawan Ko pa ang Aking sinasabi: Yaong gugulang ang mga buhay ay papasok sa kanlungan, at hindi magdurusa ng sakit o paghihirap; yaong hindi gugulang ang mga buhay ay dapat magdusa ng sakit at kapahamakan. Malinaw ang Aking mga salita, hindi ba?

 Hinango mula sa “Kabanata 65” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

,
,
,
,
,
,
,
,
,
,

゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaa...
15/10/2025

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?”

,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ .

14/10/2025

Amen 🙏

゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

14/10/2025

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Ang pagpapahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tulad ng kidlat na tumatama mula sa Silangan deretso sa Kanluran. Nililinis nito at ginagawang ganap ang lahat ng nagbalik sa harap ng trono ng Diyos, at ibinubunyag ang mga mapagkunwaring Pariseo na galit sa katotohanan. pati na rin ang lahat ng makasalanang tao na ayaw tumanggap at kinakalaban ang Diyos. Kasabay nito, papatayin ang lahat ng mga anak ng suwail. Ang paghatol na gawain ng Makapangyarihang Diyos sa lupa sa mga huling araw ay ipinapakita na ang Diyos ay nakaupo na at namamahala sa Kanyang trono. Kahit na itong lumang daigdig ng kasamaan at kadiliman ay umiiral pa rin sa kasalukuyan, iba-ibang malalaking kalamidad na wawasak sa daigdig ang malapit nang mangyari. Walang puwersa sa mundo ang makakasira sa kaharian ng Diyos, at walang puwersa ang makakabuwag sa gawain ng Diyos o makakahadlang sa Kanyang gawain na magpatuloy. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang awtoridad upang gampanan ang Kanyang paghatol na gawain sa lupa ay katulad ng Kanyang trono sa langit: Ito ay isang bagay na walang sinuman ang makakayanig at walang sinuman ang makakapagbago. Iyan ang katotohanan. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian”

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19 ).

mula sa Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
,
,
,
,

,

,

,
,
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos Yaong mga nakakaalam at nagpapahalaga lamang sa tatlong yugto ng gawain ang lubos at tump...
14/10/2025

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Yaong mga nakakaalam at nagpapahalaga lamang sa tatlong yugto ng gawain ang lubos at tumpak na makakakilala sa Diyos. Kahit paano, hindi nila ilalarawan ang Diyos bilang Diyos ng mga Israelita, o ng mga Hudyo, at hindi nila Siya ituturing na isang Diyos na ipapako sa krus magpakailanman alang-alang sa tao. Kung makikilala lamang ng isang tao ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, ang kanyang kaalaman ay napakaliit, at kasinghalaga lamang ng isang patak na tubig sa karagatan. Kung hindi, bakit ipapako ng marami sa relihiyosong matandang bantay ang Diyos sa krus nang buhay? Hindi ba dahil nililimitahan ng tao ang Diyos sa loob ng ilang hangganan? Hindi ba maraming taong kumokontra sa Diyos at humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t iba at malawak na gawain ng Diyos, at, bukod pa riyan, dahil napakaliit ng taglay nilang kaalaman at doktrina para sukatin ang gawain ng Banal na Espiritu? Bagama’t mababaw ang mga karanasan ng gayong mga tao, mayabang at likas silang mapagpalayaw at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, binabalewala ang mga pagdidisiplina ng Banal na Espiritu at, bukod pa riyan, ginagamit nila ang kanilang mga walang-kuwentang lumang argumento upang “pagtibayin” ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagkukunwari din sila, at lubos na kumbinsido sa sarili nilang natutuhan at kaalaman, at kumbinsido na nakakapaglakbay sila sa buong mundo. Hindi ba kinasusuklaman at inaayawan ng Banal na Espiritu ang gayong mga tao, at hindi ba sila aalisin pagsapit ng bagong kapanahunan? Hindi ba mga kasuklam-suklam na taong mangmang at kulang sa kaalaman yaong mga humaharap sa Diyos at lantaran Siyang kinokontra, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa taglay nilang kaunting kaalaman tungkol sa Bibliya, sinisikap nilang magwala sa “akademya” ng mundo; taglay ang isang mababaw na doktrina para turuan ang mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu at tinatangkang paikutin ito sa sarili nilang proseso ng pag-iisip. Dahil hindi nila alam ang mangyayari, sinusubukan nilang masdan sa isang sulyap ang 6,000 taon ng gawain ng Diyos. Walang anumang katinuan ang mga taong ito na dapat banggitin! Sa katunayan, kapag mas maraming kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, mas mabagal silang manghusga sa Kanyang gawain. Bukod pa riyan, katiting lamang ang binabanggit nilang kaalaman nila tungkol sa gawain ng Diyos ngayon, ngunit hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghusga. Kapag mas kakaunti ang alam ng mga tao tungkol sa Diyos, mas mayabang sila at labis ang tiwala nila sa sarili at mas walang-pakundangan nilang ipinapahayag ang katauhan ng Diyos—subalit ang binabanggit nila ay teorya lamang, at wala silang ibinibigay na tunay na katibayan. Walang anumang halaga ang gayong mga tao. Yaong mga itinuturing na laro ang gawain ng Banal na Espiritu ay mga bobo! Yaong mga hindi maingat kapag nakakatagpo sila ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, na walang-tigil magsalita, mabilis humusga, malayang hinahayaan ang kanilang pag-uugali na tanggihan ang pagiging tama ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto at nilalapastangan din ito—hindi ba mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu ang ganoon kawalang-galang na mga tao? Bukod pa riyan, hindi ba sila mga taong mayayabang, likas na mapagmataas at pasaway? Kahit dumating ang araw na tanggapin ng gayong mga tao ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak yaong mga gumagawa para sa Diyos, kundi nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang gayong desperadong mga tao ay hindi patatawarin, sa kapanahunang ito man o sa darating na kapanahunan, at mapapahamak sila sa impiyerno magpakailanman! Ang gayong walang-galang at maluhong mga tao ay nagkukunwaring naniniwala sa Diyos, at kapag mas ganito ang mga tao, mas malamang na labagin nila ang mga atas administratibo ng Diyos. Hindi ba tumatahak sa landas na ito ang lahat ng mayabang na talagang hindi mapigil, at hindi pa sumunod kahit kanino kailanman? Hindi ba nila kinokontra ang Diyos bawat araw, ang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos
,
,
,
,
,

,

,
,
,

,
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

Chel Ri

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos Kung pagsasagawa lamang ang pinagtutuunan ng tao, at pumapangalawa lamang sa kanya ang ga...
13/10/2025

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Kung pagsasagawa lamang ang pinagtutuunan ng tao, at pumapangalawa lamang sa kanya ang gawain ng Diyos at kung ano ang dapat malaman ng tao, hindi ba siya maingat sa maliliit na bagay pero pabaya sa malalaking bagay? Yaong kailangan mong malaman, kailangan mong malaman; yaong kailangan mong maisagawa, kailangan mong isagawa. Saka ka lamang magiging isang taong nakakaalam kung paano maghangad ng katotohanan. Pagdating ng araw na magpapalaganap ka ng ebanghelyo, kung ang tanging nasasabi mo ay na ang Diyos ay isang dakila at matuwid na Diyos, na Siya ang kataas-taasang Diyos, isang Diyos na hindi kayang pantayan ng sinumang dakilang tao, at na Siya ay isang Diyos na hindi mapapangibabawan ninuman…, kung ang tanging masasabi mo ay ang walang-katuturan at mababaw na mga salitang ito samantalang lubos kang walang kakayahang sumambit ng mga salitang napakahalaga at may katuturan; kung wala kang masabi tungkol sa pagkilala sa Diyos o sa gawain ng Diyos, at, bukod pa riyan, hindi mo maipaliwanag ang katotohanan, o maibigay ang kulang sa tao, ang isang tulad mo ay walang kakayahang gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin. Ang pagpapatotoo sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay hindi simpleng bagay. Kailangan ka munang masangkapan ng katotohanan, at ng mga pangitaing kailangang maunawaan. Kapag malinaw sa iyo ang mga pangitain at katotohanan ng iba’t ibang mga aspeto ng gawain ng Diyos, at nalalaman mo sa iyong puso ang gawain ng Diyos, at anuman ang gawin ng Diyos—maging ito man ay matuwid na paghatol o pagpipino sa tao—taglay mo ang pinakadakilang pangitain bilang iyong pundasyon, at taglay mo ang tamang katotohanang isasagawa, magagawa mong sundin ang Diyos hanggang sa pinakahuli. Kailangan mong malaman na anuman ang gawaing Kanyang ginagawa, ang layunin ng gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, ang puso ng Kanyang gawain ay hindi nagbabago, at ang Kanyang kalooban sa tao ay hindi nagbabago. Gaano man kabagsik ang Kanyang mga salita, gaano man kasama ang sitwasyon, ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain ay hindi magbabago, at ang Kanyang layuning iligtas ang tao ay hindi magbabago. Basta’t hindi ito ang gawain ng pagbubunyag ng katapusan ng tao o ng hantungan ng tao, at hindi ito ang gawain ng huling yugto, o ang gawain ng pagwawakas sa buong plano ng pamamahala ng Diyos, at basta’t ito ay sa panahong ginagawaan Niya ang tao, ang puso ng Kanyang gawain ay hindi magbabago. Palagi itong ang pagliligtas sa sangkatauhan. Ito dapat ang pundasyon ng inyong paniniwala sa Diyos. Ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—nangangahulugan ito ng ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagama’t bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, bawat isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at bawat isa ay ibang gawain ng pagliligtas na isinasagawa ayon sa mga kinakailangan ng sangkatauhan. Kapag alam mo na ang layunin ng tatlong yugtong ito ng gawain, malalaman mo kung paano pahalagahan ang kabuluhan ng bawat yugto ng gawain, at malalaman mo kung paano kumilos upang bigyang-kasiyahan ang naisin ng Diyos. Kung makarating ka sa puntong ito, ito, na siyang pinakadakila sa lahat ng pangitain, ang magiging pundasyon ng iyong paniniwala sa Diyos. Hindi mo dapat hangarin lamang ang madadaling paraan ng pagsasagawa o malalalim na katotohanan, kundi dapat mong samahan ng pagsasagawa ang mga pangitain, upang magkaroon kapwa ng mga katotohanang maaaring isagawa at ng kaalamang batay sa mga pangitain. Saka ka lamang magiging isang taong malawak na naghahangad na matamo ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos

,,
,,
,,
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

13/10/2025
Sabi Ng Makapangyarihang Diyos Ang Diyos ay hindi nagkikimkim ng masamang hangarin tungo sa mga nilalang; nagnanais lama...
12/10/2025

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Ang Diyos ay hindi nagkikimkim ng masamang hangarin tungo sa mga nilalang; nagnanais lamang Siya na gapiin si Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakatutok kay Satanas; ito ay isinasakatuparan para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, lahat ito ay upang gapiin si Satanas, at ito ay may isang layunin: ang makipagdigma kay Satanas hanggang sa katapusan! Ang Diyos ay hindi kailanman magpapahinga hangga’t hindi Siya nagwawagi kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa sandaling natalo na Niya si Satanas. Sapagkat ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos ay nakatutok kay Satanas, at dahil sa ang lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng sakop ni Satanas at namumuhay lahat sa ilalim ng sakop ni Satanas, kung walang pakikipagdigma laban kay Satanas at pakikipaghiwalay rito, hindi maglulubay si Satanas sa paghawak nito sa mga taong ito, at hindi sila matatamo. Kung hindi sila natamo, patutunayan nito na si Satanas ay hindi pa natatalo, na ito ay hindi pa nadadaig. At kaya, sa 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos, noong unang yugto ginawa Niya ang gawain ng kautusan, noong ikalawang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ay, ang gawain ng pagpapapako sa krus, at sa panahon ng ikatlong yugto ginagawa Niya ang gawain ng panlulupig sa sangkatauhan. Ang lahat ng gawaing ito ay nakatutok sa lawak ng pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan, ang lahat ng ito ay upang talunin si Satanas, at bawat isa sa mga yugto ay alang-alang sa paggapi kay Satanas. Ang diwa ng 6,000-taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay ang digmaan laban sa malaking pulang dragon, at ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay ang gawain din ng pagtalo kay Satanas, ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Nakipagdigma ang Diyos sa loob ng 6,000 taon, at sa gayon ay gumawa sa loob ng 6,000 taon upang sa kahuli-hulihan ay dalhin ang tao tungo sa bagong kinasasaklawan. Kapag si Satanas ay natalo, ang tao ay magiging ganap nang napalaya. Hindi ba ito ang pinatutunguhan ng gawain ng Diyos ngayon? Ito ang eksaktong pinatutunguhan ng gawain sa ngayon: ang lubos na pagpapalaya at pagpapakawala sa tao, at nang hindi na siya sakop ng anumang patakaran, ni nalilimitahan ng anumang mga gapos o mga pagbabawal. Lahat ng gawaing ito ay ginagawa alinsunod sa inyong tayog at alinsunod sa inyong mga pangangailangan, ibig sabihin na kayo ay pinagkakalooban ng kung anuman ang inyong matutupad. Hindi ito kaso ng “pagtataboy sa isang pato sa dapuan,” ng paggigiit ng anuman sa inyo; sa halip, ang lahat ng gawaing ito ay isinasakatuparan alinsunod sa inyong aktuwal na mga pangangailangan. Ang bawat yugto ng gawain ay isinasakatuparan alinsunod sa totoong mga pangangailangan at kinakailangan ng tao; bawat yugto ng gawain ay alang-alang sa paggapi kay Satanas. Sa katunayan, sa pasimula ay walang mga hadlang sa pagitan ng Lumikha at ng Kanyang mga nilikha. Lahat ng mga balakid na ito ay dulot ni Satanas. Ang tao ay nawalan na ng kakayahang makita o mahipo ang anuman dahil sa panggugulo at pagtitiwali ni Satanas sa kanya. Ang biktima ay ang tao, ang siyang nalilinlang. Sa sandaling nagapi na si Satanas, mamamasdan ng mga nilikha ang Lumikha, at titingnan ng Lumikha ang mga nilikhang nilalang at magagawang personal na akayin sila. Ito lamang ang dapat na maging buhay ng tao sa lupa. At kaya, ang gawain ng Diyos una sa lahat ay upang talunin si Satanas, at sa sandaling natalo na si Satanas, ang lahat ay malulutas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos.
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay bin...
11/10/2025

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-mabatang pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako. Ang Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at nagsisikap Akong makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilalang na magpatotoo sa Akin, at maunawaan ang Aking kalooban, at malaman na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng naunang gawain ng Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, isinagawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain kung saan si Jehova ang nanguna sa mga tao. Ang ikalawang yugto ay nagpasimula sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa mga nayon ng Judea. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang-tao, at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang matapos ang gawain ng pagtubos, wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at simulan ang Kapanahunan ng Biyaya, kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno,” ang “Handog para sa Kasalanan,” at ang “Manunubos.” Dahil dito, ang nilalaman ng gawain ni Jesus ay naiba sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon sa prinsipyo. Sinimulan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang batayan—ang pinagmulan—ng gawain ng Diyos sa lupa, at nagpalabas ng mga batas at kautusan. Ito ang dalawang bahagi ng gawain na Kanyang isinakatuparan, at kumakatawan ang mga ito sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawaing ginawa ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga batas, kundi upang tuparin ang mga ito, sa gayong paraan ay pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Siya ang nanguna, na pumarito upang simulan ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwat ang pangunahing bahagi ng Kanyang gawain ay nasa pagtubos. Kaya nga ang Kanyang gawain ay may dalawa ring bahagi: pagsisimula ng isang bagong kapanahunan, at pagkumpleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus, na sinundan ng Kanyang paglisan. At mula noon ay nagwakas ang Kapanahunan ng Kautusan at nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos.

,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

( SANTIAGO 1 : 26 ) Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinad...
10/10/2025

( SANTIAGO 1 : 26 ) Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

iyong mga hindi kayang kontrolin ang dila nila. Isang seryosong problema ba ito? Kung titingnan ito mula sa literal na pananaw, tila hindi naman malaking isyu ang hindi magawang makontrol ang sariling dila. Maaaring may partikular na mga kaisipan ang ilan tungkol sa pagtukoy sa mga indibidwal na ito bilang masasamang tao: “Dahil may bibig ang mga tao, nakatakda silang magsalita anumang oras at saanmang lugar; maaari nilang talakayin ang mga usapin anumang oras at kahit saan. Hindi ba’t medyo kalabisan na ikategorya iyong mga hindi kayang kontrolin ang dila nila bilang masasamang tao na dapat paalisin?” Ano ang palagay ninyo tungkol dito? (Kung nagdudulot sila ng mga panggugulo at paggambala sa buhay iglesia o sa gawain ng iglesia, na humahantong sa masasamang kahihinatnan, sila rin ay paaalisin.) Ang problema sa gayong mga tao ay hindi tungkol sa hindi nila pagkontrol sa dila nila; problema ito sa kanilang pagkatao. Kung nagdudulot sila ng mga panggugulo sa mga kapatid, sa buhay iglesia, at sa gawain ng iglesia, o ang mga salita nila ay katumbas ng pagkakanulo at pagtataksil sa iglesia, at nagdudulot pa nga ng kahihiyan sa sambahayan ng Diyos at sa pangalan ng Diyos, dapat pangasiwaan ang gayong mga indibidwal. Talakayin muna natin ang mga pagpapamalas niyong mga hindi kayang kontrolin ang dila nila, at pagkatapos ay kung paano sila pangangasiwaan. Matatawag bang “madaldal” ang mga taong hindi kayang kontrolin ang dila nila? (Oo.) Ganoon ba? Katangian ba ito ng gayong mga tao? Ang pagiging madaldal ba ay nangangahulugan ng pagiging hangal at walang kamalayan sa kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin, sinasabi ang anumang maisip nang hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan? Ito ba ang ibig sabihin ng hindi pagkontrol sa dila ng isang tao? (Hindi.) May ilang tao na magaling sa pagsasalita at pakikipag-ugnayan; prangka sila, at medyo simple at matapat. Madalas silang magbahagi ng mga saloobin at ideya nila, ng mga pagbubunyag nila ng katiwalian, kung ano ang naranasan nila, at maging ang mga pagkakamali nila, sa iba. Gayumpaman, hindi nangangahulugan na ang mga indibidwal na ito ay hangal o hindi magawang makontrol ang dila nila. Tila nagsasalita sila tungkol sa lahat ng bagay at medyo simple at matapat; pero pagdating sa mahahalagang isyu, mga isyu na makapagdudulot ng kahihiyan sa Diyos o sa sambahayan ng Diyos, o mga isyu na maaaring kapalooban ng pagkakanulo nila sa mga kapatid o sa iglesia, sa gayon ay ginagawa silang mga Hudas, hindi sila umiimik. Ito ang tinatawag na pagkontrol sa dila nila. Samakatwid, hindi ibig sabihin na ang mga prangkang tao, mga madaldal, o iyong magagaling magsalita ay hindi kayang kontrolin ang dila nila. Ano ang ibig sabihin dito ng hindi magawang makontrol ang sariling dila? Ang hindi magawang makontrol ang sariling dila ay nangangahulugan ng pagsasalita nang walang prinsipyo, at pagsasalita nang walang ingat nang hindi isinasaalang-alang ang mga tagapakinig, ang okasyon, o ang konteksto. Bukod pa rito, kinapapalooban ito ng lubos na hindi pagkakaalam kung paano protektahan ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, o ng hindi talaga pagmamalasakit kung nakikinabang ba rito ang mga kapatid o ang buhay iglesia, at basta lang nagsasabi ng kung ano-ano. Ano ang kahihinatnan ng “basta lang nagsasabi ng kung ano-ano”? Ito ay ang di-sinasadyang pagkakanulo sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa mga interes ng mga kapatid. Hindi sinasadya, dahil sa walang ingat nilang pagsasalita at kawalang-kakayahan na kontrolin ang dila nila, binibigyan nila ng kalamangan ang mga walang pananampalataya laban sa sambahayan ng Diyos, hinahayaan ang mga walang pananampalataya na kutyain ang partikular na mga kapatid, at hinahayaan ang mga walang pananampalataya at mga tao na hindi nananampalataya sa Diyos na makaalam ng maraming bagay na hindi dapat nila malaman. Bilang resulta, ang mga taong ito ay malayang nagkokomento at nagbibigay ng mga walang galang na puna tungkol sa mga usapin ng sambahayan ng Diyos at sa mga panloob na usapin ng iglesia, at nagsasabi ng mga bagay na naninira at lumalapastangan sa Diyos.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume V
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,

゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

( SANTIAGO 1 : 23 - 24 ) Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumiting...
09/10/2025

( SANTIAGO 1 : 23 - 24 ) Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin,
at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at madalas nitong ipinakikita ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng pagpapanggap na ito ay nagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang mga tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng uri ng paraan upang pamanhirin, linlangin, at buyuin ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang sumama rito ang tao sa paglaban sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag naging malinaw na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong anyo nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay nitong mukha, na masama, malisyoso, pangit at mabagsik. Wala itong ibang nais kundi lipulin yaong lahat ng tumatangging sundin ito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa. Sa puntong ito, hindi na makakapagpakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan at maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling malantad ang mga pakana at tunay na anyo ni Satanas, magpupuyos ito sa labis na pagkap**t at ilalantad ang kalupitan nito. Pagkatapos nito, ang pagnanais nitong pinsalain at lamunin ang mga tao ay lalo lamang titindi. Ito ay dahil sumiklab ito sa galit sa pagkagising ng tao sa katotohanan; at nakabubuo ito ng isang makapangyarihang paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang paghahangad na magkaroon ng kalayaan at kaliwanagan, at makawala mula sa kulungan nito. Ang labis na p**t nito ay naglalayong ipagtanggol at pagtibayin ang kasamaan nito at ito rin ay isang tunay na pagbubunyag ng malupit na kalikasan nito.

mula sa Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw
,
,
,
,
,
,

,
,
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ #ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇᴀᴄᴛɪᴠᴇ

Address

Mauboy
Sipalay
6113

Telephone

+639105354429

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ is the Truth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Christ is the Truth:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram