Siquijor Healers Life Coaching Services

Siquijor Healers Life Coaching Services Pagpapagaling sa Kapwa, Kalikasan at Lipunan. Permaculture. Spiritual Healing. Life Coaching. Siquijor, Philippines.
(3)

Magsindi tayo ng kandila at magdasal para mahanap ng mga namatay ang liwanag. 🔥
02/11/2025

Magsindi tayo ng kandila at magdasal para mahanap ng mga namatay ang liwanag. 🔥

MAPAYAPANG PAGPANAW NG MGA KALULUWANgayong Undas ang dinarasal natin ay ang pagkita ng mga kaluluwang nasa purgatoryo ng...
01/11/2025

MAPAYAPANG PAGPANAW NG MGA KALULUWA

Ngayong Undas ang dinarasal natin ay ang pagkita ng mga kaluluwang nasa purgatoryo ng liwanag para makauwi sa mas maayos na buhay.

🙏

Special Ritual para sa Undas bukas.Nagsimula sa 1k pesos para sa mga taong gusto makatulong sa mga namatay nilang minama...
31/10/2025

Special Ritual para sa Undas bukas.

Nagsimula sa 1k pesos para sa mga taong gusto makatulong sa mga namatay nilang minamahal sa buhay at matanggal mga sumpa kaugnay dito.

PM lang po at submit ng ritual request. God bless.

DUCKHOUSE Tapos na ang aming natural duckhouse sa loob ng lambak sa Holy Paradise Resort!Gawa sa kawayan, nipa, at local...
30/10/2025

DUCKHOUSE

Tapos na ang aming natural duckhouse sa loob ng lambak sa Holy Paradise Resort!

Gawa sa kawayan, nipa, at local upcycled materials—disenyo para sa ulan, init, at slope ng lupa. Happy ang mga bibe, mas ligtas ang itlog, at mas linis ang daloy ng tubig papunta sa pond. Permaculture sa puso, healing sa paligid.

NIPA: Salamat sa pagbigay sa amin ng bubongNgayong araw, habang umiikot ako sa mga lupa dito sa Cangmatnog, Siquijor, na...
28/10/2025

NIPA: Salamat sa pagbigay sa amin ng bubong

Ngayong araw, habang umiikot ako sa mga lupa dito sa Cangmatnog, Siquijor, nakasaksi ako ng mga kumpol ng nipa na tahimik ngunit makapangyarihang nagpapaalala ng sinaunang karunungan ng ating mga ninuno.

Sa gitna ng lambak na pinalilibutan ng mga kahoy at sloping na lupain, nariyan ang nipa—matibay, mapagkalinga, at buhay na buhay.

- Nipa bilang g**o: Itinuturo nito ang simple at sapat—humihinga ang bahay, malamig ang loob, magaan sa kalikasan.

- Nipa bilang tagapagpagaling: Sa bawat bubong na pawid, may pahinga ang isip at katawan. Ang hangin ay dumadaloy, dinadala ang init palabas at ang sariwang simoy papasok.

- Nipa bilang kultura: Libu-libong taon na itong kasama ng bahay kubo at ng ating pamumuhay. Bawat dahon ay sinulid ng ating kasaysayan at bayanihan.

- Nipa bilang permaculture ally: Renewable, local, biodegradable, at mababa ang carbon footprint. Kapag napudpod, nagiging lupa ulit—nutrisyon para sa susunod na henerasyon.

Sa aking farm resort, ang pangarap ko ay mga espasyong humihinga kasama ng kagubatan—mga bubong na nipa na sumasabay sa hangin, sumasalo sa ulan, at sumasayaw sa liwanag ng araw. Sa bawat pawid na iniayos sa bubong, may panata: igalang ang lupa, alagaan ang tubig, at pakinggan ang hangin.

Salamat, Nipa. Sa tibay mo sa bagyo, sa ginhawa mo sa init, at sa paalala mo na ang tunay na karangyaan ay ang pagiging magkakaugnay natin sa kalikasan.

Kung makakakita ka rin ng nipa sa paglalakbay mo ngayon, saglit kang huminto, huminga, at magpasalamat. Buhay ang kagandahan sa mga bagay na payak.

KAWAYAN: Bakit maganda gumawa gamit bamboo- Renewable at mabilis tumubo  - 3–5 taon lang mature na. Hindi tulad ng hardw...
27/10/2025

KAWAYAN: Bakit maganda gumawa gamit bamboo

- Renewable at mabilis tumubo

- 3–5 taon lang mature na. Hindi tulad ng hardwood na dekada bago anihin.

- Malakas pero magaan

- Natural na tubular design; mataas ang tensile strength—perfect sa rafters, furniture, at huts.

- Climate-resilient

- Flexible sa hangin at lindol; bagay sa coastal at bundok na lugar tulad ng Siquijor.

- Low embodied energy

- Kaunting carbon footprint kumpara sa steel at concrete.

- Lokal, abot-kaya, at pangkabuhayan

- Suporta sa mga komunidad at tradisyonal na paggawa.

- Ganda ng estetik at healing vibe

- Natural, malamig tingnan, at bagay sa permaculture retreats at spaces for meditation.

- Zero-waste material

- Mula culm, sanga, hanggang dahon—may gamit lahat: bahay, upuan, trellis, mulch.

Quick tips para tumagal: gamitan ng tamang treatment (borax/boric soak o smoke-curing), iangat sa lupa ang poste, at regular na re-sealing sa cut ends.

26/10/2025

Mag-alaga tayo ng mga manok sa natural na paraan para may sarili tayong malinis at sariwang na pagkain.

Malusog na katawan, malusugo na isipan at spirito.

24/10/2025

RITUAL OFFERING

Binahagi ko na may mga higanteng tao sa nakaraan. Ngayon gusto ko buksan isipan ninyo sa makita nating mga ebidensya sa ...
23/10/2025

Binahagi ko na may mga higanteng tao sa nakaraan. Ngayon gusto ko buksan isipan ninyo sa makita nating mga ebidensya sa kalikasan na may higante ding mga puno dati.

Makita niyo sa picture ang mga bundok at katabi ang mga punong pinutol. Makita niyo ba ang pagkahawig?

Ang mga sinasabing pantasya ay mga katotohanan sa sinaunang buhay ng tao na nakalimutan natin. Handa ka na bang maalala ang pinanggalingan talaga natin?

Alam mo ba na totoo ang mga higante o giants? Ito ay isang footprint ng higante na nakabakat sa fossil. Ito ay pinapakit...
22/10/2025

Alam mo ba na totoo ang mga higante o giants? Ito ay isang footprint ng higante na nakabakat sa fossil. Ito ay pinapakita sa picture na ito ni Tellinger. Nakasulat ito sa maraming libro at marami ding fossil na nagpatunay nito. Maraming nakatago tungkol sa kasaysayan nating tao. Kailangan mo magsikap para malaman ang katotohanang lingid sa karamihan

Patuloy ang eksperimento sa natural building: Wattle and Daub sa Cangmatnog!Dito sa aking lambak sa Siquijor, patuloy ak...
21/10/2025

Patuloy ang eksperimento sa natural building: Wattle and Daub sa Cangmatnog!

Dito sa aking lambak sa Siquijor, patuloy akong nag-e-experiment sa natural building. Ngayon, wattle and daub ang aming pinagtutuunan. Gamit ang kawayan, luwad, buhangin, at hibla, bumubuo kami ng mga pader na humihinga at nakikipag-ugnayan sa kalikasan.

Bawat halo at bawat panel ay isang pag-aaral at pagdarasal. Nais kong ipakita na puwedeng maging templo ang tahanan—isang espasyong malamig, tahimik, at nagpapagaling. Ito ay paraan upang bumuo ng bahay na sustainable, abot-kaya, at nagbibigay trabaho sa komunidad.

Hindi pa tapos ang paglalakbay. Plano kong mag-alok ng workshops dito sa farm resort para maibahagi ang kaalamang ito. Kung gusto mong sumama sa pagbuo ng bahay na nakaugat sa lupa at nakaalay sa espiritu, bukas ang aming pinto.

Address

Cangmatnog
Siquijor
6225

Telephone

+639677343367

Website

https://school.ericroxas.com/, https://www.siqhealers.com/, https://www.engkantao.shop/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Siquijor Healers Life Coaching Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram