28/11/2025
‼️DOH, KINONDENA ANG PATULOY NA MAPANLINLANG NA MARKETING NG V**E; TOTAL BAN IMINUMUNGKAHI‼️
Matinding pagkondena ang inihayag ng Department of Health sa pagpapatuloy ng mapanlinlang na marketing strategy ng v**e products. Sa pahayag ni DOH Sec. Ted Herbosa kahapon, inihayag ng kalihim na mas mabuting i-ban na ang v**e sa Pilipinas.
Madalas na sinasabing walang nikotina at puwedeng alternatibo sa sigarilyo ang v**e, pero ani ng DOH, puno ng kemikal at mapanganib ang usok at ang mismong aparato ng v**e. Makukulay na pakete at iba't ibang flavors din ang nambubudol sa mga kabataan para gumamit nito.
Batay sa 2019 Global Youth To***co Survey, isa sa 7 kabataang Pilipino, edad 13 hanggang 15, ang gumagamit ng v**e.
Matatandaang noong nakaraang taon lang ay naitala na ang unang kaso ng namatay sa Pilipinas dahil sa dalawang taong paggamit ng v**e.
Paalala ng DOH na nakamamatay ang paggamit ng v**e at sigarilyo at nagdudulot ito ng
❗️Cardiovascular disease
❗️Cancer
❗️Lung disease
Pinagtitibay rin ng Pilipinas ang pakikiisa nito sa WHO Framework Convention on To***co Control o WHO-FCTC at inihayag na uunahin ang kalusugan ng mga Pilipino kaysa interes ng to***co at v**e industry.
Sa WHO FCTC sa Geneva, Switzerland, inihayag ng Pilipinas sa pangunguna ng DOH na aktibo ang ahensya na isulong ang mas mahigpit na mga polisiya at batas para maprotektahan ang mga Pilipino sa panganib ng to***co at v**e.
Patuloy ang DOH Health Promotion Bureau sa pagbibigay ng tamang edukasyon sa mga komunidad, eskwelahan, at workplace habang pinaiigting din ang smoking cessation services ng ahensya, alinsunod sa National To***co Cessation Infrastructure Plan 2025–2030.
Nakiisa rin ang DOH Health Promotion Bureau sa isinagawang Policy Forum on Safeguarding Youth From To***co Harms sa House of Representatives bilang pagpapaigting ng mga polisiya, batas, at adbokasiya para sa pagpapalakas ng to***co control efforts sa Ika-20 Kongreso.
Balikan ang PinaSigla Episode 17 dito:
📌 https://web.facebook.com/share/p/1Gd5r7NKtx/
📌https://www.youtube.com/watch?v=B-dhy-0VrXI&list=PL7amYNiWriCysYdFXyyXQdFeXvmWtBaGz