05/12/2025
Pakikibahagi sa World AIDS Day, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jon Khonghun, isinagawa sa Conference Room ng Subic Municipal Health Office (RHU).
Nagsagawa po tayo ng Symposium at HIV Testing sa ating mga kababayan noong nakalipas na December 02, 2025.
Layunin po nito na mag Health Teaching para mas lalong maunawaan at ma-prevent ang sakit na HIV, at malaman ang kanilang estado sa pamamagitan ng pagtetest.
Available po ang ating mga HIV Test kits at Condoms sa ating RHU. Maaari nilang makuha ito ng libre.
Tinitignan din po ng inyong Municipal Health Office- Subic at lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng sarili nating Treatment Hub para sa ating bayan.