29/08/2022
August 29, 2022
Ang Bagumbayan Infirmary ay nakikiisa sa lahat sa selebrasyon ng Pambansang Araw ng mga Bayani. Ito rin ang panahon upang mapahalagahan natin ang diwa ng kabayanihan- ang nagtutulak sa isang Pilipino upang magkusang-loob para sa kapwa, upang unahin ang ikabubuti ng iba sa sarili.
Ang aming pagpupugay sa kabayanihan saan man o kanino man na ating matatagpuan- sa ating mga magulang, g**o, o kaklase, sa mga health workers at frontliners, sa mga nag-volunteer para makatulong sa mga nasalanta ng baha at iba pang uri ng kalamidad.
Mabuhay tayo at ang mga makabagong bayani!