10/10/2023
👇
Alam kong paulit-ulit ko na ‘tong sinasabi pero dapat laging i-remind kasi marami pa rin ang hindi nakaka-notice.
Dahil sipon season na naman, huwag po nating sabay inumin ang neozep, bioflu, and decolgen dahil pare-parehas lang po sila ng laman na gamot at gamit😉
Reason ng ibang customer kung bakit nila ito pinagsasabay kasi daw yung isang product sabi sa TV para daw sa sipon tapos yung isa sa trangkaso naman.
Another reason is, pinagsasabay nila ang mga gamot na ito para daw mabilis mawala ang sipon nila. Hindi naman po ganun yun☺️ Choose 1 lang po