16/09/2021
"Trangkaso lang po ito."๐ฅ๐ช๐
Isang araw bumigat ang pakiramdam mo, may konting ubo at sipon, kinabahan ka lalo na kinabukasan nilagnat ka sabay pang nawalan ng pang amoy at pang lasa. nalintikan na โCovid na ito!โ, ang sabi mo pa.
Pero pitong araw lang bumuti na ang pakiramdam mo, abot ang pasalamat mo "Thank you Lord at trangkaso lang pala". Sa sobrang tuwa mo lumibot ka na sa mga kaibigan mo ikinuwento mo ang pinagdaanan mo. Magaan na pakiramdam mo konting ubo na lang kaya wala nang makapipigil sa iyo sa kalalakwatsa mo.
Pitong araw ang lumipas nabalitaan mo yung kaibigang unang dinalaw mo, isinugod sa ospital severe covid, napa dasal ka, sabi mo kausap mo pa yun nung minsan mabuti hindi ka nahawa!
Tandaan, halos 80% ng Covid cases ay pinagsamang asymptomatic at mild cases lang. Hwag kang maniwalang trangkaso lang yan. Kung may sintomas ng Covid, mag isolate ng 14 na araw para hindi ka makapanghawa.
KAYA DUMADAMI ANG KASO NG COVID-19 SA ATIN AY SAPAGKAT NANINIWALA TAYO SA SALITANG, TRANGKASO LANG.
Stay safe! Stay at home!