08/03/2026
Ang ACUTE LIMB ISCHEMIA ay isang emergency na kondisyon kung saan biglang nababara o nababawasan ang daloy ng dugo sa isang paa o kamay, kadalasan dahil sa namuong dugo (blood clot) o pagbabara ng ugat. Kapag hindi agad nagamot, maaaring masira ang mga kalamnan at nerbiyos at maaari pang humantong sa pagputol ng paa (amputation).
Mga Karaniwang Sintomas (tinatawag na “6 Ps”)
1. Pain – matinding sakit sa paa o kamay
2. Pallor – pamumutla ng balat
3. Pulselessness – walang maramdamang pulso sa apektadong bahagi
4. Paresthesia – pamamanhid o tusok-tusok
5. Paralysis – panghihina o hindi maigalaw
6. Poikilothermia – malamig ang apektadong bahagi kumpara sa kabilang paa/kamay
Kapag may sintomas, huwag balewalain at magconsulta agad