07/11/2025
‼️ DOH, PINAGBAWALAN ANG PAGTAAS NG PRESYO NG ILANG GAMOT SA ILALIM NG NATIONAL STATE OF CALAMITY ‼️
Kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ng national state of calamity kahapon, November 6, 2025, mariing pinapaalala ng Department of Health ang implementasyon ng “Price Freeze” sa 146 na gamot sa buong bansa. Ito ay para masiguro ang pananatili sa makatuwirang presyo ng mga bilihing gamot lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ang Price Freeze ay ipinapatupad sa loob ng animnapung (60) araw mula nang ideklara ang state of calamity, maliban kung ito ay tanggalin nang mas maaga ng Pangulo.
💊 Tingnan ang listahan ng mga gamot sa ilalim ng Price Freeze: https://bit.ly/PriceFreezeDOHUpdated
I-report ang anumang sobrang pagpapataw ng presyo o paglabag sa DOH:
📌 pddrugpricemonitoring@doh.gov.ph
📌 ssupd@doh.gov.ph