10/05/2021
Magandang umaga po sa inyong lahat...
Simula po sa araw na ito, May 10, 2021, ang sino mang nagnanais pumila sa Ususan Community Pantries ay aming hihingan ng pagkakakilanlan o identification paper, patunay na kayo po ay residente ng Barangay Ususan o nasasakupan ng Parokya ni San Ignacio de Loyola. Ang bawat barangay po ay may kani-kanilang mga pantries at minarapat po na bigyang prioridad ang mga residente nito at ang higit na nangangailangan. Dahil papaunti na lamang po ang ating mga donors or sponsors, ang bilang po ng mga maaring mabibigyan ay maari ding lumiit na lamang at kung ano man po ang aming makalap mula sa ating mga sponsors ay amin ding ipamamahagi sa higit na nangangailangan.
Patuloy po ang aming pasasalamat at.pagdarasal na sana po ay maipagpatuloy natin ang ating gawain at nawa'y mabuksan ang mga puso ng mga taong may kakayahan na magbahagi man lamang ng kanilang biyaya upang maipadama natin ang pagmamahal sa ating kapwa. Atin ring ipanalangin ang ating mga volunteers na maging ligtas sa ano mang sakit at kapahamakan upang patuloy silang makapaglingkod.
Maraming salamat po at kalugdan nawa tayo ng Panginoon...