09/11/2025
Bilang isang proud Probinsyana, sanay ako sa mga bagyo. Pero bawat dumadaan na bagyo, laging nagbibigay sa akin ng lakas ang kantang ito, na nagpapaalala na sa gitna ng bagyo, maaasahan ko ang Diyos.
π§οΈ Mga Paalala sa Kalusugan para ngayong may Bagyo
1. π Inumin ang inyong mga gamot sa tamang oras. Kung may maintenance o gamot pagkatapos ng chemo, siguraduhing hindi makaligtaan kahit may brownout o baha. Bilhin na mga ito, be prepared.
2. π§ Uminom ng sapat na tubig at iwasan ang pagka-dehydrate. Mag-imbak ng tubig sa bahay.
3. π² Kumain ng masustansya at ligtas na pagkain. Iwasan ang pagkaing hindi sariwa o maaaring kontaminado kapag walang kuryente. Magimbak ng mga pagkain ready to eat tulad ng biskwit at tinapay.
4. π§₯ Panatilihing tuyo at mainit ang katawan. Iwasang mabasa o malamigan, lalo na kung mababa ang immune system.
5. π« Iwasan ang paglusong sa baha.
β’ Ang baha ay maaaring may Leptospirosis, isang impeksyong nakukuha sa ihi ng daga.
β’ Kung hindi maiwasan, magsuot ng bota o plastic protection, at maligo agad pagkatapos.
β’ Kung makaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, o paninilaw ng mata, magpatingin agad sa doktor.
6. π‘ Maghanda ng emergency kit β flashlight, gamot, tubig, at listahan ng mga contact numbers ng inyong doktor at ospital.
7. π Makipag-ugnayan agad sa inyong doktor o health team kung may lagnat, sugat na namamaga, o kakaibang nararamdaman.
8. π Magpahinga at manatiling kalmado. Iwasan ang labis na stress; mahalaga rin ang mental wellness sa paggaling.
Laging tandaan: ang inyong kaligtasan at kalusugan ang pinakamahalaga. π Ingat po tayo!