20/05/2022
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Mula nang maitatag ang Ayudang Medikal Mula sa Bangsamoro Government o AMBAG program noong November 2019 bilang isa sa mga pangunahing programa ni Chief Minister Ahod "Al-Haj Murad" Ebrahim ay nakapaglabas na ng mahigit isang daan at walumpong milyon (Php 184,890,447.00) ang naturang programa alinsunod sa kanyang itinakdang pamantayan at proseso.
Mula noon ay umabot na sa 25,925 na pasyente ang natulungan ng AMBAG at 71% o 18, 382 ay umuwi sa kani-kanilang bahay at pamilya na wala ng binayaran mula sa kanilang sariling pera.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 30 partner hospitals ang AMBAG sa loob at labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Kalinga at Serbisyo, ito ang AMBAG ng Bansamoro!