Barangay Bantug, Talavera N.E

Barangay Bantug, Talavera N.E Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Bantug, Talavera N.E, bantug, Talavera Nueva ecija, Talavera.

12/10/2025

Magandang Umaga po.
Kung sino man po ang nakapansin sa Kambing na kulay Brown, Babae. Dito po sa may Purok 4 maari pong imessage dito po sa ating Fb Page o di po kaya ay dalhin sa Barangay Hall Salamat po Godbless😇😇

Magandang Hapon po mga kabarangay.BARANGAY ASSEMBLY DAY2nd Semester-CY 2025Tema: “Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksy...
10/10/2025

Magandang Hapon po mga kabarangay.

BARANGAY ASSEMBLY DAY
2nd Semester-CY 2025

Tema: “Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly”

Petsa: OCTOBER 25, 2025
Oras: 9:00AM
Lugar: BARANGAY GYMNASIUM
Mga kalahok: Edad 15 taon gulang pataas na nakatira sa Barangay Bantug, Talavera, Nueva Ecija

Malugod na inaanyayahan ng ating butihing Kapitan Miguel Baldomero kasama ang Sangguniang Barangay ng Bantug at Gayun din ang mga Sangguniang Kabataan sa pangunguna ng ating SK Chairperson Melbin Christian Ruz. Kami po ay umaasa at nawa’y makadalo ang karamihan sa ating munting pagtitipon Maraming Salamat po at Pagpalain po nawa tayo ng ating Panginoon 😇

09/10/2025

Magandang Hapon po Bukas po ang hakot ng Basura kasalukuyan lamang po nagkaroon ng Event sa Municipio. Paumanhin po sa muling pagka Delay at Maraming Salamat po Godbless🥰

07/10/2025

Magandang gabi po
Ako po ay humihingi sa inyo ng tulong na kung sino man po ang nakakita sa Kalabaw na pag-aari ni Mr. Sancho Villamar ay ipag bigay alam po ito sa ating Barangay.

Ang kanya pong kalabaw yung Mestizo (kuntawagin), Lalaki at may putot na buntot.

Maraming Salamat po Godbless

Monitoring sa BagyoKeep Dry and Safe Everyone
03/10/2025

Monitoring sa Bagyo
Keep Dry and Safe Everyone

03/10/2025

Magandang umaga po kami po ay humihingi ng paumanhin dahil po sa hindi pa po nahahakot ang ating mga basura kami po ay nakikipag-ugnayan sa mag hahakot ngunit nag karoon po sila ng Family Day sa Municipio kaya po hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at pasensya hinggil dito. Bukas na po ang hakot ng basura. Maraming Salamat po and Godbless

01/10/2025

Isang mapagpalang umaga po pinababatid po ng Pangulo ng RIC na si Gng. Aurora Juliano na pina kansela ang Meeting ngayong araw sa ganap na 3:00pm dahil po sa nagkaroon po ng biglaang gawain ang Coodinator na mangunguna sa nasabing Meeting.

Kaya po kami po ay humihiling ng inyong pang unawa at pasensya sa dagliang pagpapakansela nito Maraming Salamat po. Godbless

30/09/2025

!!!!CANCELLED!!!!

Magandang Gabi p bukas po ay magkakaroon ng meeting ang RIC 3:00pm sa atin pong Barangay Gymnasium inaasahan po ang lahat ng Kasapi Old, New at sa mga gustong maging kasapi ng RIC na dumalo.
Ito po ay pinapabatid sa atin ni Pangulong Aurora Juliano.

25/09/2025

Announcement!!!

Simula ngayong araw September 25, 2025 ay Mahigpit na ipinagbabawal ang mga nag sisiga o susunog ng basura kung sino man po ang mahuli ay mapapatawan po ng kaukulang parusa gaya ng pag bibigay ng Multa.

Gayun din po sa inyong mga basura ihiwalay po ang Bote, Nabubulok at Plastic (Bottle, Sachet at etc).

Mahigpit din pong pinag babawal ang pag lalabas, pagtatambak, pag lagay sa kalsada ng nakasakong basura kung hindi po araw ng hakot nito. Palagi pong tatandaan tuwing MIYERKOLES / WEDNESDAY lamang po ang hakot ng ating basura.

Plastic (Bottle, Sachet at etc), Tela, Lata at iba pa lamang po ang maaring hakutin ng truck ng basura

Meron po tayong Ordinansa na “No Segregation, No Collection”, No Open Burning, No Littering & No Dumping. Ngayon po ay mahigpit na po itong ipatutupad at sa mga makakakita, makakahuli o makakapag picture ay wag po kayong mahihiya na sabihin sa ating Tanggapan upang tayo sa ating Barangay ay masabing isa po tayo sa malinis at maayos na Barangay. Sama sama po tayong isakatuparan ito mga mahal naming kabarangay.

Maraming salamat po at Godbless 😇

Senior Citizens officers meeting sa pangunguna ng ating mabait na Kapitan Miguel R. Baldomero 😇
25/09/2025

Senior Citizens officers meeting sa pangunguna ng ating mabait na Kapitan Miguel R. Baldomero 😇

Road Concreting Project at Purok 4.
20/09/2025

Road Concreting Project at Purok 4.

September 20, 2025Saturday activity for Anti-dengue and insects 🫡
19/09/2025

September 20, 2025

Saturday activity for Anti-dengue and insects 🫡

Address

Bantug, Talavera Nueva Ecija
Talavera
3114

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Bantug, Talavera N.E posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram