The New Santor Clinic and Diagnostic Center

The New Santor Clinic and Diagnostic Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The New Santor Clinic and Diagnostic Center, Diagnostic Center, Santor, Tanauan.

10/10/2024
24/07/2024

19/03/2024

Hello mga ka healthy! Meron po ulit promo handog namin sa inyo. 🫶♥️

CTTO
24/06/2023

CTTO

ANO AT BAKIT MAY HYPOKALEMIA?

🚩Isa sa mga trabaho ng kidneys ang panatilihin ang balance ng fluids at electrolytes gaya ng POTASSIUM sa katawan.

🚩Ang POTASSIUM ay mahalaga upang mapanatiling gumagana ang ating mga MUSCLES, NERVES at HEART. Ang normal serum potassium ay nasa 3.5-5.2 mmol/L. Kung mas mababa dito ang potassium sa dugo, ang tawag dito ay HYPOKALEMIA

🚩Ilan sa mga pinaka-karaniwang dahilan ng HYPOKALEMIA ay ang mga sumusunod:
- PAGTATAE o DIARRHEA
- DIURETICS o GAMOT PAMPAIHI
- KIDNEY DISEASE (gaya ng RTA, Bartter at Gitelman syndrome)
- PRIMARY ALDOSTERONISM
- HYPOKALEMIC PERIODIC PARALYSIS
- HYPERTHYROIDISM
- IBANG DRUGS at HERBAL PRODUCTS (gaya ng ephedrine)

Ang mga senyales at sintomas ng HYPOKALEMIA ay ang mga sumusunod:

🚩SEVERE MUSCLE WEAKNESS - kadalasan na nangyayari kung ang potassium ay below 2.5 mmol/L. Nagsisimula ito sa mga binti at umaakyat papunta sa mga braso at kamay. Sa mga malalang kaso ay nagkakaroon ng PARALYSIS.

🚩IRREGULAR HEART BEAT - nagkakaroon ng mga arrhythmias ng puso gaya ng sinus bradycardia, AV block at ventricular fibrillation. Kung hindi mapataas ang potassium ay pwedeng tumigil ang tibok ng puso at ikamatay.

🚩KIDNEY PROBLEMS - nagkakaroon ng damage sa mga kidneys na maaaring magdulot ng CHRONIC KIDNEY DISEASE sa katagalan

🚩Ang HYPOKALEMIA o MABABANG POTASSIUM SA DUGO ay isang kondisyon na maaaring magdulot ng mga kumplikasyon at pagkamatay kung hindi agad maagapan.

CTTO
29/05/2023

CTTO

ANO ANG URINARY TRACT INFECTION (UTI)?

✅Ito ay ang impeksyon ng urinary tract o urinary system. Maaari itong makaapekto sa URETHRA, PANTOG, URETER o KIDNEYS.

✅ Ang pinaka-karaniwang UTI ay yung mga impeksyon sa pantog (na tinatawag na CYSTITIS) at sa urethra (URETHRITIS). Kapag sa kidneys naman ang UTI, ang tawag dito ay PYELONEPHRITIS.

Ang mga posibleng sintomas at senyales ng UTI ay ang mga sumusunod:
❌ Palaging naiihi o ihi ng ihi
❌ Mahapdi o masakit ang pag-ihi
❌ Masakit ang puson
❌ May dugo sa ihi

Kapag mas matindi ang impeksyon, kagaya ng sa PYELONEPHRITIS, maaaring makaramdam ng mga sumusunod:
❌ Lagnat at panginginig (chills)
❌ Pagsusuka
❌ Pagsakit ng tagiliran

Ang mga sumusunod ay mas mataas ang RISK para magkaroon ng UTI:
⚠ Babae
⚠ May diabetes o iba pang sakit na nagpapababa ng immune system
⚠ Madalas makipagtalik
⚠ Paggamit ng foley catheter
⚠ May mga abnormality sa urinary tract
⚠ May kidney stones
⚠ May pagbabara sa urinary tract (kagaya ng prostate enlargement at mga bukol)
⚠ Sumailalim sa operasyon sa urinary tract

✅ Ang pag-diagnose ng UTI ay nakasalalay sa mga SINTOMAS. Sa mga mas malalang impeksyon, ang inyong doktor ay nagpapagawa rin ng URINALYSIS, URINE CULTURE at ULTRASOUND.

✅ Ang UTI ay ginagamot sa pamamagitan ng ANTIBIOTICS. Tanging ang doktor lamang ang pwedeng magreseta ng mga gamot na ito. Hindi lahat ng antibotics ay epektibo sa lahat ng uri ng UTI.

✅ Ang UTI ay hindi nakakasira ng kidneys kung ito ay maagapan at magamot ng maaga.

29/05/2023

Avail our Blood Chem Promo
May 30-31,2023
950 pesos only!
Chem 8, SGPT, CBC,Urinalysis, ECG

01/05/2023
CTTO
20/07/2022

CTTO

Address

Santor
Tanauan
4232

Opening Hours

Monday 7am - 12pm
Tuesday 7am - 12pm
Wednesday 7am - 12pm
Thursday 7am - 12pm
Friday 7am - 12pm
Saturday 7am - 12pm

Telephone

+639208409234

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The New Santor Clinic and Diagnostic Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram