30/04/2020
Greetings!
Bilang pagtugon sa community quarantine at protocols on social distancing, ang clinic ay gagamit ng Telemedicine simula May 4, 2020, Monday gamit ang facebook account na ito.
Obserbahan po ang sumusunod na clinic schedule:
Mon, Tues, Thurs, Fri , Sat 9am-12nn only. Days off wed and sun
Sundin ang sumusunod na steps:
1. Magpunta sa clinic kasama ang pasyente o mga pasyente upang magpatala sa sekretarya at mag timbang. Kung ang timbang ay nalalaman o kayang iestimate maaaring hindi na isama ang pasyente.
2. Sagutin ang saglit na interview ng sekretarya ukol sa sintomas.
3. Pirmahan ang waiver para sa Telemedicine.
4. Iwan sa sekretarya ang impormasyon ukol sa telepono at messenger account.
5. Bayaran ang consultation fee at maaari nang umuwi sa tahanan.
6. Antayin ang tawag ng duktor ayon sa pagkakasunod sunod ng pangalan sa listahan. Makakatangap kayo ng notice sa telepono o messenger kung anong oras kayo tatawagan.
NOTE: Sakaling tinawagan kayo at di ninyo nasagot. Lalaktawan ang inyong numero at babalikan na lamang
7. Kung sa baryo ninyo ay hindi available ang messenger o signal maaaring gamitin ang messenger sa clinic na ipoprovide ng sekretarya.
8. Sa sinabi ng duktor na araw ng follow-up muling magpatala sa clinic at sundin muli ang steps.
Mga MAHALAGANG PAALALA
1. Hindi po ieentertain ang mga tawag at msgs sa personal na account ng duktor. Mangyari po ay magpatala sa sekretarya.
2. Hindi po maaaring magpalista sa tawag o txt. Kailangan na magpalista ng personal sa sekretarya sa clinic.
3. Mahigpit pong susundin ang schedule. Hindi po tatangap ng consultations sa days off at sa araw ng clinic pag lagpas ng 12nn
5. Huwag pong asahan na agad kayo tatawagan pagkalista. May susundin po tayong listahan.
Umaasa po ang inyong lingkod sa maayos na daloy ng ating Telemedisina.
STAY HEALTHY AND SAFE.🙂 MATATAPOS DIN ANG LAHAT NG ITO BY GOD'S GRACE 🙏🙏🙏
Sumasainyo,
DR GLENDA CALIXTO-DE DIOS