Zynergia-Flordelyn Tapas

Zynergia-Flordelyn Tapas simple

ZYNERGIA MIRACELL Deer Placenta(From New Zealand)Premium Quality Deer Placenta =10000 mg.MIRACELL Deer Placenta is high ...
02/10/2024

ZYNERGIA MIRACELL Deer Placenta
(From New Zealand)
Premium Quality Deer Placenta =10000 mg.

MIRACELL Deer Placenta is high in growth factors which promotes collagen production and cell regeneration,cell growth,balance body hormones,repair damaged tissues.It strengthens the immune system,promotes longevity and enable every cell,organs and body to remain in their optimal health condition because as we age our cells gradually weaken,and eventually die. So Miracell has the capacity to repair the damaged cells,organs and body.Deer placenta is of good compatibility with the human body.

Health Benefits

It has the nourishing effect on blood vessels and the lymphatic system

Helps to control chronic inflammation,which is often the root cause of chronic illnesses

Helps patients with Diabetes,Alzcheimer's disease and bone diseases

Vital source of energy for muscular tissue growth ,the brain and neurological system

Aids in the elimination of weariness

Promotes the health of the thyroid gland,adrenal glands and pituitary glands

Helps strengthen the immune system in preparation for liver regeneration

Decrease the appearance of fine wrinkles and helps reverse the aging process,maintains youthful skin

Regulates blood pressure and improve blood flow

To learn more and order:
Message👉📱09999005716

We ship nationwide thru LBC, J&T
Thru DHL for international

Prevention is the best
Disclaimer:No Approved Therapeutic Claims




02/10/2024
Alam ko po marami ang naguguluhan kung anu ang HEPA B, panu siya nakakahawa. Ganito po yun para maging malinaw sa lahat....
11/02/2024

Alam ko po marami ang naguguluhan kung anu ang HEPA B, panu siya nakakahawa. Ganito po yun para maging malinaw sa lahat.
ang HEPA B ay isang virus na makikita sa dugo. ito ay di katulad ng HEPA A, na mahahawa ka sa laway, pag nahawakan ka niya.
Ang HEPA B ay parang HIV virus. mahahawa lang ang tao thru blood transfusion. like pag nag s*x, kung ang ginamit na karayom ay ginamit sa may HEPA B, mahahawa ka.
Ang HEPA B, walang sintomas. malalaman mo lang na may hepa b ka kapag nag pa laboratory test ka. magkakaroon ka lang ng ibang pakiramdam, oh sinyales kapag malala na ang isang HEPA B na pasyente.
Kapag di pa malala ang pasyente, nasa dugo lang siya. pero kapag nag sisimula na siyang lumala, ang liver na aapektuhan na niya. kaya makikita sa SGPT, SGOT na tumataas ang result. ibig sabihin, nadadamay na ang liver ng isang pasyente.
yan ang dahilan kung bakit ang mga doctor puro lang vitamins ang binibigay para, ang liver hindi madamay sa virus na hepa b. pero kung tutuusin para sa kanila wala pa talagang gamot.

May mga case na ang asawang babae ay may HEPA B, nag s*x sila pero ang asawa niyang lalaki ay hindi nahawa, kasi ang immune system ng asawa niya malakas pa. hindi siya na hawa, hindi dahil hindi pa malala ang kanilang HEPA B.
Sa mga medical doctor totoo wala pa silang gamot para dito, pero may solusyon pa para lumakas ang liver sa pamamagitan ng nutrients at disiplina.
Laging tandaan, tatlong bagay ang kailangan para gumaling tayu sa ating karamdaman.
1. Paghingi ng tulong sa Dios
2. Tamang gamot
3. Disiplina sa sarili. Ito ay ang pagsunod sa mga ipinagbabawal sa inyo na mga pagkain.

Meron po kameng programang health forum and free consultation with doc atoie. Sa gustong umattend ng health forum para magkaroon po kayo ng nutritional guidelines para sa liver problem, message nyo lang ako. Salamat

11/02/2024
ANO BA ANG COLON CANCER?Ang Colon Cancer ay kanser ng malaking bituka (large intestine). Ito ay nasa ibaba o panghuling ...
11/02/2024

ANO BA ANG COLON CANCER?
Ang Colon Cancer ay kanser ng malaking bituka (large intestine). Ito ay nasa ibaba o panghuling bahagi ng sistemang panunaw (ng pagkain) o "digestive system" ng ating katawan.
📷 Ano Ang Sanhi ng Colon Cancer?
Pangkaraniwang ang kanser sa colon ay nagsisimula bilang maliit na polip (polyp). Ito ay para lamang maliit na butlig o nunal sa loob ng ating malaking bituka. Sa paglipas ng maraming taon, ang ilan sa mga polip na ito ay maaaring maging kanser. Bihirang may sintomas na mararamdaman kapag mayroong polip.
Ang malusog na mga selula ay lumalaki at nahahati sa maayos na paraan para mapanatiling malusog ang katawan ng tao. Kapag ang DNA o Deoxyribonucleic acid (DNA) (Tagalog: asidong deoksiribonukleiko) ay isang nukleikong asido na naglalaman ng mga henetikong instruksiyon na ginagamit sa pag-unlad at paggana ng lahat ng alam na mga buhay na organismo. Ang mga segmentong DNA na nagdadala ng mga henetikong impormasyong ito ay tinatawag na mga gene.
Ang malusog na mga selula ay lumalaki at nahahati sa maayos na paraan para mapanatiling malusog ang katawan ng tao. Kapag ang DNA ay nasira at selula ay maging cancerous, ito ay patuloy parin sa pagpaparami, kahit pa hindi naman kailangan ng bagong mga selula. Habang dumarami ang depektibong mga cells, nabubuo naman ang tumor.
📷 Ano Ang Mga Sintomas ng Colon Cancer?
1. Mga pagbabago sa ugaling pagdumi – maaaring pagtatae (diarrhea) o pagtitibi (constipation);
2. Dugo o bahid ng dugo sa dumi;
3. Walang lubay na pananakit ng tiyan o puson at pagkakaroon ng kabag (gas or cramps);
4. Pananakit ng tiyan/puson habang dumudumi;
5. Pakiramdam na parang hindi lubos ang pagdumi;
6. Hindi maipaliwanag na Anemya o pagkukulang sa dugo;
7. Panghihina at pagkahapo;
8. Pagbaba ng timbang na walang maipaliwanag na dahilan;
9. Pagkitid ng sukat ng dumi;
10. Pagkaduwal (nausea) at pagsusuka.
Ang Colon Kanser ay kadalasang nagsisimula sa panloob na balot (lining) ng malaking bituka. Sa paglaki ng tumor, maaari itong bumara sa dinaraanan ng dumi kung kaya nagkakaroon ng mga sintomas. Ang tiyan ay maari ring lumaki at ang malaking bituka ay maaring mabutas. Ang colon kanser ay maaring kumalat sa ibang mga bahagi ng katawan (metastasis) sa pamamagitan ng dugo at sistemang limpatika. Ang karaniwang pinipuntahan ay ang atay, baga at peritonyo (peritoneum).
📷 Ito may mga antas (stages) ayon sa kalubhaan (severity).
Stage 1 – ang kanser ay nasa loob lamang ng dinding (wall) ng malaking bituka.
Stage 2 – ang kanser ay lumabas na sa dinding ng malaking bituka.
Stage 3 – ang kanser ay kumalat na sa mga kulani (lymph nodes) na nakapalibot sa kolon.
Stage 4 – ang kanser ay kumalat na sa ibang bahagi ng katawan.
📷 Paano Makakaiwas sa Pagkakaroon ng Colon Cancer?
1. Kumain ng masusustansyang pagkain. Ang pagkain ng mga prutas, gulay at binhi na mayaman sa bitamina, mineral, fiber at antioxidants ay makakatulong ng malaki sa hindi pagkakaroon ng kanser sa bituka. Iwasan din ang sobrang pagkain ng matataba sapagkat isa ito sa itinuturong sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa bituka.
2. Umiwas sa alak at sigarilyo. Mas mainam na makaiwas nga alak at sigarilyo sapagkat makatutulong ito na lumiit ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit na kanser.
3. Regular na pageehersisyo. Mayroon ding pag-aaral na ang mga taong madalas nag-eehersisyo ay kadalasang hindi nagkakaron ng colon cancer.
4. Pagpapanatili ng tamang timbang. Naidirikit din ang pagkakasakit ng kanser sa bituka sa mga taong sobra sa timbang o obese. Kayat mainam na panatilihin lamang sa tamang timbang ang katawan

Sa may mga ganitong health concern mag pm lang po at baka po makatulong ako salamt po

Keep safe

Dagdag Kalaman Tungkol sa Kanser sa Suso (Breast Cancer)Ang kanser sa suso (breast cancer) ay bunga ng hindi mapigil na ...
11/02/2024

Dagdag Kalaman Tungkol sa Kanser sa Suso (Breast Cancer)

Ang kanser sa suso (breast cancer) ay bunga ng hindi mapigil na pagdami ng mga cancer cell sa dibdib. Karamihan ng mga nagkakaroon nito ay mga babae, pero minsan ay nakaaapekto din ito ng mga lalaki.

Nagsisimula ang kanser sa suso bilang isang tumor. Pero sa paglala nito, ang tumor ay lalong lumalaki at nagsisimulang umatake sa mga laman sa paligid nito. Ito ay tinatawag na metastasis. Ang kanser na ito ay maaari ring kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Kabilang sa mga sintomas ng kanser sa suso ay ang pagkakaroon ng bukol sa suso, pagbabago sa hugis ng suso, pamumula nito, at pagbaon ng mga utong. Nilulunasan naman ito sa pamamagitan ng operasyon, radiation therapy, at maging ng chemotherapy.

🔸KASAYSAYAN

Matagal nang mayroong kabatiran ang mga tao ukol sa kanser sa suso. Katunayan, isinalarawan ang sakit na ito sa Edwin Smith Surgical Papyrus na mula pa sa mga taong 3000 hanggang 2500 B.C.E.

Maging si Hippocrates na kilalang manggagamot mula sa panahon ng Ancient Greece ay isinalarawan ang mga stages ng kanser sa suso noon pang mga 400 B.C.E.

Pagsapit naman ng unang siglo A.D. ay pinag-aralan na ng mga manggagamot kung papaano tanggalin ang tumor sa pamamagitan ng mga surgical incisions. At noong mga panahon ding iyon ay pinaniniwalaan na’ng may kaugnayan ang kanser at ang pagtatapos ng cycle ng regla.

Pagsapit ng Middle Ages ay muling sinuri ng mga doktor na Muslim ang mga tekstong pangmedikal ng mga Griyego upang pag-aralan ang kanser sa suso. Ang mga Islamic na mga manggagamot na sina Rhazes, Ibn Sina (Avicenna), at Jorjani ay pinagkumpara ang mga natuklasan ng mga Griyegong mangagamot sa kanilang sariling pagsusuri. Inayunan nila ang mga surgical na pamamaraan ng pagtanggal ng mga tumor. Natuklasan din nila kung aling mga bahagi ng katawan ang karaniwang tinutubuan ng tumor. Bukod dito, natuklasan nila ang mga "herbal na mga pamamaraan para lunasan ang mga sintomas ng kanser sa suso".

🔸MGA URI NG KANSER sa SUSO

Ang pinakakaraniwang uri ng kanser sa suso ay ang mga carcinoma. Ang iba pang mga uri nito ay base sa kung saan ito namuo.

Ang mga sumusunod ay ang mga iba’t-ibang uri ng kanser sa suso:

🔹In situ breast cancer. Mayroong
dalawang uri ang kanser na ito: ang
ductal carcinoma in situ (DCIS) na
kilala rin bilang intraductal
carcinoma) at ang lobular carcinoma
in situ (LCIS).

🔹Invasive breast cancer. Ang uri ng
kanser na ito sa suso ay kumalat na
sa iba pang mga laman ng suso.

Mayroon pang ibang mga uri ng kanser na hindi gaanong karaniwan, kagaya ng mga sumusunod:

🔹Inflammatory breast cancer. Ito ay
isang uri ng invasive na kanser sa
suso. Ito ay bumubuo ng may 1%
hanggang 5% lamang sa lahat ng
mga kaso ng kanser sa suso.

🔹Paget disease sa mga utong. Ito ay
isang uri ng kondisyon na nag
uumpisa sa mga breast ducts at
kumakalat sa balat ng mga utong
papunta sa ar**la.

🔹Phyllodes tumor. Ang tumor na ito ay
napakadalang lamang. Namumuo ito
sa mga connective tissues ng suso.
Ang karamihan sa mga tumor na ito
ay benign o hindi agarang kumakalat.
Subalit may iilan na nagiging
malignant o labis na kumakalat sa
ibang bahagi ng katawan.

🔹Angiosarcoma. Ang mga sarcoma sa
suso ay napakadalang. Ang
angiosarcoma ay nag-uumpisa sa
mga cell sa mga lymph at blood
vessel. Ang pagkakaroon nito ay
maaaring kaugnay ng mga nakalipas
na pagpapagamot sa kanser sa suso.

🔸MGA SANHI

Ang kanser sa suso ay bunga ng hindi makontrol na pagdami ng mga cell ng kanser sa suso. Maaaring mag-umpisa ang kanser sa suso sa iba’t-ibang bahagi nito. Subalit, karaniwan itong nag-uumpisa sa mga ducts kung saan dumadaloy ang gatas papunta sa mga utong.

Kapag lubusang kumalat ang mga cancer cell na ito ay maaari nitong maapektuhan ang iba’t ibang bahagi ng katawan, lalo na kapag ang mga cells ng kanser ay kumalat sa mga lymph nodes o kulani.

🔸SINTOMAS

Ang mga sintomas ng kanser sa suso ay ang mga sumusunod:

🔹Pagkakaroon ng bukol na kapag
hinipo ay hindi katulad sa iba pang
mga laman ng suso
🔹Pagbabago sa balat ng suso, kagaya
ng pagkakaroon ng maliliit na mga
biloy (dimples)
🔹Pagbabago sa laki, hugis, at hitsura
ng suso
🔹Nakabaon na utong
🔹Pamumula ng balat ng suso
🔹Pagbabalat, pangangaliskis, o kaya ay
pagbibitak ng ar**la o ng mismong
balat ng suso

🔸MGA SALIK sa PANGANIB

Ang mga pangunahing salik sa panganib sa pagkakaroon ng kanser sa suso ay ang mga sumusunod:

🔹Pagiging babae. Bagama’t ang mga
lalaki ay maaaring magkaroon ng
kanser sa suso, ang panganib ng
pagkakaroon nito ay mas mataas sa
mga kababaihan.
🔹Edad. Habang nagkakaedad ay lalo
namang tumataas ang posibilidad ng
pagkakaroon nito.
🔹Pagkakaroon ng kondisyon sa suso. 🔹Kapag may natagpuang lobular
carcinoma in situ (LCIS) o kaya ay
atypical hyperplasia sa suso, ang
isang babae ay mayroong mataas na
posibilidad na magkaroon ng kanser
sa suso.
🔹Pagkakaroon ng kanser sa isang
suso. Kapag nagkaroon ng kanser sa
isang suso ay maaari ring magkaroon
ang isa pa nito.
🔹Pagkakalantad sa "radiation". Ang
pagkakaroon ng "radiation test" sa
gawing dibdib ay maaaring magdulot
ng kanser sa suso.
🔹Pagiging labis na mataba. Tumataas
ang posibilidad ng pagkakaroon ng
kanser sa suso kapag napakataba ng
isang babae.
🔹Maagang pagkakaroon ng regla.
Kapag ang babae ay niregla na bago
pa mag 12 taong gulang, lumalaki
ang posibilidad ng pagkakaroon niya
ng kanser sa suso.
🔹Pagkakaroon ng menopause sa mas
mataas na edad. Ang babaeng
nagsimulang makaranas ng
menopause sa mas matandang edad
ay mayroong mas mataas na
posibilidad ng pagkakaroon ng
kanser sa suso.
🔹Pagkakaroon ng unang anak sa
matandang edad. Ang mga babaeng
may edad na nang manganak sa
kanilang panganay ay may mataas na
panganib ng pagkakaroon ng kanser
sa suso.
🔹Hindi pa naranasang magbuntis. Ang
mga babaeng kailanman ay hindi pa
nagbubuntis ay may mas mataas na
posibilidadng magkaroon ng kanser
sa suso kaysa sa mga nanganak na
minsan o ng ilang beses na.
🔹Pagsasailalim sa postmenopausal
hormone therapy. Ang mga
kababaihang sumasailalim sa
hormone therapy na may
pinagsamang estrogen at
progesterone para sa menopause ay
mayroon ding malaking posibilidad
na magkaroon ng kanser sa suso.
🔹Malabis na pag-inom ng mga
nakalalasing na inumin. Ang malabis
na pag-inom ng nakalalasing na mga
inumin ay salik din sa panganib ng
pagkakaroon ng kanser sa suso.

🔸PAG-IWAS

Sa ngayon ay wala pang mga tiyak na paraan upang maiwasan ang kanser sa suso. Subalit, mayroong mga hakbang na maaaring gawin upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon nito, kagaya ng:

🔹Pag-iwas sa labis na pag-inom ng
mga nakalalasing na inumin
🔹Pagkain ng sariwa at masustansiyang
mga pagkain na mayaman sa mga
prutas at gulay
🔹Pagkakaroon ng sapat na pahinga
🔹Pag-iwas sa stress
🔹Regular na pag-eehersisyo
🔹Pagmentina ng wasto at malusog na
body mass index (BMI)

Maaari ring pag-isipan ng isang babae ang pagsasailalim sa preventive surgery.

Merong natural na pamamaran upang gumaling sa ganitong karamdam. Hindi lang para lunasan

Ang kaylangan lang MANIWALA, MAGTIWALA, TAMANG PAGSUNOD, DISIPLINA sa SARILI, FAITH kay GOD at sa tulong ng NUTRITIONAL GUIDELINES at ALTERNATIVE MED/FOOD SUPPLEMENTS makakakamit ang kagalingang hinahangad.

🔸TAKE NOTE:
Makaiba ang gumaling sa lunasan
Gumaling - Healed
Lunasan - Relief

Sa may iba pang mga katanungan maaaring magmensahe lamang po. Salamat po

nakakaexcite to😍😍😍😍
12/10/2023

nakakaexcite to😍😍😍😍

HerSecret Korean Glass Essentials has officially been launched. Stocks will soon be available at the nearest branches near you.

Unlock the beauty of HerSecret today. Your journey to the perfect glass skin begins now.

Her Secret Korean Glass Essentials:
Where Beauty Meets Secret

Address

Blk34 Lt5 Ph6 Carissa Homes
Tanza
4108

Telephone

+639999005716

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zynergia-Flordelyn Tapas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Zynergia-Flordelyn Tapas:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram