22/04/2026
Muling nagsagawa ang Tanza Wellness Center – Social Hygiene Clinic ng kanilang Monthly HIV Screening sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tanza ngayong araw, April 22, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kampanya laban sa HIV at pagsusulong ng kalusugan sa komunidad.
Isinagawa ang aktibidad na ito sa ilalim ng mga programang pangkalusugan ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” B. Matro.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman tungkol sa HIV prevention, mabigyan ng tamang impormasyon, at makapagbigay ng libreng HIV testing upang masigurong maagapan at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.