16/12/2025
Eto dapat!
Alisin ang MAIFIP (Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients) sa kamay ng mga pulitiko.
Ang pondo para sa mahihirap na pasyente ay hindi dapat dumaan sa padrino, pirma, o pakiusap.
Gawing awtomatiko at direkta ang pagbabayad ng gobyerno sa hospital bills. Gobyerno papunta sa ospital, walang middleman.
Tanggalin ang sobra-sobrang requirements. Ang may sakit ay hindi dapat pahirapan ng papel. Isang medical abstract at isang assessment lang ang kailangan. Hindi affidavit, hindi certificate na paulit-ulit, hindi pila.
Pahintulutan ang mga pribadong ospital na magproseso. Kung kaya nilang maggamot, kaya rin nilang mag-validate. Accredited private hospitals should be allowed to process claims directly, with post-audit instead of pre-approval.
Serbisyo, hindi pulitika. Ang tulong medikal ay karapatan hindi pabor. At ang buhay ng pasyente ay hindi dapat nakabitin sa kung sino ang kakilala mo.